Chapter 16

19 1 1
                                    

Chapter 16

I've been in cloud nine since that night. The famous actor and model, Alaric Asher Suarez is my boyfriend.

A smile crept in my lips when I remember what happened after that dance.

Sinakop ng malapad niyang kamay ang baywang ko. Laging may pag-iingat sa bawat paglapat ng kamay niya sa katawan ko.

Ipinatong niya ang kaniyang baba sa kaliwang balikat ko. Hinayaan ko lang siya dahil hindi ko naman alam kung ano ba dapat ang gawin.

"Let's make it official, Eliz."

"H-Huh?"

"Sagutin mo na ako," mahina niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman ko na inamoy niya 'yon.

Paladesisyon din, e.

"This feeling is so overwhelming," huminga siya ng malalim at kumalas sa yakap. Hinarap niya ako. He cupped my cheeks and caress it lightly. "I'm very happy. I don't know what to do anymore."

Para akong tanga na nakatunganga sa kaniya. He chuckled.

"Ayaw na kitang pakawalan," bulong niya bago pinatakan ng magaang halik ang gilid ng labi ko.

Pagkatapos no'n, wala na akong mahanap na tamang salita na dapat sabihin sa kaniya. Well, gusto ko rin naman 'yon pero parang maaga pa para do'n. Hay, ewan.

Hanggang sa makarating kami sa bahay, tumatawa pa rin siya. Baliw.

"Zab! Nandito na si Alaric, baba ka na daw!" Sigaw ni Kuya mula sa baba.

Noong isang linggo pa kaming nakabalik dito sa Manila at madalas si Alaric dito sa amin dahil malapit lang naman siya.

"Coming!"

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa malaking salamin. Ngayong araw niya ako ipakikilala sa pamilya niya. Sobrang kabado pero go lang. Kaya ko 'to. Huminga ako ng malalim at pasimpleng pinalakas ang loob. Daig ko pa ang college na sasabak sa exam dahil sa labis na kaba na nararamdaman.

Ganito pala ang pakiramdam ng 'meet the family'.

Naabutan ko na nagkukwantuhan sila ni Daddy. Dahil nga magaling makisama si Alaric mabilis niyang nakasundo si Daddy.

"Good morning, Zab." Bati ni Daddy nang makita niya akong papalapit.

"Good morning, Dad." I kissed his cheek. Bumaling ako kay Alaric at binati rin siya. "Morning, Ric."

"Good morning,"

"Let's go?" Tumango siya at nagpaalam na kami. Sa sasakyan, tahimik lang ako. Nagkukwento siya sa akin pero lutang talaga ako.

Naramdaman niya yata ang kaba ko kaya humalakhak siya. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

"Don't be nervous, Eliz. They are kind."

"Mas lalo yata akong kinabahan, Ric." Sabi ko na ikinatawa niya.

Pinagbuksan kami ng gate at tumigil ang sasakyan niya harap ng isang marangyang bahay.

Pagbaba ay dumoble ang kabang nararamdaman ko, halis marinig ko na ang tibok ng puso ako.

Walang sabi-sabing hinagip ni Alaric ang kamay ko, pinagsalikop 'yon at hinila ako papasok.

Diretso agad kami sa kusina. Nagkakagulo ang mga tao do'n.

"This one' too. Oh, God. They are coming any moment. Santa, darling, ito pa."

Isang hindi katandaan na babae na naabutan namin sa kusina na mukhang stress na sa pag-aayos ng lamesa.

"Mom," agaw niya sa atensiyon ng babae. Bumaling ito sa amin. Her eyes widen.

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن