Chapter 12

8 1 0
                                    

Chapter 12

Hindi mawala ang ngiti ko, pinipigilan ang tumawa samantalang siya ay seryoso at diretsong nakatingin sa labas habang nagda-drive, namumula ang tainga.

Impit akong napatawa.

"Stop laughing, Eliz. Why are you even laughing?" Inis niyang sabi.

"Hindi na," sabi ko, pigil pa rin ang pagtawa. Inismidan niya lang ako.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa pupuntahan. Hindi pamilyar ang resto na 'yon sa akin. Hindi rin naman kami madalas kumain sa labas dahil mas gusto namin ang mga lutong bahay.

He order food for us. Minsan-minsan ay may lumilingon sa kaniya, siguro ay namumukhaan siya.

Kahit naman siguro hindi siya kilala, mapapalingon pa rin sa kaniya. He's just sporting a white shirt underneath his black jacket and black pants. Kung tutusin ay mas mukha pa siyang presentable kaysa sa akin. Nangingibabaw siya sa lahat ng tao dito.

"Let's eat."

I don't know why I'm too comfortable around him. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita kami, sabi nga ni Kuya Vlad, first meet, pero sobrang kumportable ako sa kaniya.

Ilang beses ko siyang nahuling sumusulyap sa akin. I raised my brow when I caughed him again.

"Tingin-tingin ka diyan?"

He cleared his throat and drink his water.

"Nothing," umiling pa siya.

"'Yong kasalanan mo nga pala," pinanliitan ko siya ng mata, umiwas naman siya ng tingin.

Guilty rin, e.

"I'm sorry, it's just... I want you to... uh, like me in a simple way?" He said, unsure. Umirap ako sa kawalan.

"Pero actually, hindi ka talaga namin kilala. Nalaman lang namin noong umuwi kami noong isang araw. Puro mukha ko kasi ang nasa EDSA." Tumawa ako, remembering that epic moment.

"Really?" Nakataas ang kilay niya, nanunukso. Ibinaba niya ang kubyertos at itinuon ang buong atensiyon sa akin.

"Oo kaya. Kahit kasi sina Kuya at Ate hindi ka kilala, kahit mga pinsan ko. Pero kilala na kita ngayon, 'no!"

Pero kung sakali na kilala ko siya, hindi ko alam kung nandito ba kaming dalawa.

"Alaric Asher Suarez, twenty-seven years old. Most famous and highest paid model in his generation." I wiggled my eyebrows and smirk.

"Wow, you research me?" Humalakhak siya.

"Slight. Ang tanda mo na. Hindi ka pa ba mag-aasawa?"

"Not too old, atsaka may hinihintay pa ako," he said without cutting our eye contact.

"Oh? Talaga? Sino?" Amaze na tanong ko. He sigh deeply, like he's in some trouble.

"You didn't get me? Hay, nevermind, Eliz." Umiling-iling siya at muling tumawa. Nakitawa na lang din ako kahit hindi ko naman talaga naintidahan ang sinabi niya. Wala naman kasi siyang sinagot, e.

Pagkatapos kumain, sumakay ulit kami sa kotse niya at wala akong alam kung saan ang punta namin.

Pinakialam ko ang speaker at nagplay ng kanta. You Belong Wit Me by Taylor Swift play.

Bigla akong sumigaw, gulat siya pero ngumiti nang may mag-sink in sa kaniya.

"Swiftie ka?!"

"Yes,"

"Ako rin!" Sigaw ko ulit. Humalakhak siya sa reaksiyon ko.

Sumabay ako sa kanta. Minsan ay napapaindayog pa ako.

Road trip it is! 

"Matagal ka ng model at artista?" Tanong ko. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong kilalang Alaric na artista noon, bago kami umalis.

"Not really, three years."

Bumaling ako sa kaniya. Sagling siyang tumingin sa akin pero agad ding ibinalik sa kalsada.

"Ang bilis mong sumikat,"

"I didn't wish, tho."

"Huh?"

"I really want to be a pilot. Pumasok lang ako sa modelling dahil sa mga kaibigan ko hanggang sa napamahal na rin ako."

"Sana all mahal." Bulong ko at humalakhak.

"What?" Kunot ang noo niya habang nasa daan pa rin ang tingin.

"Sabi ko, cute mo magtagalog. May lahi ka ba?"

"Wala,"

"Tumira sa ibang bansa?"

"Uhm, yes. We moved back here when I was sixteen. I told you about that before, right?"

"Hindi ko na tanda,"

"Tsk, that's sad. I remember every single details about you and you don't when it comes to me." Sabi niya sa marahang pa ring paraan.

Humalakhak lang ako sa litanya niya.

"Nakalimutan ko lang e," lumabi ako.

Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin. Sinabi ko sa kaniya na gusto siyang makilala ng pamilya ko at agad naman siyang pumayag, pinaalam niya rin na dadalhin niya ako sa bahay nila para ipakilala ako ng pormal sa pamilya niya at pumayag din naman agad ako kahit na kabado.

Hindi katulad namin, hindi malaki ang pamilya nila. Dalawa lang silang magkapatid at may tatlo lamang siyang pinsan.

Napatulala ako sa labas. Baka hindi nila ako nagustuhan? Paano nga kung hindi?

Gano'n pa naman ang mga napapanood ko sa mga drama, active ang social life ng nanay, at dahil artista ang anak gusto ring artista o 'di kaya ay modelo ang makatuluyan ng anak.

I shook my head. Hindi naman siguro.

Bumaling ako kay Alaric at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Ano?" tanong ko.

Umiling lang siya.

Hininto niya ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Lumabas siya kaya lumabas din ako agad.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagbaba. Napayakap agad ako sa aking katawan. Crop top ang suot ko kaya mas lalo pa akong nilamig.

Nakita ko na hinubad ni Alaric ang suot niyang jacket at tahimik na ipinatong 'yon sa balikat ko. His perfume immediately invade my nose. Sinuot ko 'yon.

Tanging puting shirt at pants ang suot niya pero parang camera na lang ang kulang. Kahit yata basahan ang suotin niya, maganda pa rin tignan.

Unfair, huh.

"Wala bang makakakilala sa 'yo dito?" Tanong ko.

"Wala naman siguro. Come here," sumunod ako sa kaniya.

"Naglalagi ka ba dito?" Tanong ko at sumandal din sa railings.

Kitang-kita mula rito ang bulkang Taal. Ang maliliit na ilaw mula sa ibaba ay magandang pagmasdan.

"Before, when I'm too stress because of my work." Sagot niya, nasa magandang tanawin pa rin ang paningin. Tumaas ang kilay ko.

"Hindi ka na ba nagiging stress ngayon?"

"Stress pa rin, but now, I have a new habit when I'm stress."

Tumingin siya sa akin. Isang ngisi ang iginawad niya sa akin. 

"Whenever I feel so stress, I'm gonna call a girl living from another side of the world and talk to her. She's my stress reliever," he let out a soft chuckled before caressing my hair softly.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now