Chapter 20

10 1 0
                                    

Chapter 20

Years past by just like a wind. Hindi ko na namalayan na sa susunod linggo na pala ang pangatlong anniversary namin ni Alaric.

Well, I don't really like a fancy celebration. Kahit simpleng dinner lang o kahit lumabas lang kami okay na sa akin.

"I'm so tired," sabi niya sa kabilang linya.

"Then take a rest, Ric. Don't tire yourself too much, okay?"

"Yes po," sumaludo pa siya. Tumawa ako dahil pinipilit pa niyang makipag-usap sa akin kahit antok na antok na siya, pipikit-pikit na ang mata niya at pinipilit niya lang magmulat. Nakahawak pa siya sa magkabila niyang pisnge.

I chuckled, I badly want to pinch that cute cheeks of him.

"I'll drop the call na, Alaric. Magpahinga ka na okay?"

"Okay. Good night, I love you." Mahina niyang sabi. Muli akong tumawa.

"I love you, too. Good night." I ended the call. Humiga na rin ako sa kama, katulad niya ay pagod din ako dahil sa trabaho.

Our relationship is not toxic as others. We're just cool. Madalas pa rin naman kaming magkita dahil ginawa na niyang magkapitbahay ang Pilipinas at California. Tuwing sabado at linggo nandito siya, kung minsan  naman ay nagli-leave siya sa trabaho ng isang linggo at tumitigil dito. Ako nga ang naaaksayahan sa kaniya, napakagastos.

I'm planning to surprise him on our third anniversary. Siya ang laging pumupunta dito kaya balak ko namang siya ang puntahan sa Pilipinas. Although, hindi alam ng mga fan niya na ako ang girlfriend niya.

Noong kasi ay sinabi niya sa isang interview na mayroon na siyang girlfriend at ako nga 'yon. Isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit ayaw niya talaga ng ka-loveteam. Okay naman 'yon sa management dahil gusto nilang umangat si Alaric nang walang ginagamit o gumagamit na kung sino.

They are dying to know who's his girlfriend, hindi kasi talaga siya nagpapakita ng interes sa kahit kaninong babae. Tuwang tuwa naman si Alaric at todo puri pa sa 'kin. Akala mo naman ay kikiligin ako, hindi naman, hindi talaga.

We're enjoying our lowkey relationship, tahimik lang at walang gulo. Advantage nga para sa amin na nandito sa ibang bansa dahil walang nakakakilala at malaya kaming nakakalabas na magkasama. Kapag nandito pa naman siya halos araw-araw kaming magkasama dahil parang bata siya na ayaw bumitaw sa nanay.

Kuya Vlad help me to packed my things. He's not comming with me, niyayaya ko nga pero ayaw naman sumama dahil susuyuin pa daw niya si Ava kasi kahapon pa daw siyang hindi kinakausap, e wala naman daw siyang ginawa masama. Natatawa na lang talaga ako kapag 'tong dalawa na 'to na ang may away, lagi kasi sa akin nagku-kwento si Kuya.

Si Kuya Vlad ang pinaka-close ko sa dalawa kong kapatid, si Ate Sam kasi babad sa trabaho at halos wala ng oras para sa amin. Okay lang naman, hangga't masaya siya sa ginagawa. Masyadong lulong sa trabaho, minsan nga iniisip ko na baka tumanda siyang dalaga. Kawawa naman siya kung sakali.

Umiling ako at iwinaksi ang iniisip.

Humalakhak ako dahil sa nakalabing si Kuya. Gustong-gusto talagang sumama umuwi sa Pilipinas pero hindi naman makasama.

"Suyuing mo po muna kasi Kuya saka kayo sumunod sa Pinas,"

"Paano ko ba 'yon susuyuin? Wala naman akong ginawa," nakanguso niyang sagot.

"Bahala ka," umirap ako sa kaniya. Hinayaan ko siyang ibaba ang maleta ko at ako naman ay naligo na, ayaw ko naman na ma-late sa flight.

Pagkatapos ay bumaba na rin. Nadadnan ko siyang ko silang lahat doon. Para bang mangingibang bansa ako at matatagalan ng uwi.

"Pasalubong, Zab ah!" Si Kuya.

"Mag-iingat ka roon, kumain ka ng marami." Segunda naman ni Abuela.

"Huwag masyadong magpuyat! Adik ka pa naman-" hindi ko na pinatapos magsalita si Kuya Jade.

"Kalmahan niyo po," natatawa kong sabi. Lumapit ako kay Ate Moneth at kinuha sa kaniya ang tatlong taong gulang kong pamangkin. Pinisil pisil ko pa ang kaniyang malaking pisngi. Humakhak siya at niyakap ang leeg ko.

Ang cute talaga.

"Hello, baby Janda!"

She waved her little hand. Muli ko siyang pinangigilan at hinalikan ang palibot ng mukha. Binalik ko siya kay Ate Moneth.

"Aalis na po ako, baka ma-late na ko." I said. I kissed their cheeks. Umirap lang sa akin si Ate Cardi. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa gilid, masyado na kasing malaki ang tiyan niya. Malapit na ring lumabas ang little Cardi namin, sana ay hindi magmana sa ina.

"I'll miss you, Ate." I kissed her cheeck. "Pahinga ka na po," muli siyang umirap at bahagya akong tinulak kaya napahalakhak ako.

"Umalis ka na, nabubwiset lang ako sa 'yo." Sabi niya at hinaplos ang kaniyang tiyan.

Gusto niyang umuwi sa Pilipinas pero dahil malaki na ang kaniyang tiyan, hindi siya payagan ng asawa niya.

Kumaway ako sa kanila bago sumakay sa sasakyan ni Kuya. Pagdating sa airport ay pumasok na agad ako sa loob para hindi maiwan ng eroplano. Napahaba ang asaran namin kaya hindi ko na napansin na malapit na akong ma-late.

When I arrived to the Philippines, agad akong nagpasundo kay Daddy. Tuwang-tuwa sila na umuwi ako.

"Mabuti nakauwi ka, Arich."

"Dalawang linggo lang po ako dito,"

Sabi pa nga ni Ava gawin ko ng isang buwan pero hindi ako pumayag. Ayaw ko naman na sabihin ng pamilya niya na abusado ako dahil kaibigan ko ang namamahala.

"Gano'n ba?"

"Opo, atsaka balak ko pong sorpresahin si Alaric," sagot ko na ikinatango nila.

I slept smiling that night. Nakausap ko kasi si Alaric at ang dami niyang plano para sa anniversary namin. Parang sira.

Maaga naman akong gumising. I checked my phone, may text pa doon si Alaric at kagabi pa yon ng alas nuwebe.

Alaric:
Good morning! Goodluck to your work, love <3

I typed my reply to him.

Good morning!

Kasabay kong kumain si Mommy at Daddy. Kapansin pansin na tumatanda na talaga sila.

"Good morning po," humalik ako sa kanilang pisnge at umupo sa harap ni Mommy.

"Good morning, anak."

"Take a break from your work, isasama ko po kayo sa Batangas." Sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Nako, hindi na Arich. Walang maiiwan sa kompanya at gusto naming bigyan kayo ng alone time ni Alaric." Sabi ni Mommy at ngumisi pa.

"Mom," pagbabanta ko sa kaniya. Alam ko na ang ibig sabihin ng ngisi niya na 'yan.

Humalakhak siya kaya umirap ako sa kawalan.

-

A/N: Janda = Han/da
     Geh = Je

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now