Chapter 27

6 0 0
                                    

Chapter 27

"Good morning, Zab." Bati sa akin ni Ate Moneth pagkababa ko.

"Good morning po Ate and morning baby Janda." Pinisil ko ang kaniyang pisngi, saglit siyang ngumiti sa akin bago muling sumubsob sa balikat ng kanyang ina. Bumaling ako ulit kay Ate. "Sa kusina lang po ako,"

"Okay, eat your breakfast." Bahagya akong tumango sa kaniya at saka pumunta sa kusina. Naabutan ko pang busy'ng-busy ang mga pinsan kong lalaki sa kanilang cellphone, kani-kaniya sila ng kausap. Napaamang ako sa kanila.

"Good morning," bati ko sa mahinang boses dahil baka maabala ko sila sa ginagawa.

"Hi, Zab! Good morning!" Kani-kaniya din sila ng bati sa akin. Ibinaba nila ang cellphone at inasikaso ako.

Iginaya ako ni Kuya Vlad sa isang upuan, si Kuya Jade naman ay nagsalin ng juice sa baso habang si Kuya Loren ay naghain ng pagkain. Kumunot ang noo ko sa kanila.

Parang mga sira.

"Ano pong meron?"

"Wala naman, pagsisilbihan lang namin ang bunso." Nakangiting sabi ni Kuya Vlad. Inirapan ko siya. Bahala sila, basta kakain ako. Ilang araw na akong walang maayos na kain kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon na may gana pa ako. Naubos ko ang hinandang pagkain ni Kuya Loren, kaya kumuha ulit ako. Narinig ko ang paghalakhak ni Kuya Vlad.

"Ang takaw mo, Zab! Pero sige, kain ka pa." Sumimangot ako.

Masarap ang pagkain kaya marami akong nakain, at saka pakiramdam ko, gutom na gutom ako.

"Where's Kuya Juaquin?"

"Nasa labas, kausap girlfriend niya. Tapos 'yong dalawang buntis nasa kwarto kasama si Steff at Jhamilla,"

Tumango ako.

Pagkatapos kumain ay pumunta ako sala para sana laruin si Janda at para mawala ang boredom ko pero ayaw makipaglaro ng bata. Mas gusto niyang mag-isa lamang. Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang siya.

Binuksan ko ang tv pero ilang minuto lang ay pinatay ko na din. Nakapanood pa ko ng commercial ng icecream, bigla tuloy akong nag-crave.

Wala akong magawa. Nakakaburyo. Lalo akong nai-stress kapag ganito, lalo kong naiisip ang mga bagay na hindi ko dapat isipin.

Bumuntong hininga ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero pumasok sa isip ko na puntahan na lang sa mga pinsan ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, sumilip ako sa kanila. Magkatabing nakahiga sa kama si Ava at Ate Cardi, kabuwanan na niya ngayon kaya hirap na rin siyang gumalaw-galaw. Samantalang hindi pa ganoong kahalata ang tiyan ni Ava. Nasa tabi naman ni Ate Cardi si Ate Steff.

"Zab!" Napabaling silang lahat sa akin dahil sa pagtawag ni Ate Jhamilla na kagagaling lang sa cr.

Niluwagan ko ang bukas ng pinto saka pumasok.

"Come here," hinila ako ni Ate Cardi sa tabi niya kaya tumayo si Ate Steff para bigyan ako ng space. "How are you?" Malumanay niyang tanong at hinaplos ang buhok ko.

Niyakap ko siya at lalong nagsumiksik sa kaniya. Gusto kong umiyak.

Hindi ako okay, Ate. Natatakot ako. Nasasaktan.

"I'm not okay." Sagot ko habang humihikbi sa balikat niya. Wala silang sinabi. Nanatiling tahimik ang buong kwarto habang marahang hinahaplos ni Ate Cardi ang buhok ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak, para akong batang hindi isinama sa galaan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nila.

"You know, I used to hate you, Zab, right?" Bumuntong hininga siya, hindi pa rin tinitigilan ang paghaplos sa buhok ko. "Iniisip ko na ikaw ang mgadadala ng dumi sa pamilya natin, ni hindi mo maalagaan ng maayos ang sarili mo. You're so naive and innocent and too easy to fool. Nagalit ako sa 'yo kasi ang hina mo. I distance myself to you beacuse I don't want to be attached to you."

Pinahid ko ang aking basang mukha at humarap sa kaniya.

Alam kong naiiba ako sa kanila. Hindi ako kasing ganda katulad nila, hindi ako kasing sexy katulad nila, hindi ako kasing kinis nila, hindi ako pansinin, at hindi ako mahilig makipagkaibigan.

I am their opposite before, kaya hindi na rin ako nagtataka kung malayo sila sa akin, bukod doon ay ako pa ang pinakabata.

"Pero nag-iba ang tingin ko sa 'yo noong lagi na tayong nagkakasama. Mas pinili ko ang buhay sa Paris kasama ka kaysa sa Cali kasama ang iba pa nating pinsan. Kasi alam ko, hindi mo pa kaya. Ang bata mo pa, baby ka pa. Inosente sa lahat ng bagay, ikaw ang kailangan bantayan at alalayan, ikaw ang kailangang turuan. And you know what, I'm so proud of you. You've grown up... brave."

"Thank you," maluha-luha kong sabi sa kaniya, sa kanila.

That moment, I let myself look so weak in front of them.

Ilang minuto akong nakayakap kay Ate Cardi, habang nakayakap din sa amin ang tatlo. Pero dali-dali akong humiwalay sa kanila nang makaramdam na para masusuka ako.

Agad akong tumakbo sa banyo saka inilabas sa lababo ang gustong lumabas ng tiyan ko. Maluha-luha ako habang nagsusuka, nanghihina akong nagmumog saka muling lumabas. Inalalayan ako ni Ate Steff na makaupo sa kama.

"Masaba ba ang pakiramdam mo, Zab? Magpahinga ka na kaya,"

"Okay lang naman po, baka masyado lang naparami ang kain ko." I smiled to assure them. Hinatid ako ni Ate Jhamilla at Ate Steff sa kwarto ko dahil nagpumilit si Ate Cardi na magpahinga daw muna ako.

Ngumiti at nagpasalamat ako sa dalawa bago tuluyang isara ang pinto. Katulad ng sabi ni Ate Cardi, maghapon akong nagpahinga dahil parang biglang nanlata ang katawan ko. Gumising ako para kumain ng tanghalian at natulog ulit pagkatapos.

Nagising na lang ako dahil sa kaguluhan sa baba. Antok na antok pa ako pero pilit akong bumangon, nakaramdam din ako ng gutom. Sumulyap ako sa wall clock, alas diyes na ng gabi, nalipasan na ako ng dinner, siguro ay hindi na nila ako ginising dahil masarap ang tulog ko. Pero talagang masarap ang tulog ko, at baka masinghalan ko lang ang maglalakas loob na pumukaw sa akin.

Isinuot ko ang aking tsinelas bago lumabas ng kwarto. Sa baba ay nadatnan ko si Kuya na nagwawala, inaawat siya ng iba ko pang mga pinsan.

Anong kaguluhan 'to?

Biglang nawala ang antok ko.

"Kapatid ko 'yan e, mahal ko 'yan..."

Napatigil ako sa paghakbang sa hagdan. Sa halip na bumaba at nanatili ako sa pwesto.

"Tangina nilang lahat, putangina talaga nila. Kapag nakita ko talaga kung sino ang gumawa ng video na 'yon, hayop siya walang babae babae," nanghihina siyang umupo sa sahig, pulang-pula ang mukha niya, lasing.

Tumulo ang luha ko.

"Iniingatan natin 'yan bunso e, baby pa rin ang bunso natin, 'di ba, Jade? 'Di ba?" Parang bata niyang tanong kay Kuya Jade na nasa tabi niya, tumango tango naman ang isa. "Oh, 'di ba? Tapos binaboy lang nila? Tangina, 'di ba? Pagbabayaran nila 'yong ginawa nila sa kapatid ko-"

"Yes, magbabayad sila, Vlad. Tahan na, baka marinig ka pa ni Zab, sige ka." Pananakot pa ni Kuya Loren.

Pigil ko ang mga hikbi ko nang makita ko ang pagpupunas ng luha ni Kuya, si Mommy naman ay tumalikod at sa balikat ni Daddy umiyak.

I don't deserve this. We don't deserve this.

Fuck them all.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now