Chapter 25

7 1 0
                                    

Song: Rewrite the Stars

Chapter 25

"Wow, you set this up?" Tanong ko habang nakatanaw sa candle light dinner na malapit sa dalampasigan.

"Hm," tango niya. I giggled and look at him.

"Ang ganda," tumakbo ako papunta sa table matapos siya bigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Careful, Eliz!" Sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin pa dahil talagang namamangha na ako sa set up.

"Ikaw lang ba ang gumawa ng lahat ng 'to, Ric?" Tanong ko pagkalapit niya sa akin. Agad na yumakap ang kaniyang kamay sa baywang ko.

"That's my idea and the crew help me to set this,"

Kaya pala umalis siya kanina pagkatapos ng moment namin sa tabing dagat. Akala ko ay ipapagawa niya ang buong trabaho sa iba. Napakahands on naman pala ng boyfriend ko.

"Ang galing niyo,"

"I know and I deserve a kiss, right?" Maloko niyang sabi. Inirapan ko lang siya. He chuckled and kissed the top of my head.

Pinaghila niya ako ng silya. I thank him and winked at him, tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

I was smiling the whole time we're eating our dinner. Hindi maubos-ubos ang kwento namin sa isa't isa.

He even prepared a cake and flowers for me. Napaka-effort naman. Humalakhak ako.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng suot sa pang-ibaba at nag-play ng kanta pagkatapos ay hinila niya ako para sumayaw.

"What?"

"I love you," he kissed my forehead and hug me while swaying our body.

You know I want you
It's not a secret I try to hide

Ginantihan ko ang mahigpit niyang yakap.

"I love you too, Alaric ko."

What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find

Nanganga ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at may hawak na siyang asul na box.

"A-Alaric..." my voice trembled. He smiled and hushed me.

"Don't say anything, love. This is my moment, okay?" Sabay kaming tumawa, kahit sa loob-loob ko ay nanginginig na ako, hindi ko na maintindihan kung anong dapat kong maramdaman. "You know, I'm not perfect boyfriend. I have so many flows and I know it's too much to asked this," he breath deeply.

Oh, my God. 

"I love you so much, Eliz. Will you marry me? Please, marry me."

You know I want you
It's not a secret I try to hide
But I can't have you
We're bound to break and
My hands are tied

Naalimpungatan ako dahil naramdaman ko ang pagbangon ni Alaric sa tabi ko. Kinusot ko ang aking mata saka bumaling sa kaniya.

"Okay ka lang?"

Nakatulala siya sa mukha ko kaya nagsimula na akong kabahan. Bumangon ako at inayos ang kumot sa hubad kong katawan.

"Alaric, bakit?"

"Nothing," he sigh and shook his head before hugging me at isiniksik ang mukha sa leeg ko. "I love you, I love you so much. Let's marry once we come back to Manila."

Ngumiti ako at pinagmasdan ang singsing sa daliri ko. Kuminang 'yon nang masinagan ng liwanag ng buwan.

I'm engaged. I'm engaged to the man I love.

"I love you,"

Natulog ako na mahigpit ang yakap niya sa akin. Kahit sa paggising ko ay ganoon pa rin siya, akala mo ay aalis ako at iiwan siya.

Tuwang-tuwa sina Manang at ang pamilya niya nang malamang ikakasal na kaming dalawa ni Alaric at nangako sila na hindi sila mawawala sa araw ng kasal namin. Naghanda pa sila ng maliit na sa salo-salo, nakakatuwa lang dahil ang babait nila, maging ang mga kapitbahay.

Our stay in Batangas was amazing. One the most memorable vacation of my life. And right now, I'm sad because we're leaving and happy at the same time bacause we'll start to work for our wedding. Hindi pa alam ng pamilya ko at ng pamilya ni Alaric na engaged na kami. Sinabi ko kasi sa kaniya huwag munang ipaalam dahil mas gusto kong isurpresa sila.

Kahit hindi sabihin ng pamilya ko ay matagal na din nila gustong magpakasala ako, handa na rin naman ako pero kasi ayaw kong ma-pressure pagdating sa usapang kasal. Hindi pa kasal ang ilan sa mga pinsan ko at ako itong bunso na mauuna sa kanila. Natawa ako dahil sa naisip.

Hahaba na naman ang nguso ni Kuya dahil mukhang mauunahan ko pa siya. I chuckled.

Kumaway ako sa pamilya ni Manang bago sumakay sa sasakyan. Saglit na nagpaalam si Alaric at sumakay na rin sa driver seat. I waved at them for the last time.

"Mag-iingat kayo!"

"Kayo rin po!"

Bigla naman akong nalungkot nang makalayo na ang sinasakyan namin. I'll miss them for sure.

Humikab ako at sumandal sa head rest.

"You can sleep, Eliz. Malayo pa tayo," sabi niya, nasa daan pa rin ang paningin. Tumango ako at tuluyan na ngang nakatulog.

Nagising na lang ako nang gisingin ako ni Alaric para kumain ng tanghalian. Tanghali na rin kasi kami umalis sa San Juan kaya inabot na kami ng lunch sa daan.

Sa isang hindi pamilyar na restaurant niya ako dinala. Sobrang init kaya mabilis akong naglakad papunta sa entrance, agad namang sumunod sa akin ni Alaric.

Siya na ang um-order dahil tinatamad akong tumayo. Masaya ang bakasyon namin pero marami kaming hindi nagawang water activities dahil tinatamad ako at laging walang gana, kaya ang ending, sa loob lang kami ng bahay at natutulog.

Pagkaalis ng waiter ay bumaling siya sa akin at hinawakan ang kamay na nasa ibabaw ng lamesa.

"You okay?" Tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko. Tumango ako sa kaniya.

"Hm, I'm just sleepy, don't mind me."

"You're still sleepy? Baby, you slept for almost 14 hours, you're still sleepy?" Pang-aasar niya at tumawa pa. Kumunot ang noo ko at inirapan siya.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy kami sa biyahe. Nawala na ang antok ko kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa labas.

"Alaric!" Sigaw ko nang makitang bubungo kami sa puno sa tabi ng daan. Agad naman siyang nagpreno. Bumigat ang paghinga ko dahil sa takot. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kaniya.

"Are you okay, Ric?"

"I'm okay, are you?"

"Hm," mabigat pa rin ang paghinga ko. Lumingon ako sa harap, kaunti na lang. Kaunti na lang at mababangga na kami sa puno. "What happened to you?"

"I'm sorry, I was just... lost control." Nakatulala siya sa kawalan at nanginginig ang kamay nang muling humawak sa manibela.

Hinawakan ko ang kamay niya, malamig 'yon at nanginginig pa.

"Ako na, I'll drive." Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. Nagpalit kami ng upuan. Tahimik lamg siya at parang wala sa sarili.

Kumunot ang noo ko. He never lost control. Lagi niyang ibinibigay ang buong atensiyon sa bawat ginagawa.

Kung hindi ako sumigaw, baka nasa ospital na kami ngayon.

-
Mahal ko po kayo <33

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now