Chapter 1

7.5K 201 4
                                    

Chapter 1

"Okay since andito na kayong lahat ay sisimulan ko ng ipapaalam sainyo ang dapat ninyong gawin para makapasok kayo sa Academy" sabi ng isang babae. "So all of you are given a task kung saan kailangan niyong gawin at malampasan ang task na iyon".

Task? Nang marinig ko lang iyon ay parang tatalon na ako sa saya. I like challenging myself kaya ganun nalang talaga ang saya ko when I heard that word.

"So since you are all ready and well-prepared, you may now proceed, ipakita niyo lang sa guard na andoon ang invitation card ninyo para makapasok kayo" sabi ng babae kaya agad naman nagsilinyahan ang iba pang mga estudyante.

Invitation? I wonder kung makakapasok pa din ako without it.

"Iha asaan na ang invitation card mo?" Tanong sakin ng guard ng gate kaya nginitian ko naman siya.

"Ah eh, n-nawala ko po nong naglalakbay ako patungo rito" pagsisinungaling ko.

"Naiwala mo? Oh sige iha ganito nalang, sabihin mo sakin ang pangalan mo at titignan ko sa listahan ko kung andoon kaba" sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Miyao Salem McGonagall po ang pangalan ko" sabi ko kaya agad naman niyang hinanap ang pangalan ko sa librong hawak niya.

"Patawad iha pero hindi ko mahanap ang pangalan mo" sabi niya.

"Check niyo po ulit" sabi ko.

"Wala talaga eih, saan kaba ipinanganak iha?" Tanong niya.

"Norristown po" sabi ko na ikinakunot noo niya. "Kaya check niyo po ulit, at kung wala talaga ay isulat niyo nalang po ang pangalan ko jan ng saganun ay makapasok napo ako".

"Hindi iyon pwede iha" sabi niya kaya tinignan ko naman siya ng mata sa mata.

"Isulat mo" maawtoridad na sabi ko na agad naman niyang ginawa.

"Tapos napo" parang robot na sabi niya kaya napangiti naman ako sabay alis na.

"Here's your task everyone, kailangan ninyong ipalabas ang kapangyarihan ninyo sa abot kaya ninyo, so that marecord namin iyon" sabi ng isang babae. "In this way ay malalaman namin kung aling status kayo ilalagay, it's either Elite, Masters, and Royals, doon ay makakasama ninyo ang mga Prince and Princess kaya pagporsige kayo".

That's it? No missions? No troubles? Is this what they call task? How pathetic.

I'm outta here.

"Iha bawal lumabas" awat sakin ng isang guard.

"Ah eh manong guard hindi naman po ako kasali sakanila, hindi naman po kasi ako katulad nila" sabi ko.

"Pero hindi talaga pwedeng lumabas iha, nakapasok kana sa academy kaya hindi kana pwedeng lumabas" sabi niya.

"Pero hindi naman po ako estudyante dito" sabi ko.

"Pero nakapasok ka iha so ibig sabihin ay estudyante kana din dito" sabi niya na ikinabuntong hininga ko. "Kung ako sayo iha ay bumalik kana doon bago kapa masita ng iba pang guard".

Aishhhh, they all tricked me.

"Next" sabi ng babae kanina sabay tingin sakin kaya napalingon naman ako sa paligid.

Lahat sila ay nakaperform at ako nalang ang hindi pa, how come? Ang bilis naman atah.

"Tutulala kalang ba jan iha?" Tanong niya kaya napakamot naman ako ng ulo ko.

"Ah eh, wala po kasi akong magic" sabi ko.

"Lahat ng immortal ay may mga magic iha kaya imposibleng wala kang kapangyarihan" sabi niya.

Well tama nga naman siya. Pero ano nga bang magagawa ko? Maybe there's another way.

"S-sige po" sabi ko.

"Hindi ito maaari, hindi ko ito matatanggap dahil mas karapat dapat ako sa royalties at hindi sa mga masters" sigaw ng isang lalaki sabay punta sa gitna na para bang naghahamon ng away.

"Mr Harrison kung ayaw mo sa status mo ay pwede ka namang ilagay namin sa elite kung ganyan ang ugali mo" sabi ng babae.

"Pero Headmistress nararapat ako sa mga royalties kasi anak ako ni General Harrison ng Fireon Kingdom" sabi ng lalaki na ikinagulat ko.

General Harrison? Anak siya ni General? But how come nagsisilbe na siya ngayon sa Fireon Kingdom?.

"Pero sa pagsusukat ko sa lakas mo ay hindi kapa gaanong bihasa sa iyong kapangyarihan hindi tulad ng mga royalties, kaya kailangan mo pang mag ensayo ng husto tulad ng mga masters" sabi ng babae.

"Pero kaya kong pabagsakin ang mga royalties na iyan lalong lalo na iyang mayabang na prinsipeng Chase na iyan" naiinis na sabi ng lalaki sabay turo doon sa lalaking prenteng nakaupo sa isang trono sa harap kasama ang iba pa.

"Seems like may alitan kayo ng prinsipeng pinagsisilbihan ng iyong ama Mr Harrison pero hindi padin iyon sapat para ilipat kita ng status" sabi ng babae na maslalong ikinainis ng lalaki kaya nagpalabas naman ito maraming espada sa likod niya.

Iyon siguro ang kapangyarihan niya, well masasabi ko nga talagang anak siya ni General Harrison.

"Kahit kailan man ay hindi ko siya pagsisilbihan" giit ng lalaki sabay bato ng mga espada sa mga royalties kano.

Agad akong kumilos at isa isang sinalo ang mga espadang binabato ng lalaki na para bang nalalaro lang ng fetch.

"Woah, isa siyang pusa?" Bulong bulongan ng iba pang estudyante.

"Ang cute, lalo na yung buntot at yung mga tenga niya" sabi pa ng isa.

"How dare you playing around?" inis na tanong sakin ng lalaki kaya ibinalik ko naman ang anyo ko.

"Akala ko kasi naglalaro ka ng fetch" sabi ko.

"Mr Harrison enough, masyado ka ng spoiled, my decision is final, ang status muna ngayon ay elite" inis na sabi ng babae kaya inis namang umalis ang lalaki. "So where we're we?".

"Giving me my status?" Hindi siguradong tanong ko.

"Nakita ko naman na mukhang bihasa kana sa paggamit ng skills mo ay ilagagay kita sa mga masters" nakangiting sabi niya kaya nginitian ko din siya.

"No thanks, much better kung sa elite mo ako ilalagay, are we clear po ba?" Tanong ko.

"Masyado kanang bihasa iha, hindi kana karapat dapat pa doon" sabi niya.

"Okay lang naman po iyon sakin, as long as kasama ko ang lalaking iyon" sabi ko sabay turo sa lalaking papaalis na.

"You mean Mr Harrison? Is he your blood-related?" Tanong niya kaya umiling naman ako.

"A friend of mine po" sabi ko.

"But he seems don't even know you" sabi niya.

"But I know his father" sabi ko.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now