Chapter 23

1.3K 49 0
                                    

Chapter 23

Palabas na ako sa chamber ko ng biglang tumambad sakin si Jason.

"Pusa" tawag niya sakin.

"Oh Jason napadalaw ka?" Tanong ko.

"Ah eh may ibibigay ako para sayo" sabi niya sabay bigay saakin ng kung ano.

"Ano toh?" Tanong ko.

"Ice cream" sabi niya.

"Nakakain ba toh?" Tanong ko.

"Really pusa? Hindi mo alam kung ano ang ice cream?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Abah malay ko, bakit? Nakakaano batoh?" Tanong ko.

"Nakakain yan kaya kainin mo" sabi niya. "Don't worry hindi naman iyan meat".

Binuksan ko ang box at agad na nagsandok at kumain.

"Hmmm, inferness masarap siya, parang patamis lang pero malamig nga lang" sabi ko sabay abot nito sakanya. "Sayo nalang".

"Bakit? Ayaw mo?" Tanong niya.

"Kilala kita Jason, alam kong may kailangan ka sakin kaya moko binigyan nito diba? But sorry to say na hindi kita matutulungan" sabi ko.

"Pusa sige na please, ngayon lang naman ako hihingi sayo ng pabor eih" sabi niya. "Sige na, alam mo bang sa mga cute lang ako nanghihingi ng pabor?".

"Binibiro mo na naman ako" sabi ko. "But sad to say na hindi mo ako mauuto".

"Hmp bahala ka nga jan" inis na sabi niya at paalis na sana.

"Teka lang, ano ba ang gusto mong ihingi sakin ng tulong ha?" Tanong ko kaya agad naman siyang lumapit sakin.

"Alam mo namang malaki ang galit ko sa mayabang na prinsipeng iyon diba?" Tanong niya.

"So?" Tanong ko.

"Gusto kong makapaghiganti sakanya" sabi niya. "Diba nga sinusuntok mo siya sa oras na hindi niya makontrol ang kapangyarihan niya? Pwede bang ako nalang ang sumuntok sakanya?".

"Gusto mong pumalit sa pwesto ko?" Tanong ko.

"Parang ganun na nga" sabi niya.

"Hindi naman iyon big deal sakin eih, I can give it to you naman" sabi ko na ikinangiti niya. "Pero nae-enjoy ko na kasi ang gawain ko kaya wag nalang".

"Hoi pusa sige na pumayag kana" sabi niya. "Ano ba ang dapat kong gawin para mapapayag kalang ha?".

"Yeah you're right, ano nga ba ang dapat mong gawin?" Nag iisip kong tanong.

"So may balak ka ngang ibigay sakin iyon?" Masayang tanong niya.

"Pero gusto ko ng kapalit" sabi ko.

"Ano ba ang gusto mo ha?" Tanong niya kaya napangiti naman ako.

"I will tell you later" sabi ko.

"Okay fine" sabi niya.

"Then it's settled, pero sa isang kondisyon" sabi ko.

"At ano naman iyon?" Tanong niya.

"Ngayong araw lang kita pagbibigyan, kaya sulitin muna ang araw mo ngayon" sabi ko at tumango naman siya. "Follow me".

Nang makapasok na kami sa training hall ay andito na din ang mga royalties especially Chase na masamang nakatitig sakin.

"Oh bakit ka ganyan makatingin sakin ha?" Tanong ko kay Chase.

"You knocked me out last night and you even left me here alone" inis na sabi niya. "Ain't you felt any shame after you did that?".

"Should I say sorry?" Sarkastikong tanong ko.

"I don't take fake apologies" sabi niya.

"Why would I bother to carry you back to your chamber? O di kaya ang manghingi ng tulong para buhatin ka papunta sa chamber mo? I told you already, pagod na pagod na ako that time" sabi ko.

"Tsk" irap niya.

"Hindi nga pala ako pwedeng magtraining sayo ngayon" sabi ko.

"And why?" Tanong niya

"Masakit ang kamay ko dahil sa kakasuntok ko sayo kahapon, namamanhid na yung nerves ko noh" sabi ko.

"I don't care" sabi niya.

"Chase pagpahingahin mo muna kaya si Salem" sabi ni Sky.

"But I need her in my training, what do you want me to do? Skip now? Such a waste of time" sabi ni Chase.

"Sino ba ang nagsabing pwede kang magskip ng training mo ? Hindi ka pwedeng magskip noh" sabi ko. "Eih ang liit liit pa nga ng improvement mo".

"Pshhh" singhap niya.

"That's why I will introduce to ya'll, my sidekick, Jason" sabi ko. "Siya muna ang papalit sakin pansamantala".

"Kaya maghanda ka sakin mayabang na prinsipe, dudurugin ko ang mukha mo ng kamao ko" sabi ni Jason habang nakahawak sa kamao niya.

"Pero dahil hindi inflammable si Jason ay ang gagawin niya whenever you're uncontrollable ay bubuhusan ka niya ng tubig" sabi ko na ikinagulat ni Jason.

"What? But I thought susuntukin ko siya like what you always do to him whenever he's uncontrollable?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jason.

"Bakit? Inflammable kaba katulad ko? Kapag sinuntok mo siya ay masusunog ang kamao mo?" Tanong ko. "Satingin mo, sino ang lubos na mapupuruhan? Siya? O ikaw?".

"Pffttt" pigil tawa ng paligid.

"Go on, do your job, uupo lang ako doon" sabi ko sabay turo ng isang bench.

Naglakad na ako papunta sa tinuro kong bench at umupo doon.

"Hey are you okay now?" Nag aalalang tanong sakin ni Frost.

"Nah I'm fine" sabi ko.

"Let me take a look" sabi niya sabay hablot ng kamay ko. "Your hand is cold, are you really okay?".

"Normal na iyan, don't worry" sabi ko.

"Normal? So ganito kayong mga pusa? Malamig ang kamay?" Tanong niya.

"Hindi, sadyang unique lang talaga ako" sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Hindi naba masakit?" Nag aalalang tanong niya habang nakaturo sa kamay ko.

"Naku okay lang, nagsinungaling lang ako kanina na masakit ang kamay ko ng saganun ay maipagtagpo ko ang dalawang iyon" sabi ko.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now