Chapter 75

873 30 0
                                    

Chapter 75

It's been a month simula nong pumunta kami rito sa mortal world. Naging okay naman si kuya habang ako naman ay lagi lang nakahiga sa kama ko kasi nanghihina na ako.

I can't move my whole body dahil parang naging ice na ito sa sobrang lamig.

Even my hair turn into white dahil napupuno na ang katawan ko ng lamig.

Lagi nalang akong nakapikit na para bang patay na sa sobrang tagal ko ng hindi gumigising o minumulat ang mga mata ko.

Pero nakakarinig pa rin naman ako kaso hindi nga lang nakakapagsalita.

May naramdaman akong humawak sa kamay ko kaya nabuhayan naman ako ng loob.

Nakabalik na pala si kuya.

"Lil sis" haysss umiiyak na naman siya. "Are you okay in there? Don't give up okay? Don't leave me yet".

I'm sorry kuya.

Binitawan na niya ang kamay ko at inayos ang kumot ko.

For sure nilalamigan na siya nong hinawakan ang kamay ko. Madali lang kasing mag adapt ng warmness ang katawan ko.

Feeling ko tuloy ay isa na akong tinik na hindi pwedeng hawakan dahil masasaktan ka lang.

It's okay, wala din naman akong pinagsisihan sa sakripisyo ko. Being with my brother is more than blessings in my life. Too bad iiwan ko din siya.

"Lil sis I'm sorry" sabi ni kuya. "Cause I'm bringing you back to the immortal world".

Sino pa ba ako para magreklamo? Hindi naman ako nakakapagsalita hayssss.

Alam kong ginamit niya ang teleportation niya ngayon.

Well sa isang buwan ko ding kasama si kuya ay nalaman ko ang kapangyarihan niya at ang ability niya. May ability siyang magteleport at ang kapangyarihan naman niya ay swords na namana niya sa Demon King na isa palang dating General ng kaharian ko.

Nalaman ko ding buhay pa ang Demon King at nagpapalakas ngayon para sa paparating na digmaan.

Kung mabubuhay lang sana ako ng matagal ay ako mismo ay kikitil sa buhay niya dahil sa panggagahasa niya kay mommy.

Tama lang din siguro na bumalik kami sa immortal world dahil kailangan na ding mag usap ni kuya at General patungkol sa paparating na digmaan.

Pero nangangamba ako kay kuya dahil alam kong tinuring niya pa ding ama ang Demon King. Baka sa paparating na digmaan o sa oras ng labanan ay papakawalan niya ang ama niya sa kadahilanang may utang na loob siya rito.

Kuya wag mo sanang biguin ang tiwala ng lahat sayo. Lagi mong tatandaan na anak ka din ni mommy kahit na hindi mo siya nakilala o nakasama kaya ipaglaban mo din ang side ni mommy. Dahil wala na ako para diktahan ka.

"We're here" sabi ni kuya.

"Mahal na prinsesa" nag aalalang boses ni General.

"Bring her to her room and don't touch her" sabi ni kuya.

"Masusunod mahal na prinsipe" sabi ni general.

"Susunod ako" sabi ni kuya sakin bago niya ako pinahiga sa isang kama na parang karatula.

"She's back?" Rinig kong boses ni Chase. "And she's sick?".

"Patawad mahal na hari pero kailangan kona po siyang dalhin sa silid niya" sabi ni General.

"I'm coming with you" sabi ni Chase.

"Ngunit mahal na hari may gagawin pa kayo, at kakausapin din kayo ni prinsipe Rakim" sabi ni General.

"He's here too?" Tanong ni Chase.

"Siya po ang nagdala sa prinsesa rito" sabi ni General.

"Tsk, I don't care, keep him waiting" sabi ni Chase.

Abah ipaghihintay niya talaga ang kapatid ko? Wala talaga siyang respeto. Kung nakakapagsalita lang ako ay kanina ko pa toh nabulyawan aishhh.

Nang makarating na kami sa silid ko ay inilipat naman ako ni general sa kama gamit ang mga swords niya.

"Why is she like that? What's with her hair?" Tanong ni Chase.

"May lason po ang prinsesa" sabi ni general.

"Poison? But she's anti-poison remember?" Tanong ni Chase.

"Nagsinungaling po ang prinsesa" sabi ni general. "Matagal na siyang may lason sa katawan".

"What poison? And when did it started?" Tanong ni Chase.

"Black poison, 20 years ago sa sabotahe ay namatay ang prinsesa hindi dahil sa pinana siya sa bandang puso kundi dahil may lason ang panang iyon, nasa kabila kasi ang puso ng prinsesa kaya hindi natamaan ang puso niya" sabi ni General. "Ngunit dahil isa siyang pusang may siyam na buhay ay nakaligtas siya sa lason pansamantala pero dumadaloy pa rin ito sa dugo niya".

"Is that why she's anti-poison because of that poison?" Tanong ni Chase.

"Ang black poison ay parang isang magiting na hari na pinoprotektahan ang kaharian niya sa mga masasamang nilalang na gustong pumasok ngunit ang haring iyon ay sakim na gustong siya mismo ang magpabagsak sa kaharian niya" sabi ni general. "Ganun ang poison sa katawan ng prinsesa".

"But why does her hair turn into white if it is black poison?" Tanong ni Chase.

"Dahil ang ibig sabihin nun ay unti unti ng mawawalan ng kulay ang buong katawan niya hanggang sa ang buong katawan niya ay mamumutla at mapupuno ng kalamigan" sabi ni General.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now