Chapter 55

865 28 0
                                    

Chapter 55

"Anak, gumising ka" iminulat ko ang mga mata ko dahil sa narinig kong pamilyar na boses.

"Mommy?" Tawag ko kay mommy.

"Mahal gising na siya" rinig kong sabi ni mommy kaya agad ko namang sinundan ang tinig na iyon.

"Daddy?" Tawag ko kay daddy.

"Kami nga anak" sabi ni daddy.

Nakita ko sila sa isang tabi kaya agad ko naman silang nilapitan at niyakap.

"Mommy, daddy, totoo nga, andito na kayo" masayang sabi ko. "Sa tabi ko".

"Patawarin mo ang mommy at daddy mo anak kung iniwan ka namin ha" sabi ni mommy kaya umiling naman ako.

"Basta ang importante po ay magkakasama sama na po tayo ngayon" sabi ko.

"Pero anak kailangan mo pang bumalik" sabi ni daddy.

"Ayoko, dito lang ako, ayoko dun sa mundong mapag isa, gusto ko kasama kayo" sabi ko. "Hindi niyo naman ako ipagtataboy diba?".

"Hindi ka namin ipagtataboy anak, at kailanman ay hindi namin iyon gagawin" sabi ni mommy. "Pero kailangan mo ng bumalik anak kasi kailangan ka ng mundo".

"Ayoko, dito lang ako" pilit na sabi ko. "Sabi niyo hindi niyo ako itataboy? Eih ano itong ginagawa ninyo? Hindi niyo na ba ako love?".

"Of course mahal ka namin" sabi ni daddy.

"Edi wag niyo po akong iwan ulit" sabi ko. "At itataboy".

"Hindi ka namin iiwan anak, basta ang tandaan mo ay andito lang kami sa tabi mo na laging nakaalalay sayo" sabi ni mommy ng unti unti silang naglalaho.

"Mommy, daddy" tawag ko sakanila.

"Huwag kang mag aalala anak, hindi ka nag iisa sa mundo, lagi mong tatandaan na maraming nagmamahal sayo" sabi ni Daddy.

"At malapit mo na din siyang makilala anak, siya ang magbibigay ng pag asa sayo para manatili sa mundo" sabi ni mommy na ikinagulo ng isip ko.

Bigla silang naglaho kaya agad ko naman silang hinabol.

"Mommy" sigaw ko.

"Mahal na prinsesa gising kana" napatingin ako kay General Harrison na nag aalalang nakatingin sakin na may dalang tubig. "Uminom ka muna ng tubig".

Ngayon ko lang napagtanto na nasa kwarto na pala ako ngayon at panaginip lang ang lahat.

"General Harrison, pano po ako napunta rito?" Tanong ko sakanya.

"Nakita ka ng prinsipe sa garden na nakahiga sa damuhan kaya dinala ka niya rito" sabi niya. "Pasan pasan ka ng prinsipe na parang sako".

Aishhhh palagi naman pshhh. Wala talagang katiting na gentleman side ang prinsipeng iyon.

"Pupuntahan ko nalang po siya mamaya para magpasalamat" sabi ko.

"Matatagalan pa bago mo iyan magawa mahal na prinsesa" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"Bakit naman po?" Tanong ko.

"Sapagkat umalis na siya" savi niya.

"Saan papunta po?" Tanong ko.

"Sa misyon niya" sabi niya.

"Nang mag isa?" Tanong ko.

"May kasama naman siyang sampung kawal at isang doctor dahil ako mismo ang naghanda nun sa prinsipe" sabi niya.

Agad akong tumayo at agad na naghanda ng mga gamit.

"Susundan ko ang prinsipe" sabi ko.

"Ngunit mahal na prinsesa, tiyak akong magagalit ang prinsipe kapag nalaman niyang sinusundan mo siya ng patago na parang nag iispiya" pigil sakin ni General Harrison.

"Patawad General pero maslalo akong makokonsensya kapag may nangyaring masama sa prinsipe, alam niyo naman po diba kung gaano kadelikado ang hinahanap niya?" Tanong ko.

"Pero mahal na prinsesa, mas lalong wala kang magagawa kapag ikaw naman ang mapapahamak" sabi niya.

"Inflammable po ako, hindi ako nasusunog pero si Chase kahit na alagad niya ang apoy ay masusunog pa din siya" sabi ko. "Huwag po kayong mag aalala, ibabalik ko po ang prinsipe dito sa kaharian ng ligtas".

"Pero papaano ka mahal na prinsesa?" Tanong niya.

"Magiging ligtas pa din naman ako, pero hindi muna ako babalik dito kasi may hahanapin pa akong importanteng tao, na siyang magpapalakas ng pwersa natin" sabi ko.

"Kapag ginawa mo iyan ay tiyak akong sasama sayo ang prinsipe" sabi niya.

"Pipigilan ko siya" sabi ko. "At sino naman ako para samahan niya diba? Eih wala nga siyang pake sa mundo sakin pa kaya".

"Pero mahal na prinsesa" pigil niya sakin kaya tiningnan ko naman siya ng nagmamakaawa. "Dalhin mo ito at mag iingat ka".

Agad ko siyang niyakap bago ko tinanggap ang inalay niya saking espada.

"Maraming salamat sa pag intindi General" sabi ko at tumango naman siya kaya agad kong dinala ang mga gamit ko. "Mauna na po ako".

Agad akong tumakbo paalis hanggang sa makapunta na ako sa gubat gamit ang bilis ko.

Ginamit ko ang pandinig ko para malaman kung nasaan sila Chase, ngunit mga padyak lang ng kabayo ang naririnig ko kaya sinundan ko nalang iyon.

Nang makalapit na ako kina Chase ay agad akong umakyat sa puno para doon sila pagmasdan.

"There is something following us" sabi ni Chase.

Apaka lakas talaga ng pakiramdam ng prinsipeng ito pero apaka manhid din.

"Baka mga hayop lang iyon mahal na prinsipe" sabi ng isa sa kasamahan niya.

"Let's go faster" sabi ni Chase at pinatakbo ng mabilis ang kabayo niya.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon