Chapter 69

813 23 0
                                    

Chapter 69

"Mahal na hari" rinig ko sa labas kaya naalerto naman ako.

"Prinsesa prinsesa prinsesa" paulit ulit na tawag sakin ng Demon King. "Ano bang meron sayo? Why can't you just die like your parents?".

"Siguro dahil hindi kapa namamatay kaya pati ako buhay pa din, saka nalang siguro ako mawawala kung mamamatay kana" sabi ko.

"Lapastangan" inis na sabi niya at sinampal ako kaya natabingi naman ang mukha ko.

"Wala ka talagang kwenta, miski mas bata sayo pagbubuhatan mo ng kamay" inis na sabi ko.

Napatingin siya sa kinakain ko at tumingin ulit sakin.

"Your a survivor huh?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Paano?.

Umalis na siya kaya napatingin ako sa mga prutas at bahagyang napakuyom naman ako ng kamao ko.

Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang na nakatingin sakin ng walang gana.

Rakim.

"Don't trust so easy" sabi niya bago umalis.

Napaupo nalang ako sa hinihigaan ko at napabuntong hininga.

Ako pa atah ang papatay sa sarili ko kapag tumagal ako rito.

Kinabukasan ay panibagong araw na naman dito sa selda.

Dumating naman si Rakim na may dalang maraming pagkain.

"The king ordered me to kill you" sabi ni Rakim kaya kinunutan ko naman siya ng noo.

"Kaya mo ba ako binigyan ng sangkatutak na pagkain dahil last day ko nalang ngayon?" Tanong ko.

"Yes" sabi niya.

"Then go, kill me" sabi ko.

"I told you already" sabi niya. "I will kill you if you tried to kill my father".

"Kung hindi ako anti-poison ay malang napatay mo na ako kanina pa" sabi ko.

"I already know that you are anti-poison, I just want to prove to my King that I am telling the truth this time" sabi niya kaya tumango nalang ako.

"So ibig sabihin ay hindi mo ako papatayin kahit utos pa ng amang hari mo?" Pagbalik ko sa topic namin kanina.

"I won't repeat what I just said" sabi niya at umalis na.

Napaupo ulit ako sa kama ko at inisip ang nangyari kanina.

Simula kahapon ay nagsunod sunod na ang napapanaginipan ko pero paulit ulit lang din naman ang scenario, wala akong naiintindihan.

Napakunot noo ako ng dumating na naman ang Demon King. Ano na naman kaya ang gusto ng matandang ito?.

"Ano pa ba ang hindi ko alam sayo? Bakit hindi ka mamatay matay?" Tanong niya.

"I'm just lucky" sabi ko. "Too bad you aren't".

"Wala na ang mga magulang mo pati ang kaharian mo, pero mas gugustuhin mo pa ring mabuhay at mamuhay ng mag isa sa mundong ito?" Tanong niya. "Hindi kaba nagsasawa sa pang araw araw mong buhay dahil mag isa kalang? Dahil wala ng dahilan para manatili ka sa mundong ito?".

"Manahimik ka" sabi ko.

"Alam kong mangyayari ang pagkakataong ito kung saan ay magkikita tayo ulit dahil alam kong hindi ka ordinaryo at hindi ka mamatay matay, pero naisip ko lang na kapag pinatay kona lahat ng mga mahal mo sa buhay ay papatayin mo rin ang sarili mo at susukuan ang lahat na parang isang duwag" sabi niya. "Hindi kaba nagsasawa ha?".

"May pinanghahawakan ako" sabi ko.

"Ano? Ang makapaghiganti sakin? At kapag napatay mo ba ako ay dun muna tapusin ang buhay mo?" Tanong niya. "Hindi mo ba alam na dahil sa existence mo dito sa mundong ito ay nagkagulo ang lahat?".

"Dahil sayo kaya nagkagulo ang lahat" inis na sabi ko. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat kaya wag mong isisi sakin".

"Nagkakamali ka" sabi niya. "Dahil sayo kaya ako naging masama, kung hindi kalang sana ipinanganak edi sana hindi ako nanggulo".

"Dati kanang masama" sabi ko. "Lagi mong tatandaan yun dahil kahit keylan hindi ka naging mabuti".

"Oo ako na ang masama, pero nong ipinanganak ka at biniyayaan ng malakas na kapangyarihan ng mga Diyos para itakda ang pagtapos saamin" sabi niya. "Hindi naman kami tanga para hayaan mangyari iyon kaya namin tinapos ang mga magulang mo at sinira ang kaharian mo".

"Hindi mangingikialam ang mga Diyos kung hindi kayo nakipagsapalaran sa mga demonyo" sabi ko. "Patas lang ang laban, ang kaibahan nga lang ay mas malakas ako sayo".

"Sige sabihin nalang nating malakas ka kesa sakin, pero hindi mababago ang katotohanang wala parin iyong kwenta, diba nga hindi mo iyon nagamit para iligtas ang mga magulang mo?" Tanong niya na ikinakuyom ng palad ko. "Biniyayaan ka nga ng mga Diyos ng malakas na kapangyarihan pero nagamit mo ba iyon para iligtas ang mga magulang at kahiran mo? Diba hindi?".

"Manahimik ka" madiing sabi ko.

"Hindi mo ba naisip na dahil sa kapangyarihang biniyaya sayo ang dahilan kaya nawala sayo ang lahat? Ang pamilya mo, ang kaharian mo, at pati na din ang mga tapat sayo" sabi niya. "Dahil sa kapangyarihan mong biyaya ng mga Diyos kaya ka nagdurusa ngayon".

"Manahimik ka sabi" inis na sabi ko. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ikaw ang pumatay sakanila at ikaw ang sumira sa kaharian ko".

"Hindi ko naman iyon maiisip o gagawin kung hindi lang ako naging sakim sa kapangyarihan na meron ka kaya kung tutuusin ay kasalanan mo pa rin" sabi niya. "Kasalan mo dahil biniyayaan ka ng malakas na kapangyarihan".

"Sabing tumahimik ka" inis na sabi ko at agad na sinugod siya pero dahil nasa selda ako ay hindi ako makasugod sakanya.

"Kawawang prinsesa na biniyayaan ng malakas na kapangyarihan ng nga Diyos ngunit....." pabiting sabi niya. "Biyaya nga ba ito o isang sumpa ng kamalasan?".

"Parang awa muna manahimik kana" umiiyak na sabi ko.

"Walang halaga ang buhay mo kung mananatili ka pa sa mundong ito, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng kaguluhan at ikaw din ang dahilan kaya nawala ang mga tunay na tagapangalaga ng mundong ito kaya ngayon nagdurusa ang iba pang nilalang sa mga kamay ko" sabi niya at tinapunan ako ng isang patalim. "Mamili ka, magdusa ka pa o tatapusin muna ang pagdurusa mo".

Umalis na siya kaya naiwan naman akong umiiyak katabi ng isang patalim.

Sinasabi ko na nga ba, ako pa mismo ang papatay sa sarili ko kapag nagtagal ako rito.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now