Chapter 70

839 26 0
                                    

Chapter 70

Andito pa din ako sa selda ko habang nakayakap sa sarili kong tuhod at humahagulgol pa rin. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi kanina ng Demon King.

"Anak tumigil kana sa pag iyak, akala ko ba hindi kana baby?" Sabi ng kaboses ni daddy.

"Daddy?" Tanong ko at itinaas ang ulo ko. "Mommy".

Agad kong niyakap sila mommy at daddy na agad naman akong niyakap pabalik.

"Sweetie tahan na" sabi ni mommy.

"Mommy ayoko na po dito, sasama nalang po ako sainyo" sabi ko.

"Papaano nalang ang mga maiiwan mo rito anak?" Tanong sakin ni mommy.

"Ayoko po silang madamay at maulit ang nangyari sainyo" sabi ko. "Kasalanan ko ang lahat kaya dapat ako ang mawala at hindi kayo mommy".

"Wag mo sanang isipin princess na isang kasalanan ang isilang ka ng mommy mo sa mundong ito dahil hindi ka isang kasalanan kundi isa kang biyaya saamin ng Diyos" sabi ni daddy. "At maslalong hindi ka isang sumpa".

"Kahit na daddy, ayoko na po rito, gusto ko pong kasama kayo, ayoko na rito dahil wala na akong dahilan para manatili pa rito" sabi ko. "Kayo ang buhay ko, kayo ang dahilan kaya gusto kong mamuhay sa mundong ito pero dahil wala na kayo, wala na akong karapatang manatili pa rito".

"Marami kang dahilan anak, ang mga kaibigan mo, si General Harrison, at ang buong mundo" sabi ni daddy.

~~"Oh sorry for being so rude by the way I'm Aqua, princess of Oceana Kingdom" -Aqua~~

~~"Ikaw siguro yung pusa 3 days ago na ngayon ay kasama palagi ni Jason, Salem right? I'm Kurt, prince of Underground Kingdom" -Kurt~~

~~"I'm sorry kung pinakealaman ko ang privacy mo hehe, by the way I'm Sky, princess of Flying Castle" -Sky~~

~~"Kahit mabigat kapa, I'll still carry you" -Frost~~

~~"Hug me" -Chase~~

~~"Your highness" -General Harrison~~

~~"Psst tanda" -Jason~~

~~"Mahal na prinsesa mag ingat ka" -Lucio~~

~~"Bessy" -Diane~~

~~"Its me" "Kael" -Kael~~

~~"Patawad mahal na prinsesa kung hindi namin iyon naisip at muntikan pa naming masira ang academy ninyo" -King Zeno~~

~~"Oo nga naman, are you dumb princess?" -Mr Flash~

"At huwag mo ding kalimutan ang kapatid mo" sabi ni mommy na ikinakunot noo ko.

"Anong pinagsasabi mo mommy?" Tanong ko.

"Ito na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan anak" sabi niya. "At yun ay may kapatid ka".

"Pero nasaan po siya?" Tanong ko.

"Kinuha siya ng mga demons nong sanggol pa lamang siya" sabi niya.

"So siya yung batang lagi kong napapanaginipan?" Tanong ko.

"Anak ko siya, at siya ang nabuo sa panggagahasa sakin ni Astavo" sabi ni mommy.

"Astavo po?" Tanong ko.

"Ang Demon King" sabi ni daddy.

"Kaya anak iligtas mo siya" sabi ni mommy kaya tumango naman ako.

Unti unti na silang nawawala kaya tumayo naman ako.

Anak ni mommy sa panggagahasa sakanya ng Demon King? So ibig sabihin ay anak din ito ng Demon King?.

Walang ibang anak ang Demon King liban kay Rakim.

Ang ibig bang sabihin ng mga nararamdaman ko kay Rakim ay totoo lahat?.

Flashbacks

"Do I know you?" Tanong ko. "Cause I'm fucking confused kung sino ka ba talaga sa buhay ko".

"What are you talking about?" Tanong niya.

"Why do I feel like your so important to me? That you are also part of my life?" Naguguluhang tanong ko. "Why do I feel this on you? Who the heck are you?".

"Nobody" sabi niya at umalis na.

~~~~~~~~~~~

"You will allow me?" Nakakunot noong tanong niya.

"Alam mo wala namang masama eih, at saka gusto ko din magkaroon ng kapatid, lalo na yung mas matanda sakin at matatawag kong kuya" sabi ko. "Alam mo ba, yung sinasabi ko sayong nararamdaman ko satuwing kaharap kita, iyon yung naramdaman ko nung araw na nawala ako sa piling ng mga magulang ko, alam mo yung pakiramdam ng lukso ng dugo?".

End of Flashbacks.

Aishhh kailangan kong makaalis rito.

Agad akong nag anyong halimaw na pusa para makadaan sa railings ng kulungan hanggang sa makalabas na ako kaya agad ko naman ulit sinuot ang mga damit ko at lumakad na.

Napakunot noo ako ng madatnan ko ang mga demons na nagbabantay sakin na wala ng buhay.

Nagulat ako ng biglang may humila sa braso ko.

"Chase?" Kunot noong tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?".

"We're all here, Frost and everybody is outside fighting the demon's" sabi niya.

"Ano? Andito din sila Frost?" Gulat na tanong ko. "Umalis na kayo dito".

"Can't you see? We're saving you" sabi niya. "So stop being so stubborn and let's leave this place".

"Mauna kana, isunod mo na din sila Frost, umalis na kayo dito" sabi ko. "Susunod ako, may kailangan lang akong gawin".

"Can't you just do your plan on killing the Demon King in another day?" Inis na tnong niya.

"Hindi siya ang pakay ko kundi si Rakim" sabi ko. "Kaya umalis na kayo dahil ililigtas ko siya".

"You're going to waste your life just to save him? Are you crazy?" Inis na tanong niya.

"Baliw na kung baliw pero wala akong pakealam" sabi ko at agad na umalis.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now