Chapter 74

858 26 0
                                    

Chapter 74

Agad na nagsitabihan ang mga kawal ng marinig nila ang ungol ng isang leon.

"Mahal na prinsesa" bigay pugay saakin ni King Zeno.

"Pigilan sila" sigaw ng mga kawal.

*Meow*

"Mr Flash" masayang sabi ko.

"Late ba ko?" Tanong ni Mr Flash.

"Kanina pa ang golden entrance" sabi ni King Zeno.

"Tsk, mahal na prinsesa" bigay pugay sakin ni Mr Flash kaya tumango naman ako.

"Isakay mo ang kuya ko Mr Flash at ako ang sasakay sayo King Zeno" sabi ko sakanila na agad naman nilang sinunod.

"Mahal na prinsesa saan kayo pupunta?" Tanong sakin ni General.

"Sa malayo po, ilalayo ko po si kuya at sisiguraduhin kong ligtas siya" sabi ko.

"Pero papaano ang kalagayan mo?" Tanong niya.

"Iyon nga ang gusto ko general" sabi ko. "Malapit na akong mamatay kaya gusto kong siguraduing ligtas si kuya ng saganun ay kapag ligtas na siya at wala na ako ay siya ang mamumuno sa hukbo sa magaganap na digmaan, tutal tulad ko ay isa din siyang prinsipe ng Norris Kingdom".

"Kung ganun ay mag ingat ka mahal na pinsesa" sabi niya kaya tumango naman ako. "King Zeno at Mr Flash, ibibigay ko sainyo ang basbas upang pangalagaan ang prinsesa at ang prinsipe, huwag niyo sana ako bibiguin".

"Makakaasa ka general" sabi ni Mr Flash kaya umalis na din kami.

Nang makalabas kami ng Fireon Kingdom ay napakunot noo ako dahil napapalibutan kami ng apoy.

"Chase" bulong ko.

"Surrender that Demon" sabi ni Chase.

"Para ano? Para pahirapan niyo?" Tanong ko.

"He can be our bait to the Demon King" sabi niya.

"Hindi ibig sabihin na anak siya ng Demon King ay gagawin mo na siyang pa-in para sumuko ang Demon King" sabi ko. "Hindi mo ba alam kung sino ang sumaksak sakanya ha? Walang iba kundi ang Demon king, ang nilalang na sinasabi mong ama niya kaya papaano mo nasabing may pakealam ang Demon King sakanya ha?".

"But still, give him to me or else...." Pabitin niyang sabi.

"Or else what? Kakalabanin mo ako?" Tanong ko.

"If that's the only way" sabi niya at pinalabas ang espada niya.

"Alam mong mas makapangyarihan ako kesa sayo diba?" Tanong ko sakanya.

"I would rather die trying than being a coward on giving up" sabi niya.

"Ayokong kalabanin ka, marami kanang ginawang mabuti sakin, pero ayokong maging dahilan iyon para ipaubaya ko sayo ang gusto mo" sabi ko.

"Then fight me" sabi niya. "Again".

Itinaas ko ang sleeves ko at binilang ang mga scar ko.

"Isang buhay nalang pala ang natira sakin" nakangiting pekeng sabi ko. "Naaalala mo yung sinabi mo sakin dati? Na gusto mong ikaw ang papatay sakin sa kahuli hulihan kong buhay? Matutupad muna iyon".

"Shut up" malamig na sabi niya.

"I would be grateful kung ikaw ang papatay sakin, sana ganun ka rin" sabi ko.

"I said shut up" inis na sabi ni Chase.

"Sasama ako sayo, basta wag mo lang sasaktan si Salem" sabi ni kuya kaya umiling naman ako.

"Ayoko" sabi ko. "Hindi ako makakapayag".

"Aishhhh, I will kill you bastard" inis na sabi ni Chase. "And you too woman".

Napakunot noo ako ng bigla siyang tumalikod at umalis na parang walang pakealam.

"Galit ba yun o nagseselos?" Tanong ni Mr Flash.

"Manahimik ka nalang nga, at kumilos na tayo" saway sakanya ni King Zeno kaya tumakbo naman ulit sila.

"Mahal na prinsesa saan po ba tayo pupunta?" Tanong ni Mr Flash.

"Sa portal papunta sa mundo ng mga tao" sabi ko.

"Why there?" Tanong ni kuya.

"Magagamot ka dun kuya" sabi ko.

Nang makarating na kami sa harap ng portal ay nagpaalam naman kami kina King Zeno at Mr Flash.

*Cough cough*

"Lil sis" nag aalalang sabi ni kuya kaya nginitian ko naman siya.

"Okay lang ako" sabi ko.

"For all this time ay tinitiis mo lang ang sakit na nararamdaman mo everytime you are using your magic" sabi niya.

"Huwag kang mag alala kuya dahil kapag nasa mundo ng mga tao na tayo ay hindi kona gagamitin ang kapangyarihan ko para hindi din ako gaanong masaktan" sabi ko.

"Pero unti unti kang lalamunin ng lason sa katawan mo" sabi niya.

"Pumasok na tayo, mauubusan kana ng dugo" pangchange topic ko sakanya.

"Let's try to find a cure" sabi niya. "Promise me".

"Opo kuya" sabi ko.

Pumasok na kami sa loob ng portal at agad ko naman siyang dinala sa pagamutan na tinatawag nilang hospital kuno.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now