Chapter 71

848 26 0
                                    

Chapter 71

Ng makarating ako Demon hall ay nakita ko roon ang Demon King na prenteng nakaupo sa trono nito habang nakatayo naman sa gilid nito si Rakim na may hawak na espada.

"Buhay ka pa rin" sabi ng Demon King.

"Too bad hindi mo mabibilog ang utak ko" sabi ko.

"May oras kapa para sumuko ng tuluyan sakin" sabi niya.

"Para ano? Para makipagsapalaran din kay satanas tulad mo? No way" sabi ko. "Kahit mamatay pa ako ay hindi ko ibibigay kay satanas ang kaluluwa ko".

"Ano naman ang magagawa mo? Alam ko at alam mo na hindi mo ako malalabanan dahil hindi kana pwedeng gumamit ngayon ng kapangyarihan mo kaya anong laban mo sakin?" Tanong niya.

"Wala akong pakealam" sabi ko at sinugod siya ng biglang may humarang sakin at tinutukan ako ng espada.

"I told you, if you want to kill my father, you have to face me until my death" sabi ni Rakim.

"Rakim pinapaikot lang niya ang utak mo, ginagamit kalang niya bilang armas at panangga niya" sabi ko. "At hindi ako ang kalaban mo".

"Nonsense" sabi niya at sumugod sakin kaya agad naman akong umiwas.

"Makinig ka sakin, wala akong pakay sa ama mo dahil ikaw talaga ang pakay ko" sabi ko. "Umalis na tayo dito at sumama ka sakin".

"And why would I listen to you?" Tanong niya.

"Dahil kapatid mo ako, at dahil kuya kita" sabi ko na ikinakunot noo niya.

"Liar" inis na sabi niya at mas binilisan pa ang kilos niya.

"I'm telling the truth, pareho tayo ng ina" sabi ko. "Ginahasa ng ama mo ang mommy ko kaya ka nabuo".

Tumigil siya at napatingin sakin.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya.

"Sabi mo na namatay ang ina mo nong isilang ka kaya hindi mo siya nakilala diba? Yun ang sabi sayo ng Demon King pero hindi iyon ang totoo" sabi niya. "Itinago ka niya kaya hindi mo nakilala si mommy".

"Is that true?" Tanong ni Rakim sa Demon King.

"Ako ang iyong ama" sabi ng Demon King.

"Kaylan pa? Eih ayaw mo ngang tawagin ka ni Rakim na ama niya, tinago mo pa nga siya at pinakilalang kanang kamay mo imbes na anak mo" sabi ko. "Kung talagang proud ka sa anak mo ay dapat ipagmamalaki mo siya at hindi itatago".

"Tapusin mo na ang prinsesang iyan Rakim" utos ng Demon King kay Rakim.

"Where's my mom?" Tanong ni Rakim.

"Matagal ko ng sinabi sayo na matagal ng patay ang ina mo nong sanggol kapa" sabi ng Demon King.

"Sinungaling ka! Ikaw ang pumatay sa mommy ko" inis na sigaw ko at agad na sinugod siya ng may humarang sakin. "Kuya".

"I'm going with you, just don't touch him" sabi niya.

"Walang aalis" sigaw ng Demon King.

"I've been serving you since I was a child, and this is my only favor for the loyalty I gave you" sabi ni kuya. "Let us go, or at least let my sister go".

"Kuya" naiiyak kong sabi.

"Ngayon na ang pagkakataon para patayin ang prinsesa Rakim, kaya huwag mo na itong pakawalan" sabi ng Demon King. "Huwag mo ulit akong tatraydurin dahil alam mo ang kaparusahan".

"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama kuya, ikaw nalang ang meron ako" sabi ko.

"Wala ka talagang kwenta" inis na sabi ng Demon King at agad na ipinalabas ang espada nito kaya naalerto naman kami.

"Let's leave here" sabi ni kuya kaya tumango naman ako.

"What a disrespectful child, ganyan ka naba ka walang utang na loob ha? Ako ang iyong ama" sabi ng Demon King.

"Wala akong halimaw na ama na isang halimaw na katulad mo" sabi ni Rakim.

"Anak kita kaya sa mata ng lahat ay halimaw ka din katulad ko" sabi nito.

"Hinding hindi ako magiging katulad mo" inis na sigaw ni Rakim. "And I would never forgive you for what you did to my mom".

"Enough, masyado ka ng palasalita, wala kana talagang galang matapos kitang palakihin ng maayos" sabi nito.

"Bakit? Ni pinaramdam mo bang naging mabuti kang ama sakin habang pinapalaki mo ako?" Inis na tanong ni Rakim. "Isa kang walang kwentang ama".

"Step aside Rakim, kung ayaw mong pati ikaw ay patayin ko" banta ng Demon King sakanya.

"Matagal mo na akong pinatay, manhid na ang puso ko dahil sayo" sabi ni Rakim. "Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko dahil ako ang makakalaban mo".

Ginamitan ng Demon King ng kapangyarihan si Rakim kaya agad namang tumilapon si Rakim at pati na din ako.

Shit di namin yun napaghandaan.

Napatingin ang Demon King kay Rakim dahil sa pagdaing ni Rakim matapos itong sumagi sa pader. Napunta sakin ang tingin niya kaya agad naman itong lumapit sakin kaya agad naman akong tumayo at inihanda ang sarili ko kahit nanghihina pa ako.

"Kasalanan mo ito lahat, dahil sayo kaya hindi na bumalik saakin si Minerva at hindi niya pinanagutan ang anak namin na nasa kamay ko" sabi niya. "At ngayon balak mo ring kunin sakin ang anak ko? Dapat noon palang ay pinatay na kita".

"Anak? Wala kang anak" sabi ko.

"Manahimik ka" inis na sabi niya at ginamitan ako ng kapangyarihan.

"Ahhhhh" sigaw ko ng unti unting sumakit ang buong katawan ko.

Nagulat ako ng biglang may tumusok na espada sa tiyan ng Demon King kaya napatingin naman ako kay Rakim sa likod nito.

"I said don't touch my sister" madiin na sabi ni Rakim sabay alis na ng espada nito.

Humarap sakanya ang Demon King na hawak hawak ang tiyan nitong dumudugo at nanlilisik na tiningnan si Rakim.

Nagpalabas ito ng shadow ball sa kamay nito na puno ng enerhiya kaya naalarma naman ako sabay takbo papunta sa pwesto ni Rakim.

"Kinakahiya kong naging anak kita" sabi ng Demon King sabay bato kay Rakim ng malaking shadow ball na agad ko namang sinalo.

"Salem" rinig kong tawag sakin ni Rakim kaya nginitian ko naman siya.

"Don't worry" mahinang bulong ko.

"You've gone through my limitation" inis na sabi ni Rakim at sinugod ang Demon King.

Binato siya ng Demon King ng shadow ball na dahilan para tumilapon ito at mawalan ng malay.

"Rakim" mahinang bulong ko sa pangalan ng kapatid ko bago ako nawalan ng malay at napugutan ng hininga.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now