Chapter 63

812 28 0
                                    

Chapter 63

"Hahahha" tawa namin ni Frost.

"Stupid cat" agad kaming napatigil sa pagtatawanan ng sumulpot si Chase at agad na hinila ako. "Let's talk".

"Teka lang Chase, marunong naman maglakad si Salem bakit kailangan mo pa siyang hilain?" Tanong ni Frost.

"When do you care?" Tanong ni Chase at hinila ulit ako.

Simula ba nong araw na nagkasagutan si Frost at Chase ay hanggang ngayon ay hindi padin sila nagkakabati?.

"Nasa malayo na tayo Chase ano ba ang gusto mong sabihin?" Tanong ko.

"I have something to ask you" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"Ano?" Tanong ko.

"I heard it from you earlier that you felt something different to that weird guy" sabi niya na ikinairap ko.

"His name is Rakim" paglilinaw ko sakanya. "Ang hilig mo talagang bigyan ng walang karumal dumal na nickname ang sinuman ano? Una ako tapos ngayon si Rakim na naman?".

"Tsk" singhap nito. "Are you concerned about him?".

"Straight to the point ano ba talaga ang gusto mong itanong sakin tungkol kay Rakim ha?" Tanong ko.

"As I was saying. I heard it earlier that you felt something different to that Rakim guy" sabi niya kaya tumango naman ako. "What is that feeling?".

"Different" pilosopang sabi ko kaya sinamaan naman ako nito ng tingin na ikinahagikhik ko. "Kidding, but yeah, I can feel that he's important to me, and a piece of my life that I need to protect and treasure forever".

"Does your heart beats so fast whenever he's around you or with you?" Tanong niya kaya napaisip naman ako.

"Yeah" sabi ko na ikinasama lalo ng awra niya kaya napatingin naman ako sa hawak niyang libro. "Wait, do you really believe of what that book says?".

"Psh" singhap niya sabay talikod na at tinalikuran ako kaya agad ko naman siyang sinundan.

*Bogshhh*

"Sorry po" pagpapaumanhin ko sa matandang nakabanggan ko.

"Okay lang ako" sabi niya. "Mukhang nag aaway atah kayo ng boyfriend mo iha".

"Naku hindi ko po siya boyfriend" sabi ko. "Siya po si prince Chase ng Fireon Kingdom".

"Alam ko naman iyon iha, magandang araw nga pala sayo mahal na prinsipe" bati ni manang kay Chase na wala pa din sa mood. "Mukhang may pinagseselosan ka atah mahal na prinsipe".

Sinamaan naman siya ng tingin ng prinsipe kaya dumikit nalang ako kay manang sabay bulong.

"Pinagselosan? Pano niyo po nasabi yun?" Bulong ko kay manang. "Normal lang naman po sa isang prinsipe ng apoy ang mainitin ang ulo".

"Matanda na ako iha kaya naranasan ko na din ang ganyan nong dalaga pa ako, kaya kabisado kona ang ganyang awra at mukha" sabi niya.

"Shut up old hag" malamig na sabi ni Chase kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Wala ka talagang galang ano?" Inis na sabi ko.

"Naku iha okay lang iyon, sige mauna na ako" sabi ni manang sabay alis na kaya napatingin naman ako ulit kay Chase.

"What? Don't look at me like that" inis na sabi niya kaya napairap nalang ako.

"Walang modo" sabi ko sabay alis na.

"Bessy buti at andito kana" sabi ni Diane.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Ikaw Salem ah, hindi mo naman naikwento saamin na kaibigan mo pala ang Queen fairy" sabi ni Aqua.

"Hindi ko naman kasi alam na isa na pala siyang Queen fairy ngayon" sabi ko.

"Hayy naku mamaya na ang chikahan dahil mag gagabi na, dito nalang muna kayo matulog ng makasama niyo naman si Salem ng matagal at worth it ang pagbisita ninyo" sabi ni Diane.

"Sige po maraming salamat po sa abala" masayang sabi ni Sky.

"Walang anuman" sabi ni Diane at umalis na.

"Are you okay? Did he hurt you?" Nag aalalang tanong sakin ni Frost kaya umiling naman ako.

"Okay lang ako" sabi ko. "Hanggang ngayon ay hindi pa din pala kayo okay ni Chase? Dahil ba iyon sa nangyari?".

"Don't mind it Salem" sabi niya.

"How? Kung alam kong ako naman ang pulot dulo ng lahat" sabi ko.

"Magkakausap din kami, not now but soon" sabi niya.

"Malapit na ang digmaan, dapat lahat nagkakaisa" sabi ko. "Ayokong dumating ang araw na iyon na watak watak kayong lumaban".

"Anong ibig mong sabihin Salem?" Tanong niya. "Digmaan?"

"Nakatakda na ang lahat Frost, kabutihan laban sa kasamaan, hindi mo naman siguro gugustuhin na ang kasamaan ang manaig diba?" Tanong ko kaya tumango naman siya.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now