Chapter 20

1.6K 54 0
                                    

Chapter 20

"Stone barrier is easy to be handled, as long as hawak ito ng panibagong kamay ay pwede kang humiling dito pero tumatanggap lang ito ng hiling kung related ito sa protection" sabi ng Headmistress. "Tulad na lamang na hihilingin mong bawal pumasok ang kalaban in that certain area ay talagang wala talagang makakapasok na kalaban doon".

"We can't fight them all kung pito lang tayo" sabi ni Jason.

"Don't worry, royal guards are going with you" sabi ni Headmistress.

"Maaari kaming pumalpak kapag nakarating kaagad ang mensahe ng paglusob sa Demon King, malamang ay magpapadala siya ng maraming kawal para tulungan ang 4th sect" sabi ko.

"That's why kailangan niyong unahing mahanap ang stone barrier ng saganun ay mahiling niyo kaagad doon na walang pwedeng makapasok at makalabas na demon doon for safety" sabi ni Headmistress.

"When are we going to do that?" Tanong ni Chase.

"This mission is too dangerous kaya kailangan niyong maghanda ng husto, mga bata pa kayo pero kailangan niyo ng matutong pumasok sa isang digmaan dahil alam kong malapit na magtatapos ang lahat" sabi ni Headmistress.

"What do you mean Headmistress?" Tanong ni Sky.

"Kumikilos na ang Demon king, inuuna niya ang academy dahil alam niyang andito ang mga tagapagmana, which is kayo iyon mga royalties" sabi ni Headmistress. "Kapag napatay na nila kayong lima ay malamang mapapasabak ang mundo sa isang malagim na digmaan tulad ng nangyari 20 years ago".

20 years ago?. She knew?.

"20 years ago po?" Tanong ni Aqua.

"Pagkatapos nilang patayin ang nag iisang prinsesa ay saka naman sila lumusob para patayin ang hari at reyna na napagtagumapayan nila" sabi ni Headmistress. "Ayaw ko ng maulit iyon kaya dapat kayong mag ingat royalties, kayo nalang ang pag asa ng limang kaharian pati na din ng mundong immortal".

So akala pala nila patay na ako? Hindi ba nila alam na ipinanganak akong isang pusa na may na siyam na buhay?.

"Give us a week to enhanced ourselves" sabi ni Chase.

"Anong week? Pwede namang bukas" sabi ni Jason.

"I still have to enhanced something" sabi ni Chase.

"Hindi ka naman namin kailangan eih kaya bakit kapa namin aantayin?" Tanong ni Jason.

"Just shut up, I'm the leader here" sabi ni Chase.

"Baka nakakalimutan mong leader kalang ng royalties, pero hindi ako royalties kaya hindi ako miyembro mo" sabi ni Jason.

"Chase is right, one week is enough, sa ganung pagkakataon ay maihahanda din natin ang mga kawal na dadalhin natin sa paglusob" sabi ni Frost.

"Pshhh" singhap ni Jason sabay alis na.

"Wala po bang pasukan ngayon headmistress?" Tanong ni Aqua.

"Wala" sabi ni Headmistress.

"Yehey" masayang sabi ni Aqua.

"Kaya magsibalikan na muna kayo sa chamber ninyo, I already announced to all students to stay inside their chambers for their own safety hanggat hindi pa nagkakaroon ng barrier ang academy" sabi ni Headmistress kaya nagsilaban nalang kami sa office.

"Let's talk" sabi sakin ni Chase sabay hila sakin palayo.

"Salem" tawag sakin ni Frost.

"Don't worry, I can handle myself" sabi ko.

Nakarating kami sa garden kaya agad ko namang hinila ang braso ko.

"Aray grabe ka makahila ah, eh alam mo namang nasa kabilang braso ko yung scratches ko" inis na sabi ko.

"I forgot" sabi niya kaya napairap naman ako.

"I forgot forgot ka jan, ano ba ang kailangan mo ha? Maypahila hila kapang nalalaman" inis na sabi ko.

"I need your help" sabi niya.

"Ano? Hindi ko narinig eih" pagsisinungaling ko.

"I said I need your help" inis na sabi niya.

"Bakit parang nasa panaginip atah ako ngayon?" Tanong ko. "Ang prinsipeng masungit na apoy? Nanghihingi ng tulong sakin? Unbelievable".

"I'm serious, I need your help" sabi niya.

"Okay fine ano ba ang maipaglilingkod ko sayo ha?" tanong ko.

"I want you to help me control the Phoenix soul" sabi niya.

"Bakit? Magpapahypnotise ka? It's my pleasure" nakangiting sabi ko.

"Of course not, don't you dare do that to me again or else I will burn you alive" sabi niya.

"I'm inflammable remember? Tsk" sabi ko. "Ano bang tulong ang maitutulong ko sayo ha?".

"Are you deaf? I already told you that I need you to help me control the soul" sabi niya.

"To be honest wala talaga akong maitutulong sayo, ikaw na ang tagapagmana ng Phoenix soul, tanging katawan mo at ikaw lang ang makakakontrol ng soul na iyan, duty mo na iyon as the inheritor" sabi ko.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang