Chapter 3

2.8K 109 1
                                    

Chapter 3

"Aishhh kaano ano kaba ni daddy ha? Bakit binilinan niya pa ako na bantayan ka lagi?" Inis na pagmamaktol ni Jason.

"Mukha ka kasing babysitter" sabi ko.

"At sa tingin mo bata ka?" Sarkastikong tanong niya.

"Ang cute ko kaya, kasing cute ng isang sanggol" nakangiti kong sabi.

"Assuming at apaka mahangin, lumipad sana bangs mo" sabi niya.

"As if ako mahangin at ipinagyayabang ng kakyutan ko kesa naman sayo na apaka angas eih sa elite naman ang bagsak" sabi ko.

"FYI, elite ka din" sabi niya.

"FYI, sumunod lang ako sayo ng saganun ay mabantayan mo ako palagi" sabi ko.

"Ano ako? Aso mo?" Inis na tanong niya.

"Parang ganun na nga" sabi ko. "Aray".

"Are you okay?" Tanong niya.

"Sino yun?" Tanong ko sabay turo sa bumangga sakin.

"Ang mayabang na prinsipe, walang iba kundi si Chase" inis na sabi niya.

"Ang unique naman ng pangalan niya" sabi ko.

"Pinangalanan siya ng Queen fairy, yung fairy na nakakakita ng future, nakita daw kasi ng Queen fairy na hahabulin siya ng maraming kababaihan pagtanda niya kaya ipinangalanan siyang Chase" sabi niya.

"Gwapo naman siya eih kaya normal lang na habulin siya ng babae" sabi ko.

"Wag mong sabihing crush mo din siya at hahabulin mo din siya?" Tanong niya.

"Of course not, my life is too short para sa love na iyan" sabi ko.

"Buti naman, since hindi mo naman siya gusto ay mukhang magkakasundo tayong dalawa" sabi niya.

"Maybe, teka ano ba ang kinaiinisan mo sakanya?" Tanong ko.

"Marami, tulad ng iniinsulto niya ako araw araw" sabi niya.

"Really? Sa pagkakarinig ko kasi sa sinabi ni General kanina ay naiinis kalang sakanya dahil hindi ka niya pinapansin, baka KSP kalang talaga" sabi ko.

"KSP?" Tanong niya.

"Kulang sa pansin" sabi ko. "At alam mo ba na yung nagpapapansin sa mga tao na hindi sila gusto ay ibig sabihin nun ay gusto mo yung tao".

"The Heck? I'm not gay" sabi niya.

"At pwede ding naiinggit ka sakanya kaya ka naiinis sakanya" sabi ko.

"At ano naman ang kaiinggitan ko sakanya?" Tanong niya.

"Sa pagkaka explain mo sakin kanina tungkol sa pagpangalan sakanya ng Queen fairy ay parang naiinggit ka sakanya dahil hinahabol siya ng mga babae" sabi ko.

"Hinahabol din naman ako ng mga kababaihan, eih mas gwapo pa nga ako sa lalaking iyon, sadyang mas sikat lang siya sakin dahil prinsipe siya" sabi ko.

"Rephrase it, mas gwapo kaya siya kesa sayo noh" sabi ko. "O baka naman naiinggit ka sakanya dahil sa kasikatan niya? O di kaya ay dahil isa siyang prinsipe samantalang ikaw ay anak lang ng General".

"Aishhh pati sayo naiinis nadin ako" inis na sabi niya na ikinagulat ko.

"Oh my gosh don't tell me naiinggit ka sa kagandahan at kakyutan ko?" Gulat na tanong ko.

"Baliw" sabi niya sabay alis na kaya napahagikhik naman ako sabay tingin sa kinaroroonan ng prinsipeng kinaiinisan niya.

"Mahal na prinsipe, pinapatawag po kayo ng mahal na reyna" kinikilig na sabi ng isang maid.

"Your fired" malamig na sabi ng prinsipe kaya napaluhod naman ang babae sa harapan nito.

"Mahal na prinsipe huwag niyo po akong ipatanggal sa trabaho ko, wala naman po akong ginawang masama" naiiyak na sabi ng maid na nakaluhod.

"How many times do I have to tell you? No flirting or any affection in front of me or else you're fired" inis na sabi ng prinsipe.

So naiinis pala siya dun sa mga nagkakagusto sakanyang babae? Siguro ay naiirita na siya dun kasi napapaligiran siya ngayon ng mga babaeng humahabol sakanya.

Well dati ay ganyan naman talaga ako pero never kong pinagsasalitaan ng masama yung mga lalaking humahabol o nanliligaw sakin just because naiirita ako sa presence nila.

How rude.

"Patawad mahal na prinsipe, hindi kona po uulitin wag niyo lang po ako patalsikin" pagmamakaawa ng babae pero lumakad lang paalis ang prinsipe.

Dumaan ito sa harapan ko sabay tingin sakin na para bang may iniisip.

Siguro naaalala niya ako kasi ako yung nagligtas sakanila kanina sa academy.

Pero kung makatitig ang taong ito parang walang respeto. Pero sino nga ba ako para resptuin niya eih siya yung maharlika saming dalawa ngayon.

Yumuko nalang ako bilang respeto tulad ng mga ginagawa ng mga maids sa mga mahaharlika.

"Pshhhh" singhap nito at umalis na.

"Hoi pusa" sigaw ng kung sino kaya napatingin naman ako sa sumigaw nun.

"Sino tinatawag mo?" Tanong ko kay Jason.

"Ikaw malamang, sino ba pusa satin?" Tanong niya kaya napatango naman ako.

May point naman siya.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Alin?" Tanong ko.

"Bakit ka kinausap ng prinsipeng iyon?" Tanong niya.

"Hindi naman niya ako kinausap ah" sabi ko.

"Pero tinitigan ka niya, may ginawa ka sigurong mali ano?" Tanong niya.

"Wala noh, naalala niya lang siguro yung ginawa kong pagligtas sakanila dun sa ginawa mong palabas kanina sa Academy" sabi ko. "By the way bakit bumalik ka? Namiss mo ako ano?".

"Eww di ah, nakita kasi ako ni daddy kanina tapos pinagalitan ako kasi hindi daw kita kasama, tapos binantaan niya pa ako na kapag daw makita niya ulit ako na hindi ka kasama o ikaw na hindi ako kasama ay ikukulong niya ako sa dungeon" sabi niya.

"Dapat lang matakot ka noh, yang daddy mo ay may isang salita iyan, once na nagbanta iyan ay gagawin niya talaga" sabi ko.

"Bakit parang mas kilala mo ang daddy ko kesa sakin ha?" Tanong niya.

"Of course, dati kong guro ang daddy mo" sabi ko.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now