Chapter 72

833 32 0
                                    

Chapter 72

Nagising ako at agad na minulat ang mga mata ko na ikinagulat ko.

"Kuya" nag aalalang tawag ko kay kuya na saksak ng Demon King.

Nakaupo ito sa harapan ko na para bang pinoprotektahan ang nakahandusay na ako.

"Lil sis" nanghihinang sabi nito, agad ko naman siyang inalalayan kaya nakahiga siya ngayon sa bisig ko.

"K-kuya" naiiyak kong tawag sakanya.

"The first time I saw you, I already knew that we're related to each other pero pinipigilan ko lang na isipin yun cause I know that we're enemies" sabi niya kaya maslalo naman akong napaiyak.

"Shhhh, wag ka ng magsalita, hold on, papunta na dito sila Chase" sabi ko pero umiling lang siya.

Nasaan naba kasi sila Chase?.

"Iyan ang mga nararapan gawin sa mga pakealamero" sabi ng Demon King.

"Anak mo siya Astavo" sabi ko na ikinagulat niya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong niya.

"Hindi na yun ang mahalaga, dahil isa kang walang kwentang nilalang na hindi karapat dapat pinapangalanan" umiiyak na sabi ko.

"Salem you have to leave" sabi ni kuya kaya umiling namana ko.

"No, no, hindi kita iiwan, itaga mo yan sa bato kaya wag mo din akong iwan" umiiyak na sabi ko.

"Binantaan na kita sa pagtataksil mo saakin Rakim, ngayon na hindi ka pa rin nakinig, matatamasa mo ang hapdi ng mawalan ng kapangyarihan" sabi ng Demon King.

"No, wag" sabi ko.

Ginamit ng Demon King ang kapangyarihan niya para manipulahin ang kilos ko kaya nagawa niya akong paliparin. Feeling ko ay naparalisado ang katawan ko dahil hindi ako makagalaw.

"Ngayon manood ka kung papaano ko ubusin ang kapangyarihan ng kapatid mo prinsesa" sabi ng Demon King.

Agad niyang ginamit ang kapangyarihan niya para higupin ang enerhiya ni kuya.

"No, please, wag, ako nalang" pagmamakaawa ko. "Anak mo siya, kaya ako nalang please, nagmamakaawa ako".

"Manahimik ka, wala akong anak" sabi ng Demon King kaya napatingin naman ako kay kuya na nahihirapan na.

I'm sorry.

"Ahhhhhhh" malakas na sigaw ko habang pilit na kumawala sa kapangyarihan ng Demon King.

Nagpalabas ako ng malakas na kapangyarihan na dahilan para tumilapon ang Demon King sa pader.

Agad kong nilapitan si kuya pero wala na itong malay kaya maslalo naman akong nangamba.

No kuya wag mo akong iwan.

"Salem" agad akong napatingin sa tumawag sakin.

Pero agad ding pumako ang tingin ko sa Demon King na unti unting tumatayo kaya agad namang sumama ang paningin ko.

"Ahhhhhhhhh" malakas na sigaw ko na dahilan para lumabas ang malakas na pwersa sa katawan ko.

"Ahhhh" daing ng Demon King.

Naramdaman ko namang may tumulong likido galing sa ilong ko.

Nagsisimula na.

"Enough, your killing yourself" bulong sakin ni kuya kaya napatigil naman ako.

"Kuya buhay ka" hagulgol kong sabi at niyakap siya.

Unti unti ng lumabo ang paningin ko kaya napahiga naman ako sa sahig.

*Bogshhhh*

"Roar" malakas na ungol ni King Zeno.

"Rawr" ungol naman ni Lucio.

Narinig nila ang tawag ko.

*Bogshhh*

Sunod na nagsudatingan ang iba pang mga hayop pero hindi na talaga kaya ng enerhiya ko kaya nawalan ako ng malay.

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko sa paligid ko pero hindi ko muna minulat ang mga mata ko.

"Hindi ako makapaniwala sa sobrang lakas na kapangyarihang pinalabas ni Salem kahapon" sabi ni Aqua.

"Akalain mo yun? Pati tayo tumilapon sa pader, buti nalang talaga at may shield si Aqua kundi napuruhan na din tayo" sabi ni Sky.

"Muntik na din gumuho ang buong Demon Kingdom, buti nalang na assist ko kaagad" sabi ni Kurt.

"Nakita niyo din ba yung mga hayop na biglang sumugod? Kung makaasta sila ay parang alam nilang may nangyaring masama kay Salem kahit nasa malayo sila" sabi ni Jason. "Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit parang pinagsisilbihan ng lahat ng mga hayop at halimaw dito sa mundong ito si Salem?".

"You know this aren't you?" Tanong ni Frost sa kung sino. "I'm asking you Chase".

"Chill bro, hindi ka nakakasiguro kung may alam si Chase tungkol dito" sabi ni Kurt.

"Oo nga, at kung meron man, hayaan na natin siyang magsabi" sabi ni Sky.

"Please lang wag naman kayong mag away sa harap ni Salem, respetuin niyo naman ang kondisyon niya" sabi ni Aqua.

"How about you Jason? Ikaw ang nakasama ni Salem since day 1" tanong ni Frost kay Jason.

"Isa lang ang alam ko, 38 years old na siya at iniligtas siya ni daddy from the sabotage, yun lang ang sinabi nila sakin ni daddy" sabi ni Jason.

"How about you Chase? Hindi kaba magsasalita?" Tanong ni Sky.

"As if you respect her privacy, diba nga wala kang respeto?" Tanong ni Frost.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now