Chapter 53

840 35 1
                                    

Chapter 53

*Knock knock knock*

"Who's there?" Tanong ni Chase.

"Magandang tanghali po mahal na prinsipe pero pinapatawag po si Salem ni General Harrison" sabi ng pamilyar na boses ng lalaki kaya agad naman akong nagtungo sa pinto at binuksan iyon.

"Adi" banggit ko sa pangalan ng lalaking kaharap ko. "Bakit daw?".

"Who's that?" Tanong ni Chase.

"Right hand ni General Harrison na bumabantay sakin" sabi ko.

"And why do you need a bodyguards with you?" Tanong niya. "You are just a nobody".

"Hindi ako ang nag utos sakanya na bantayan ako kundi si General, wala kasi si Jason kaya siya ang napag utusan ni General" sabi ko. "Okay din naman kasi magkasundo din naman kami ni Adi, diba Adi?".

"Yes my lady" sabi ni Adi.

"Oh diba ang gentleman niya?" Tanong ko sakanya. "Tara na nga Adi".

Nang makarating na kami sa bahay ni General ay bumungad agad sakin si General Harrison kaya agad naman namin siyang nilapitan.

"Pinapatawag mo daw po ako?" Tanong ko sakanya pero bago siya sumagot ay nagsign muna siya kay Adi na umalis muna na agad namang ginawa ni Adi.

"Malapit na magtanghalian mahal na prinsesa, inimbitahan ako ng Hari at reyna na sumabay sakanila na magtanghalian kaya gusto din kitang isama at ipakilala sakanila, hindi bilang prinsesa kundi bilang ampon kong anak" sabi niya kaya tumango naman ako.

"Opo, maghahanda po ako, gusto ko na din namang makilala ng harap harapan ang isa sa mga pinili ng mga God's and Goddesses na mamuno sa mundo" sabi ko.

As you can see hindi related ang mga reyna at hari ngayon na namumuno sa kaharian ng iba't ibang elemento ang lahi naming mga royalties. They we're just choosen by the God's and Goddesses, or to be exact ay isa lamang silang villagers sa kaharian namin bago pa ito nawasak at naipili ng mga bathaluman para mamuno sa bagong henerasyon ng mundo kaya wala silang kinalaman sa dugo naming mga tunay na royalties.

Mabuti nalang ay dumating agad ang propesiya kaya napadali ang pagbuo ng malakas na sagisag ng kabutihan kundi malamang ay ang mga Demons na ang namumuno sa buong mundo. And thanks to those people na napili or mga choosen one katulad ng mga hari at reyna ngayon ay napanatili nilang maging mapayapa ang mundo sa kaunting panahon.

Siguro soon ay mapapasalamatan ko ang mga hari at reyna dahil sila na ang nagpatuloy sa ginagampanan ng mga yumaong kong mga magulang. Pero soon na iyon kapag nalaman nilang ako ang prinsesa.

Heto ako ngayon nakaupo sa upuan na nakahanda sakin habang katabi ko naman si General. Mas nauna kaming dumating dito sa dining room kesa sa mga royalties.

Speaking off, andito na pala sila kaya agad naman kaming tumayo at yumuko.

"Good afternoon your highnesses" bati namin sakanila.

Nagsign naman ang reyna na maupo kami kaya umupo na kami.

"Chase glad you're here ng makapagsimula na tayong kumain" sabi ng reyna kaya napatingin naman ako kay Chase na nakakunot noong nakatingin sakin pero agad din itong umupo sa upuan niya.

"Mahal na reyna at hari pati na rin saiyo prinsipe ay una sa lahat, ito nga pala ang aking inaanak, isa siya sa mga batang nailigtas ko sa nangyari 20 years ago" pakilala sakin ni General.

"Oh, siya ba yung sinasabi mong inampon mo General?" Tanong ng reyna kaya tumango naman si General. "Hi iha, welcome to Fireon Kingdom anong pangalan mo?".

"Salem po, at marami pong salamat sa pagwelcome sakin" nakangiting sabi ko.

"You look familiar iha, magkakilala naba tayo?" Tanong niya kaya napatingin naman ako kay General.

"Ah baka po kilala niyo ang mga magulang ko, marami din kasing nakapagsabi na kuhang kuha ko daw po ang mukha ang mga magulang ko" sabi ko.

"Baka nga" sabi niya kaya napahinga naman ako ng maluwag. "Sige magsimula na tayong kumain".

"Maraming salamat po mahal na reyna" sabi ni General kaya nagsimula naman akong kumain.

"Napansin ko ang titig sayo ng anak ko kanina iha, makakilala ba kayong dalawa?" Tanong ng reyna kaya napatingin naman ako kay Chase.

"Magkaklase po kami nong nag aaral pa po ako sa academy" sabi ko.

"Pero bakit andito ka? Pinagbabawal sa akademya na umuwi kahit hindi pa graduated o di kaya hindi importante ang dahilan" sabi niya.

"Hindi naman po kasi talaga ako estudyante doon, nong makapasok na po kasi ako sa academy para tumingin sa mga estudyante ay hindi na po ako pinalabas kaya nagstay nalang po ako sa loob ng academy hanggang sa nagkaroon po ako ng chance na makalabas" sabi ko.

"Owsss, mabuti naman at nakaligtas ka iha tulad ng anak ko sa mga nangyari sa academya" sabi niya. "Sumusobra na talaga ang mga Demons, pati mga anak namin ay dinadamay nila".

"Stop it honey" sabi ng Hari na kanina pa tahimik.

"Totoo naman, alam kong plano nilang unahin ang mga anak natin bago tayo kaya maslalo talagang dapat higpitan ang seguridad ng academy" sabi ng reyna.

"I heard na ikaw daw ang pumatay sa tatlong Demon sect?" Tanong ng Hari na nakatingin lang sa pagkain niya kaya nalilito naman ako kung sino ang kausap niya. "Ikaw ang tinatanong ko".

"A-amh, nagkataon lang po kasing nagkakaharap kami ng mga Demons sect sa oras ng laban kaya ko sila napapatay" pagsisinungaling ko.

"Tsk" rinig kong ismid ni Chase.

"Hindi dapat ikaw ang gumagawa nun dahil hindi ka naman isa sa mga royalties, dapat ipinaubaya mo nalang iyon sa kamay ng anak ko" sabi ng hari na ikinakunot noo ko. "Ngayon ay kumakalat na ang chismis na ang isang babaeng estudyante na walang karangalan ang tumapos sa namumuno sa tatlong sector ng Demons na wala man lang kagalos galos, at marami ang nagsasabi na mas malakas ang babaeng iyon kesa sa mga royalties. Sinisira mo lang ang kakayahan ng mga royalties at ngayon ay minamaliit na ang kakayahan ng mga royalties lalong lalo na ang anak ko. Ang anak ko dapat ang papaniwalaang malakas at makapangyarihan sa buong mundo dahil ang anak ko lang ang karapat dapat sa ganoong pagkakakinlanlan".

"Honey" awat sakanya ng reyna pero sinamaan lang siya ng tingin ng hari.

Padabog namang umalis si Chase na parang may sama ang loob.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now