Chapter 4

2.5K 86 1
                                    

Chapter 4

Andito kami ngayon sa hapag kainan at kumakain.

"Daddy bakit mo ba kilala ang pusa na ito? Saan mo ba napulot ito?" Tanong ni Jason.

"Jason, respect her" maawtoridad na sabi ni General.

"Okay lang po iyon General" sabi ko sabay tango.

Nag usap na kasi kami ni General na itatago ko ang katauhan ko ng saganun ay maiwasan naming malaman iyon ng kalaban. Baka kasi malagay na naman sa alanganin ang buhay ko. Well nasanay na din naman ako.

"Pshhh" inis na singhap ni Jason.

"Actually nagkakilala kami ni General dahil isa yung family ko sa natulungan niya nong war 20 years ago" pagsisinungaling pero.

Pero may tama din naman.

"May pamilya ka naman pala eih, bakit andito kapa? At sabi ni daddy dito ka din magstay, bakit hindi ka nalang dun sa pamilya mo?" Tanong niya.

"Jason enough" awat sakanya ni General.

"What daddy? I'm just saying my own opinion" sabi ni Jason kaya napabuntong hininga naman ako.

"Namatay din sila sa digmaan, tanging ako lang ang naligtas ng daddy mo" malungkot na sabi ko kaya natahimik naman sila.

"I'm sorry" paghingi ng patawad ni Jason kaya nginitian ko naman siya ng peke.

"It's fine, past is past" sabi ko.

"20 years ago? So ibig sabihin ay mas matanda kapa sakin?" Tanong niya.

"Yeah, actually nangyari ang digmaan in my debut" sabi ko kaya napatingin naman siya sa mga hintuturo niya na para bang nagbibilang.

"It's been 20 years, so ibig sabihin 38 years old kana ngayon?" Gulat na tanong niya kaya napahagikhik naman ako sabay tango. "Pero bakit ganun mukha ka pa ding 18 years old? Hindi ka man lang tumanda samantalang si daddy ay matanda na".

"Gusto mo bang magulpi kang bata ka?" Banta sakanya ni General kaya nagpeace sign naman si Jason.

"I'm a cat, hindi kami tumatanda" pagdadahilan ko.

"So hindi ka din namamatay?" Tanong niya.

"Of course not, but kind of" sabi ko.

"Ang gulo mo kausap" naguguluhang sabi niya.

"Sadyang matalino lang talaga ako kaya tanging matatalino lang din ang nakakagets sakin" sabi ko.

"Ang yabang" sabi niya. "Sa Underground Kingdom ka siguro nanggaling ano? Alam mo bang maliit nalang ang may ganyang uri na katulad mong half pusa at half immortal?".

"Kaya nga pinapabantayan ko siya sayo" sabi ni General.

"So yun pala ang dahilan, since namimiligro na din naman ang lahi ni pusa ay susundin ko nalang ang utos mo daddy, for the sake of her breed" sabi ni Jason.

"Good, at wag mo siyang tawaging pusa, and be kind to her also" sabi ni General.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami isa isa sa silid namin para magpahinga at maghanda para bukas dahil pasukan na bukas.

Kinabukasan ay nagsihanda na kami para umalis. Sabi kasi ni General na nasa labas daw ang karwahe namin naghihintay kaya papunta na kami doon.

Andoon na din daw kasi ang mga gamit namin. Doon na din daw kasi kami titira sa academy hanggang sa gumraduate kami.

"Kapag nasa academy na ako ay maslalo kong pag eensayuhan ang kapangyarihan ko ng saganun ay malamangan ko ang prinsipeng iyon" sabi ni Jason habang kumakain ng french fries.

"Hindi ka pa pala tapos kumain pero naglalakad ka kahit saan" sabi ko.

"Why do you care ba ha? Hindi naman tiyan mo yung sasakit" sabi niya kaya umirap nalang ako.

"Sword ang kapangyarihan mo diba? At fire naman yung sakanya, baka matalo kalang" pang iinis na sabi ko.

"I don't need your opinion, matagal ko ng itinaga sa bato na matatalo ko ang prinsipeng iyon" inis na sabi niya.

"I don't care, kapag ikaw napagalitan hindi naman ako madadamay" irap ko.

"Ang unfair, tapos kapag ikaw nasa gulo madadamay ako" sabi niya.

"Don't worry, hindi naman ako troublesome katulad mo noh, at saka hindi ako papasok sa academy na iyon para mag ensayo ng kapangyarihan" sabi ko.

"Eih anong gagawin mo dun?" Tanong ko.

"Mag aaral malamang, maghahanap ako ng impormasyon tungkol sa paligid" sabi ko.

"Kung makapagsalita ka ay para kang alien" sabi niya.

"Pshhh, marami pa akong hindi alam these 20 years passed, and I'm also investigating kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko at ang nagpasimuno ng war na dahilan ng pagkamatay ng people ko kasabay ng pagsira ng tahanan ko" sabi ko.

"Bakit? Saan kaba nakatira?" Tanong niya.

"Norristown" sabi ko.

"Ngayon ko lang atah iyan narinig" sabi niya.

"Andito na ang prinsipe magsibigay pugay" sigaw ng kung sino kaya napatingin naman kami sa harap kung saan naglalakad sa gitna ang prinsipe.

"Should we greet?" Tanong ko kay Jason.

"No need, hinding hindi ko rerespetuin ang prinsipeng iyan" sabi niya.

"Hayyy naku" naiistres at pailing na sabi ko sabay yuko nalang.

Nakasakay na ang prinsipe sa karwahe niya kaya nagtungo nalang kami sa karwahe namin at sumakay na.

Nakasunod lang kami sa karwahe ng prinsipe ng biglang natumba ang mga kabayo ng prinsipe kaya napatigil din kami.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kutsero namin.

"Namatay daw po ang mga kabayong naghihila sa karwahe ng prinsipe" sabi nito.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now