Chapter 57

838 33 0
                                    

Chapter 57

"Walang aalis, at walang makakalabas" sabi ng dragon sabay wagayway ng buntot niya para matakpan ang daan ng labasan ng mga bato.

"Shit, let's find a new passage" sabi ko at lalakad na sana ng biglang nagbato ang dragon sa gilid ko kaya napaatras ako ng konte.

"Kapag sinabi kong walang aalis, walang aalis" sabi ng dragon at binugahan ako ng apoy.

"I'm inflammable katulad mo, kaya hindi mo ako masasaktan" sabi ko na ikinagulat niya.

"Inflammable? Sa apoy? Imposible, walang sinuman ang pwedeng hindi masunog sa apoy lalong lalo na sa apoy ko" sabi niya. "Liban nalang kung".

"Tama ka, kaya palayain mo nalang kami" sabi ko

"Naiintindihan mo ako?" Tanong niya.

"Isa akong pusa" sabi ko sabay palabas ng anyo ko. "Kaya nakakaintindi ako ng mga hayop pati nadin ikaw".

"Talking to him is nonsense" sabi ni Chase sabay sugod sa dragon.

"Wait" sigaw ko at sumugod din.

Biglang nagpalabas ng malakas na pwersa ang dragon kaya tumilapon naman kaming dalawa ni chase sa dingding ng cave kaya pareho kaming napaubo ng dugo.

Ikakamatay namin ito.

"Arghhhhhhh" sigaw ni Chase habang sumusugod kaya dahan dahan naman akong tumayo pero hindi ko padin kaya.

Naalala kong may dala pala akong espada kaya agad ko namang inilabas ang espada ko at ginamit itong tungkod para makatayo ako.

"Chase ang Phoenix soul gamitin mo" nanghihinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya.

Agad siyang nagtransform into fire phoenix form. Kung saan napapalibutan ang buong katawan niya ng apoy pati na din ang pakpak niyang umaapoy.

"The Phoenix soul, siya pala ang tagapangalaga ng mahiwagang soul na iyon?" Tanong ng dragon. "Pero ang prinsesa ang tanging tagapangalaga ng lahat ng mahika sa mundo".

So marami din pala siyang alam tungkol sakin?.

Lumipad si Chase pataas hanggang sa tumagos siya sa bubong ng cave kaya sumunod naman sakanya ang dragon na ipinalipad ang kanyang malalaking pakpak.

"Sabi ko, walang tatakas" sabi ng dragon.

Naglaban lang sila sa taas at hindi ko sila maaninag, tanging pulang ilaw lang ang nakikita ko sa langit dahil alam kong nagpapalitan sila ngayon ng apoy.

Nagulat ako ng bumagsak ang dragon sa harapan ko mismo habang si Chase naman ay nasa tuktok ng ulo nito habang nakatutok ang espada at handa ng itusok ito sa isang mata ng dragon.

"Waggggg" sigaw ko ng maluha luha dahil ang sakit na talaga ng katawan ko. Natauhan naman si Chase at bumalik na ang anyo niya sabay tingin sakin. "Stop".

Tumingin ulit siya sa dragon na nanghihina na at umayos ng tayo habang nakatutok pa din ang espada nito sa isang mata ng dragon.

"Choose" seryosong sabi ni Chase. "Die? Or give your loyalty to me?"

"I don't wanna die" sabi ng dragon.

"Sabi niya ayaw niyang mamatay" sabi ko.

"Then you've made your righteousness decision" sabi ni Chase sabay baba na at lumapit sakin.

"Are you crying?" Tanong sakin ni Chase.

"No, my eyes are just sweating" pilosopang sabi ko sabay punas ng luha ko.

"Idiot" sabi niya.

"Your dumb" inis na sabi ko. "Halata naman nagtanong ka pa".

"Let's go back home" sabi niya kaya tumango nmaan ako. "You look weak".

"I can still fight you, you know" inis na sabi ko.

"But that would be animal abuse" sabi niya at nauna ng maglakad kaya napasinghap naman ako.

Abah.

Nang makalabas na kami ng cave ay sakto namang gumaling na ang mga sugat ko kaya medyo okay na din ako.

Napatingin ako sa dragon na nakasunod lang kay Chase kaya linapitan ko naman siya.

"Hey Mr, what's your name?" Tanong ko sa dragon.

"Lucio" walang ganang sabi nito.

"My name is Salem, nice to meet you by the way" sabi ko. "Kilala mo na siguro ako".

"Hindi kita kilala" sabi niya.

"Kakabanggit mo palang kanina ang tungkol sakin" sabi ko na ikinakunot noo niya. "My full name is Miyao Salem McGonagall, known as the princess of Norris Kingdom".

Nakita ko pa ang pagkagulat niya bago siya yumuko sakin kaya agad ko naman siyang pinatayo dahil baka makita pa kami ni Chase.

"Mahal na prinsesa, patawarin mo ako sa asal ko kanina, nasaktan po kita, parusahan niyo po ako ng gusto ninyong iparusa saakin, lahat tatanggapin ko" sabi niya kaya umiling naman ako.

"Alam ko namang ginawa mo lang iyon para protektahan ang sarili mo" sabi ko. "Pero maaari ba akong humiling saiyo?".

"Kahit ano mahal na prinsesa, ikay aking paglilingkuran at proprotektahan kahit kapalit pa ang buhay ko" sabi niya.

"You already give your loyalty to prince Chase, so siya ang dapat mong paglingkuran at protektahan" sabi ko. "Alam kong sumumpa ka sa iyong katapatan sa mga magulang ko, pero ang hinihiling ko lang sana ay manatili ka sa tabi ng prinsipe sa oras ng kailangan ka niya".

"Masusunod mahal na prinsesa, pero maaari ko bang malaman kung bakit ganun nalang ang inyong kabaitan sa prinsipe?" Tanong niya. "Eih sa panghuhula ko sainyong dalawa ay may alitan kayo".

"It's not what you think, hindi kami, I mean hindi ko siya gusto, hindi niya ako gusto, to be exact hindi namin gusto ang isat isa" nagmamadaling sabi ko. "It's just that, mawawala na din naman ako ay gusto kong isa ka sa sasali sa labanan na mangyayari sa pagpuksa ng mga Demons".

"Masusunod po mahal na prinsesa" sabi niya kaya napahinga naman ako ng maluwag.

"Your wings are fixed, give us a ride" utos ni Chase kay Lucio.

"Pwede bang matuto ka namang gumalang? Mas matanda siya sayo ng isang daang taong" sabi ko.

"So what? He's my pet now" sabi niya. "Not yours".

"Abah marunong kanang magyabang ngayon ah? Baka nakakalimutan mo na kung wala ako, edi wala ka din" sabi ko.

"Your useless, always remember that" sabi ni Chase sabay sakay sa likod ni Lucio. "If you're not coming with us, just say so".

Napairap nalang ako sabay sabay sakay sa likod niya.

"Wag masyadong itaas, takot ako sa matataas" sabi ko. "Hindi ka naman siguro ulyanin kung nakalimutan mo yun".

"Shut up" sabi niya at pinalipad si Lucio kaya agad naman akong napayakap sa beywang niya. "Pshhh, chansing".

"Tanga, alangan namang kumapit ako sa buhok mo" sabi ko sabay hawak ng buhok niya. "Pwede din naman".

"Arghhhh, stop, it hurts" daing niya at pinababa muna si Lucio. "Get off".

"Ayoko nga, nakakatamad maglakad" sabi ko.

"I said get off or else I will push you" sabi niya kaya wala naman akong nagawa kundi ang bumaba nalang ng nakacross arms at nakataas ang kilay.

Apaka gentleman ng lalaking ito grabe, sarap sipain palabas ng earth.

"Hop in" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"Kanina pinababa mo ako tapos ngayon papasakayin muna naman ako?" Tanong ko skaanya. "Magkaaminan nga tayo, may sayad kaba sa utak?".

"Aishhh" inis na singhap niya sabay baba at lumapit sakin.

Hinawakan niya ang beywang ko na ikinagulat ko. Itinaas niya ako sabay pasakay sakin sa dragon at sumunod naman siya. Pero this time ako na ang nasa unahan habang siya naman ay nasa likod ko pero siya pa din ang nagd-drive kaya parang nakayakap siya sakin.

Nyeta bakit parang uminit pisngi ko? Wahhhh, nasusunog ang mukha ko, I need sunblock.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now