Chapter 19

1.6K 56 1
                                    

Chapter 19

"Pero papaano na iyan? Ibig sabihin ay wala na talaga tayong matitirhan?" Tanong ni Mr Flash kaya nagpanic naman ang iba pang mga hayop.

"Don't worry, may nahanap na kaming pwede ninyong tirhan, doon ay mas komportable kayo" sabi ko.

"Isa ka talagang hulog ng langit mahal na prinsesa" sabi ni Mr Flash.

"Kung andito lang sana ang mahal na reyna at hari ay malamang ipagmamalaki ka nila ng husto mahal na prinsesa" sabi ni King Sino.

"But sadly wala na sila, at dahil iyon sa mga demons, hindi ko talaga sila mapapatawad" inis na sabi ko.

"Hanggang ngayon ay gusto mo pa din bang maghigante mahal na prinsesa?" Tanong ni Mr Flash.

"Walang makakapigil saking gawin yun" sabi ko. "But for now hayaan niyong ihatid namin kayo sa bago ninyong tahanan".

Pagkatapos namin silang ihatid sa forest na inihanda ni Kurt ay bumalik na kami sa academy.

"Salem pwede ko bang macheck ang pulse mo? Baka kasi hindi ka pa maayos dulot ng pagkasagi mo sa bato kanina" sabi ni Sky.

"Ah no need, kaya ko naman ang sarili ko eih" sabi ko. "Akkk".

Agad akong napaubo ng dugo ng biglang sinapak ni Chase ang likod ko.

"Your not fine" sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Let me bring you in your chamber" sabi ni Frost kaya tumango nalang ako at inalalayan naman niya ako papunta sa chamber ko.

"Thanks Frost" sabi ko.

Nakabalik na kami sa academy at heto kami ngayon ni Frost sa pintuan ng chamber ko.

"Your always welcome, take a rest ng saganun ay mapabilis ang paggaling mo" sabi niya.

"Sure, goodnight" sabi ko at isinara na ang pinto.

Napabuntong hininga naman ako sabay tingin ng paligid.

Ang laki ng chamber ko pero ako lang mag isa ang nakatira. How lame.

Kinabukasan ay inihanda kona ang sarili ko at pagkatapos ay lumabas na.

"Buti naman at gising kana, pinapatawag tayo ng Headmistress" bungad sakin ni Jason.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Who knows?" Tanong niya kaya napairap nalang ako at sumunod sakanya.

"Hindi pa pala naaayos ang mga building na gumuho?" Tanong ko.

"Nakita mo namang hindi pa diba?" Tanong niya kaya sinapak ko naman siya.

"Alam mo apaka pilosopo mo" inis na sabi ko.

"Halata naman eih, tapos magtatanong kapa, ano ka tanga?" Tanong niya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

"So pansamantalang wala munang library ngayon? Wala man lang bang nailigtas na mga libro?" Tanong ko.

"Lahat daw nasama sa pagguho eih" sabi niya.

"Sayang hindi pa naman ako tapos sa research ko" sabi ko. "Tara na nga lang".

Nang makarating na kami sa Headmistress office ay bumungad agad saamin ang mga royalties.

"Bakit niyo po kami pinapatawag?" Tanong ko.

"Ms McGonagall, i heard na ikaw ang dahilan kung bakit ligtas ngayon ang academy sa mga hayop na galing sa north" sabi ng Headmistress.

"I just talked to them po" sabi ko.

"That's why I'm very thankful to you" sabi niya.

"Walang anuman po" sabi ko.

"But since you already worked with the royalties ay gusto na din kitang isali para sa misyon na ibibigay ko sakanila" sabi niya.

"I'm glad that I can help po" sabi ko.

"You too Mr Harrison" sabi nito.

"Pero po hindi po kasi ako pwedeng kumilos kapag hindi po pumayag si General Harrison" sabi ko.

"Yeah I already talked to him, nong una ay hindi siya sumang ayon sakin dahil napakadelikado ng misyong ibibigay ko sainyo" sabi niya. "Pero sumang ayon din naman siya nong sinabi kong isasali ko sa misyon si Mr Harrison para protektahan ka".

"Aishhh magiging body guard lang pala ako ng tandang pusang ito" inis na sabi ni Jason. "As always".

"Sino ba talaga ang anak ni General Harrison sainyo? Si Salem o ikaw?" Tanong ni Kurt kay Jason.

"Malamang ako, iyang pusang iyan ay ampon lang ni daddy, hindi nga sila magkamukha eih, sadyang espesyal lang atah ang pusang ito at pilit na pinapabantayan sakin ni daddy" sabi ni Jason.

"But I thought you're the one who's protecting him? In favor after General saved your life?" Tanong ni Chase kaya naalala ko naman yung pagsisinungaling ko sakanya nong araw na sinaksak niya ako.

"Pshhh malamang nagsinungaling siya sayo, eih ako nga pinapabantay sa pusang iyan" sabi ni Jason. "Tapos kapag may nangyaring masama sakanya ay bibitayin ako ng daddy ko".

"So everything is settled except sa misyon ninyo" sabi ni Headmistress. "So ang misyon ninyo ay ang lusubin ang 4th sect ng Demon Empire na pinamumunuan ni Demon Rylo".

Demon?.

"That's too dangerous Headmistress, why would we bother attack someone like them? Pano kung malaman ito ng Demon King? He will probably proclaimed war o di kaya ay guguluhin niya din ang mundo natin" sabi ni Frost.

"Matagal ng ginugulo ng mga demons ang mundo natin prince Frost, at kapag hindi natin napalitan ng panibagong barrier ang academy ay talagang wala na tayong laban sa mga demons kapag tayo naman ang ginulo nila" sabi ni Headmistress.

"At bakit naman po namin lulusubin ang 4th sect ng Demon Empire? Para maghiganti sa ginawa nilang panggugulo sa academy o para warningan silang wag tayo ang kalabanin nila?" Tanong ni Sky.

"Wala sa tanong mo princess Sky" sabi ni Headmistress. "I give you this mission not for revenge or to warn them kundi para sa kaligtasan ng academy, we already lost our defense kaya kailangan natin ng panibagong defense".

"We can steal their barrier and put them inside the academy" sabi ni Chase.

"They destroy ours so we have to stole theirs" sabi ni Frost.

"But before you do that ay kailangan ninyong maghanda sa labanang magaganap" sabi ni Headmistress. "4th sect is known for poisoning, hindi sila bihasa sa paggagamit ng espada o sa pakikipaglaban kaya mag ingat kayo ng husto".

"As long as maiiwasan natin ang mga needle at ang mga tricks nila ay magiging safe tayo" sabi ni Kurt.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon