Chapter 73

832 31 0
                                    

Chapter 73

Bumangon ako na ikinagulat nila.

"Salem hindi kana dapat bumangon, hindi kapa okay" nag aalalang sabi ni Aqua.

"Oo nga, magpahinga ka ulit" sabi ni Sky.

"Diba gusto niyong malaman kung sino ako?" Tanong ko sakanila. "Bakit di niyo itanong sakin mismo?".

"Pero Salem magpahinga ka muna" sabi ni Aqua.

"Ano yung malakas na pwersa na ipinalabas mo kahapon?" Tanong sakin ni Jason kaya napunta naman sakanya ang atensyon. "What? Kasalanan ko bang sasabog na utak ko sa dami ng tanong na bumubuo sa loob ko?".

"That's my magic" sabi ko.

"Pero diba sabi mo wala kang magic?" Tanong niya.

"Naniwala ka naman?" Tanong ko.

"I've never seen that magic before, ang nakita ko sa vision ko ay puting liwanag sa likod mo tapos may mga pusang figure doon na sumisigaw din tulad mo at saka naglalabas iyon ng malakas na pwersa" sabi ni Kurt.

"I am the princess of Norris Kingdom, Miyao Salem McGonagall" sabi ko na ikinagulat nilang lahat maliban kay Chase na dedma lang. "Kaya kakaiba ang mahika ko".

"Oh my gosh may kaibigan akong prinsesa" masayang sabi ni Aqua.

"Para namang hindi ka dumaan sa pagkaprinsesa" sabi ko.

"Pero ikaw totoo kang prinsesa, anak ka ng totoong reyna at hari" sabi ni Sky kaya nginitian ko naman siya.

"So kaya pala close kayo ni daddy ay dahil matagal kana niyang pinagsisilbihan? Kaya ba paminsan minsan ay tinatawag ka niyang you're highness at mahal na prinsesa?" Tanong ni Jason. "Oo naririnig ko iyon pero wala akong pake, akala ko naman kasi tinuturi kalang ni daddy na parang tunay niyang anak".

"Kung sinabi mo toh noon pa, edi sana nakapagbigay pugay kami sayo" sabi ni Kurt.

"Kaya ko nga tinago kasi ayokong gawin niyo yun" sabi ko.

"Why didn't you tell this to us?" Tanong ni Frost. "To me?".

"Sorry, ayoko kasing may makaalam kung sino ako, kinakalimutan kona din kasi yung past ko kaya ayokong ma mention yun ulit" sabi ko.

"Pero sinabi mo kay Chase" sabi niya kaya umiling naman ako.

"Siya ang umalam, hindi ko sinabi" sabi ko.

"Mahal na reyna at hari, hayaan niyo pong magpahinga ang prinsesa" sulpot ni General.

"Sige Salem mauna na kami ah, magpahinga kalang" sabi ni Sky kaya tumango naman ako.

Umalis na sila isa isa kaya naiwan naman kami ni General.

*Cough cough*

"Your highness" nag aalalang sabi ni general kaya umiling naman ako.

"Okay lang po ako, huwag po kayong mag alala" sabi ko.

"Narinig ko ang nangyari sa Demon Kingdom, gumamit ka ng kapangyarihan mo" nag aalalang sabi niya. "Mahal na prinsesa, bakit mo iyon ginawa? Hindi niyo ba naiisip ang kalagayan ninyo?".

"General" pagpapakalma ko sakanya.

"Paano nalang ang paparating na digmaan mahal na prinsesa?" Tanong niya.

"Kakayanin muna iyon General, besides anjan naman sina Frost" sabi ko.

"Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit mo ginawa iyon?" Tanong niya.

Nabalik ako sa ulirat ng maalala ko si kuya.

"Si kuya, nasaan si kuya?" Agad agad na tanong ko.

"Sino ang tinutukoy mo mahal na prinsesa?" Tanong niya.

"Si Rakim" sabi ko.

"Ang Demon na tinutukoy mo ay nakakulong ngayon sa kulungan" sabi niya.

"Ano? Bakit niyo siya kinulong? May sugat siya" gulat na sabi ko.

"Nabigyan na siya ng lunas kaya wag ka ng mag alala pa mahal na prinsesa" sabi niya.

"Paano ako hindi mag aalala? Siya ang kapatid ko" sabi ko.

"Ibig sabihin ay siya ang nawawalang prinsipe?" Tanong niya kaya agad naman akong bumangon.

Agad akong tumakbo palabas at agad na nagtungo sa dungeon.

"Tumigil ka" pigil sakin ng mga kawal na nagbabantay sa dungeon.

"Umalis kayo sa dinadaanan ko kung ayaw niyong gumamit ako ng pwersa" banta ko sakanila.

Akmang gagamitin kona sana ang hipnotismo ko ng may pumigil sakin.

"Try to harm them or else you'll get punished" sulpot ni Chase.

"Pakawalan mo si Rakim, Chase" sabi ko.

"Him? Again? What's with him huh?" Sunod sunod na tanong niya.

"Hindi mo talaga gagawin ang sinabi ko?" Tanong ko.

"No" sabi niya.

"Patawarin mo ako sa gagawin ko" sabi ko sabay gamit ng kapangyarihan ko para pansamantala siyang mawalan ng malay.

Agad akong pumasok sa dungeon at agad na pinuntahan si kuya.

"Kuya" tawag ko sa kuya ko at agad na binuksan ang selda at nilapitan siya. "Hindi pa magaling ang sugat mo, hindi mo pa din nababawi ang enerhiya ng kapangyarihan mo".

"Lil sis is that you?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Itatakas kita" sabi ko at inalalayan siya palabas.

"Pigilan siya" rinig kong sabi ng nga kawal kaya ginamitan ko naman sila ng hipnotismo.

Nang makalabas na kami ay tumambad naman saamin ang maraming kawal na pinipigilan kami.

"Salem" tawag sakin nila Aqua.

"Tinatawag ka ng mga kaibigan mo, ibalik mo nalang ako" sabi ni kuya kaya umiling naman ako.

"Hindi ko hahayaang mahirapan ka ulit, pinahirapan kana ng Demon King, ayokong pahirapan kana naman" sabi ko.

Itinaas ko ang kamay ko at agad na ginamit ang kapangyarihan ko.

*Roar*

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now