Chapter 48

936 33 0
                                    

Chapter 48

Habang naglalakad ako dito sa hallway ay biglang nahagip ng mga mata ko si Rakim kaya agad ko naman siyang tinawag.

"Rakim" tawag ko sakanya sabay lapit sakanya na masamang nakatingin sakin.

"Don't you know how to respect?" Tanong niya kaya napatikhim naman ako.

"I mean professor Rakim" sabi ko pero hindi niya lang ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Tungkol nga pala sa Demon king".

"What?" Tanong niya.

"Alam na ba niya ang tungkol sakin?" Tanong ko sakanya.

"About what? Na ikaw ang prinsesa 20 years ago? At buhay kapa?" Tanong niya kaya tumango naman ako. "No".

"So that explains why" napaisip na sabi ko. "Kaya pala hindi ako kilala ni Demon Escaor except sa kadahilanang ako ang pumatay sa dalawang kaibigan niya".

"They have nothing to do about this" sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Talaga ba?" Tanong ko sakanya. "Bakit ka nga pala pumunta pa dito sa academy? Para patayin ako all by yourself?".

"So you're already prepared?" Tanong niya.

"Surprises is nothing to me, sadyang magaling lang ako mangscoop kaya nalalaman ko kaagad ang mga bagay bagay" sabi ko. "So totoo nga?".

"I already promised to myself that I would kill you bago pa malaman ng mahal na hari na buhay kapa" sabi niya.

"Bakit? Natatakot kabang maparusahan niya dahil nagawa mong wag ipaalam sakanya ang isang bagay na napakahalaga at nararapat lamang niyang malaman?" Tanong ko sakanya.

"Yes" direktang sabi niya.

"So that explains why are you here" sabi ko. "Pwede bang malaman ko kung kailan mo ako papatayin? Nang saganun ay makapaghanda naman ako at ma challenge ka naman kahit papaaano".

"Tommorow night sa likod ng academy, don't be late" sabi niya sabay alis na kaya napabuntong hininga nalang ako sabay tingin ng pintuan sa cafeteria.

"Sakin yung ampalaya" sigaw ko habang papapasok ng cafeteria.

Kinabukasan ng gabi ay dumiritso na ako sa likod ng academy. Nadatnan ko naman doon si Rakim na may hawak na espada.

"Akala ko hindi ka darating" sabi niya. "You're alone?".

"What do you expect?" Tanong ko. "Hindi naman ako duwag at saka wala ng pakialam ang sinuman sa business ko".

"Really? O baka naman ayaw mo lang na malaman ng royalties na isa ka palang prinsesa" sabi niya. "Diba nga ay dapat kabilang ka sakanila?".

"Wala na sila dun, besides, hindi na din naman ako prinsesa kaya hindi na ako belong sa royalties" sabi ko. "Diba nga sinira niyo na ang kaharian ko pati na din ang mga villagers ko?".

"Yeah" sabi niya.

"Tutal mamamatay na din naman ako, pwede bang sabihin mo sakin kung kasama ka din ba dun sa nangyaring sabotage sa kaharian ko?" Tanong ko.

"I am the King's right hand so bakit naman wala ako sa sabotaheng iyon?" Tanong niya.

"So nakita mo? Sino ang pumatay sa mga magulang ko?" Tanong ko sakanya. "At sino ang nagpaguho ng kaharian ko?".

"Wala namang ibang gagawa nun maliban sa Hari, gusto niyang siya mismo ang maitatala sa buong historya na siya ang pumatay sa magigiting na Hari at Reyna" sabi niya. "At siya din ang nagpaguho ng kaharian mo".

Agad kong naikuyom ang kamao ko dahil sa tindi ng galit na nasa puso ko ngayon.

"Sino ang pumana sakin?" Tanong ko sakanya. "Siya din ba?".

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now