Chapter 56

832 33 0
                                    

Chapter 56

Gumabi na kaya napagpasyahan naman nila Chase na magpahinga kaya nagsymbol na ang mga kasama niya ng tents habang si Chase naman ay nakatingin lang sa apoy na parang malalim ang iniisip.

At ako naman? Andito ako sa taas ng puno nakahiga habang kumakain ng mansanas.

Kung nakakabasa lang ako ng isip ay malamang nalaman kona kung ano ang dahilan sa pagkatulala ng prinsipeng iyan.

Pshhh makatulog na nga, sleeping time kona.

Shemsss di ako makatulog, sabi nila na kapag hindi ka daw makatulog ay may nag iisip sayo? Di kaya ako ang iniisip ng prinsipeng ito? Apaka assuming ko naman hayssss. Pero baka nga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kamuntik muntikan ko ng mahulog sa puno. Haysss hindi na talaga ako matutulog sa itaas ng puno dahil legit ang kaba.

Puro prutas lang ang kinakain ko tutal prutas lang din naman ang nakikita ko dito sa gubat.

Nagdaan ang ilang araw na paglalakbay at masasabi ko talagang napagod ako ng husto. Abah siyempre naglakad lang ako eih halos pitong bundok nadaanan namin. Sana di nalang ako sumunod.

"We're here" rinig kong sabi ni Chase kaya napatingin naman ako sa tinitignan niya at yun ay isang malaking cave.

"Sawakas ay nakarating din" mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Let's get inside" sabi ni Chase.

"Pwede bang ipagbukas nalang natin mahal na prinsipe? Palubog na kasi ang araw at didilim na ang langit" sabi ng Doctor.

"No one is resting" sabi ni Chase sabay baba ng kabayo niya at tinali ito sa isang puno sabay lakad na papunta sa cave.

Nagpahuli nalang ako para hindi halata na nakasunod ako.

Madilim ang cave kaya napalabas naman ng apoy si Chase sa kanang kamay niya.

May narinig akong snoring kaya agad ko namang dinikit ang tenga ko sa cave.

Tama nga ang sabi nila na andito nga ang legendary dragon at natutulog ng mahimbing.

Nang makapasok na sila sa kaloob looban ng cave ay agad akong tumago sa isang malaking bato.

"Ayun ang dragon mahal na prinsipe" sabi ng isang kawal habang nakaturo sa kung ano kaya napatingin naman ako roon.

Hindi na ako magugulat kasi alam ko naman talagang malalaki ang mga dragon lalong lalo na ang mga pakpak nito. Bata palang ako ay kitang kita ko ang mga dragon sa langit na lumilipad pero iba na ngayon kasi wala ng gaanong dragon na lumalabas para magpakita.

"He's still asleep, put the chains on him" utos ni Chase sa mga kawal na agad naman ginawa nila.

Nilagyan nila ng kadena ang kamay at paa nito para hindi makatakas. Pero bago pa man mailagay ng maayos ang kadena sa mga kamay ng dragon ay biglang nagising ang dragon at agad itong nagwala na dahilan para maputol ang kadena.

"Sugod" sigaw ng isang kawal at agad na sinugod ang dragon habang ang lima namang mga kawal ay patuloy lang sa pagpapana.

Masyadong makapal ang balat ng dragon kaya hindi tumagos ang mga sandata sa katawan nito.

Ginamit ng dragon ang kanyang buntot para bitikin ang mga kawal na nagpapana na dahilan para isa isa silang tumilapon sa pader at nawalan ng malay.

Ginamit naman ng dragon ang kamay niya na dahilan para tumilapon din ang mga kawal na may hawak na espada sa pader.

Sa lakas ba naman ng pwersa ng dragon ay hindi na ako magtataka kung patay na ang mga kawal na iyon.

"Ahhhhh" sigaw ng doctor ng tapakan siya ng malalaki at dambuhalang paa ng dragon kaya napahawak naman ako sa bibig ko sa tindi ng gulat.

"Sino pa" sigaw ng dragon hanggang sa napatingin siya sa walang pake sa mundo na si Chase. "Isa lang? Lumabas ka".

Siguro kung naririnig lang ni Chase ang mga pinagsasabi ng dragon na ito ay malamang nalaman na niya na sinusundan ko siya.

Totoo nga ang sabi ng mga mamamayan na malakas makiramdam ang dragon na ito. Kaya hindi na ako nagtataka kung papaano niya nalaman na nagtatago lang ako.

Nagulat ako ng bigla siyang iwagayway ang buntot niya na tumama sa batong pinagtataguan ko kaya agad naman kong yumuko at pumunta sa isa pang bato.

"Lumabas ka" sigaw ng dragon.

"I'm over here, what are you still looking for?" Tanong ni Chase kaya napunta naman sakanya ang atensyon ng dragon. "I am the prince of Fireon Kingdom, and I am here to swear your loyalty on me".

"Anong pinagsasabi ng binatang ito? Gusto niya bang mamatay? At ano namang pake ko kung prinsipe siya? Hindi ko kailanman isusumpa ang katapatan ko sa kahit na sino man" sabi ng dragon. "Inabala niyo ang tulog ko pwes sabay sabay kayong mamamatay dito mismo".

Binugahan ng apoy ng dragon si Chase pero buti nalang ay nakaiwas agad si Chase.

"I should take that as a no" sabi ni Chase sabay palabas ng espada niya sa kamay niya. "Now face the consequences".

Sinugod lang ng sinugod ni Chase ang dragon hanggang sa napikon na ang dragon kaya nagpalabas ito ng malakas na apoy kay Chase na agad namang sinangga ni Chase gamit ang espada niya at kapangyarihan niya at agad na binato ang dragon ng malaking fireball.

Is he dumb? Sabi ko naman sakanya na inflammable ang dragon na iyan kaya no use pa din ang ganong technique.

Nagpalabas ng malaking fireball ang dragon kaya agad naman akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"Dodge" sigaw ko tulak kay Chase kaya pareho kaming napadapa sa sahig.

"Sawakas ay lumabas kana din sa pinagtataguan mo" sabi ng dragon.

"What the? What the heck are you doing here?" Inis na tanong niya.

"Tinatanong pa ba yun? Malamang sinundan kita" sabi ko

"Then why did you follow me?" Tanong niya.

"Pwede bang mamaya kana mangsermon sakin?" Inis na tanong ko sakanya. "Kailangan na nating umalis dito".

"No, I won't leave not until I tamed that dragon" sabi niya.

"Hindi paba sapat sayo na namatay na lahat ng tauhan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"You can leave if you want" sabi niya.

"Look Chase, hindi porket nacontrol mona ang apoy ay hindi kana masusunog, hindi ka inflammable katulad ko okay?" Inis na tanong ko sakanya. "Fire to fire is like battling for hell".

"And so what? This is my fight not yours" sabi niya.

The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now