Relaks 1

1.5K 145 134
                                    

Gusto ko lang ipagbigay alam na ang librong ito ay walang plot.

Wala 'tong rules. Walang sistema. Halo-halong kalamay na 'to.

Ilalapag ko lang kung ano iyong tingin kong dapat ilapag. Ikukuwento ko lang kung ano iyong gusto kong ikuwento nang walang kaplano-plano.

Ideya talaga 'to ni Adria na gustong makipag-collab sa 'kin para buuin ang librong 'to. Hindi talaga ako isang manunulat kundi tagahanga lamang ako ng isang aspiring writer—at siya iyon.

Kaya noong napadesisyunan ko siyang pagbigyan, sabi ko, "Sige, collab tayo. Ambag ako sa content mo pero ikaw maglalatag kasi hindi ako writer."

Suportado ko lahat ng trip niya sa buhay. Kahit itong Wattpad, pinapasok ko na rin dahil sa kaniya. Gumawa pa nga ako ng account para lang masilip at mabasa ang kaniyang mga nobela.

Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagbabasa ako ng lab story lab story niyang iyan. Kalalaki kong tao, tapos ganoon, 'di ba?

Siguro naengganyo lang talaga ako nang sinabi niyang ibinase niya sa amin ang kaniyang mga isinulat.

Akala ko nga noong una ang jologs, eh. Alam ko namang mahilig siyang magsulat kahit year Kopong-kopong pa pero hindi ko naman lubos akalaing aabot sa ganito iyong hilig niya sa writing writing.

Basta palagi niyang sinasabi sa akin kapag nanonood kami ng Indie film (Romance para kiligin daw siya), "Kapag ako naging Direk, gagawin ko ring super realistic ang mga scenes at lines."

O 'di kaya naman, "Sana maging writer din ako ni Direk. Okay lang na sigaw-sigawan niya ako basta gusto kong mapasama ako sa staff niya."

Kung papipiliin nga raw siya, CommArts sana ang kukuhanin niyang kurso sa UST (University of Santo Tomas), pero hindi na natuloy ang plano niyang iyon dahil nalalayuan ang Mama niya roon.

At hindi ko rin siya makikilala kung doon siya nag-aral noong college.

Ako naman, gusto kong mag-aral sa CEU (Centro Escolar University) kasi trip kong maging Dentist.

Wala lang talaga sa itsura ko ang maging dentista pero bago ako sumampa ng college, iyon ang unang pumasok sa isipan ko.

Eh ayaw din ng mga magulang kong mag-Maynila ako kasi baka maaga raw akong maging ama. Ipinasok na lang nila ako sa maayos-ayos at quality na kolehiyong medyo malapit sa katotohanan.

Ayon, CEut pala ang pinasok ko.

Sa awa naman ng Diyos, hindi nga ako nakabuntis nang maaga. Uso naman kasi ang condom at withdrawal.

Samahan n'yo na rin ng presence of mind at prayers. Ow right!

Kanina, pinag-uusapan namin ni Adria habang nagkakape ako sa may lanai kung ano kaya ang magandang ilagay sa Unang Relaks na 'to.

Question and Answer portion naman kami kanina.

Ipinaglalaban niyang ako raw ang unang nagpapansin sa kaniya sa Facebook noon. Ni hindi nga raw niya matandaan kung paano kami naging friends doon.

Accept lang daw siya kasi siya nang accept ng mga friends kasi akala niya cool iyong maraming friends no'n kahit hindi naman talaga kakilala.

Sabagay, hindi ko naranasan iyon bago ko siya nakilala dahil abala pa nga ako kay Jane noon.

Ang mga babae kasi, aminin man nila o hindi, maduda talaga.

Kaunting kibot, iisiping nambababae na kaming mga lalaki. May nag-react lang sa Facebook post namin, hahalughugin na iyong buong Timeline ng kapwa nilang babae.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now