Relaks 11

396 102 16
                                    

Mas naging maayos ang takbo ng relasyon namin sa ikalawang taon.

Kahit nagpopokus kami sa kaniya-kaniya naming mga obligasyon, nakukuha pa rin naming maglaan ng oras para sa isa't isa.

Ganoon talaga kapag lumalab layp. Sa awa naman ni Lord, hindi pa tinatamaan ng matinding oyots si Adria.

Ganoon pa rin ang naging sistema namin. Hustle sa umaga, uhh-stle sa gabi.

Proud kaya ako sa batang iyon. Napapansin kong masipag siyang mag-aral. Bumabawi talaga ng rebyu iyon lalo na kapag may recitation, quiz o exam.

Nagi-guilty nga ako dati kapag may mga gabing medyo lumalagpas siya ng 9P.M. sa pag-uwi dahil gusto niya akong mas makasama nang matagal.

Ayaw ko siyang mapagalitan ng ermats niya kaya pinagsasabihan ko rin naman siya sa maayos na paraan pero ang palagi niyang dahilan, "Hindi naman ako nagpapabaya sa pag-aaral."

Ano nga namang laban ko roon, 'di ba?

Pabor din naman talaga sa akin na magkasama kami nang matagal bago ko siya ihatid sa may kanto nila.

Stress reliever ko kasi 'yang si Adria pero may oras naayaw ko na lang magsalita.

Kadalasan kapag sobrang pagod ako sa trabaho, gusto ko kasi payapa lang. Yakap lang, ayos na. Pero siya kasi, bago gawin iyon, ang dami munang salita.

Literal. Ang dami niyang kuwentong tuloy-tuloy pa. Eh ang liit at medyo matinis pa ang boses kaya napangingiwi na lang ako minsan. 

Naaaliw din naman talaga ako kapag ganoon siya sa akin. Mas gusto ko nang open siya at makuwento kaysa magkapanisan kami ng laway.

Aba'y ginawa kaya akong BFF niyan.

Minsan nga nakikipagbeso-beso na ako sa kaniya kasi kung makipag-usap sa akin, para lang akong kaibigang babae.

Isipin n'yo nga, isang beses na kumakain kami sa isang restawran malapit sa pinagtatrabahuhan ko nang biglang may pumasok na mga Koreanong hilaw.

Kung babae raw ako, sino raw ang magugustuhan ko sa mga iyon?

Utang na labas naman, mga p're.

Saan niya nakuha ang mga ganoong tanungan? Seryoso ba?

Pare-pareho kaming may mga lawit n'ong mga tinutukoy niyang lalaki tapos papipiliin niya ako kung sino ang gusto ko sa mga iyon?

Dahil si Palakol nga ako, sumagot ako. "Sis, gusto ko 'yong matangkad, 'yong papantay sa level ko." (non-verbatim)

Basta iyan ang natatandaan ko dati na eksena. Lakas amats din talaga ng gerlpren ko, eh.

Tawa naman siya nang tawa kahit seryoso naman ang mukha ko no'n.

Sumagot din siya sa akin. Gusto rin daw niya 'yong matangkad. Ang cute daw ng mukha. Mukhang prendly.

Unang beses na parang gusto kong haltakin sa kuwelyo 'yong lalaking sinasabi niyang kyut.

Trip niya talaga ang mga Koreano. Ewan ko rin kung bakit. Siguro kasi gusto niya ang mga singkit katulad niya.

Pero palagi niyang sinasabing hanggang tingin lang naman daw siya. Ako pa rin daw ang totoo at mahahawakan niya. Makakabayo pa.

Hindi naman ako threatened kasi kumpiyansa ako sa pag-iitsura ko. Malaki rin ang tiwala ko sa kaniya. Sabi ko nga sa inyo, observant ako pagdating sa kaniya.

Sa sobrang ka-kyut-an niya, ni hindi ko magagawang magselos sa iba kahit pa may sabihin siyang kyut sa harapan ko.

Hindi niya ipinararamdam na may dapat akong ikabahala talaga. Ganoon din ako sa kaniya. May mga bagay talaga na kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon