Relaks 8

440 115 37
                                    

Gustong-gusto ng mga magulang ko si Adria.

Hindi ko naman mismo narinig iyon kina Mamme at Dadde pero ramdam ko base sa reaksyon ng mga mukha nila at base na rin sa mga itinatanong nila tungkol sa gerlpren ko.

No'ng nagkagulatan nga sila sa bahay, doon na agad pinag-dinner ang bata.

Medyo naging komportable na rin naman si Adria kasi marunong namang makisama ang mga magulang ko. Tipong kalmado lang din. Iinterbyuhin lang kayo n'on tapos ayos na.

Gulat ko nga kasi nag-uusap sina Dadde at Adria tungkol sa kotse. Tapos bonding naman sa pagliligpit kasama si Mamme pagkatapos.

Naks, nagpapalakas lang naman si Adria sa nanay ko.

Sinabayan ko munang manigarilyo ang tatay kong kapre sa may garahe habang hinihintay lumabas ang bata kasi ihahatid ko na pauwi.

May karpiyuw kasi iyon. Bilin palagi ng Mama niyang dapat before 9P.M., nakagarahe na siya sa kanila.

Kow, Mama. Sa akin na po gumagarahe iyan.

Ito namang erpats ko'y biglang nagtanong, "Saan mo nakilala 'yang si Adria?"

Bumuga muna ako ng usok bago ngumisi sa kaniya. Para bang may naalala siya habang nakatingin sa akin kaya napatawa siya bago umiling-iling na may kasama pang mura.

Naalala pa nga yata ang kurtina moment nila kanina, isip-isip ko.

"Sa iskul. Top of the line iyan, tsong. Nissan Skyline R34," pagtukoy ko kay Adria. Binida ko siya, siyempre.

Ganoon kami mag-usap ng tatay ko, eh. Mas maiintindihan niya iyon kaysa sabihin kong ang suwerte-suwerte ko dahil nakabingwit ako ng isang magandang binibini.

Kilabutan nga kayo.

Pero suwerte nga talaga ako, mga p're. Hindi ko naman itatanggi iyon.

O bakit, suwerte rin naman siya sa akin, ah?

Ang tino ko kayang tao. Kahit baguhan pa lang kami, naging peytpul ako sa kaniya.

Para akong kabayo sa may Luneta Park na may takip sa mga mata kasi hindi na ako maaaring tumingin sa iba at baka maging pakawala ako't malihis ang direksyon ko.

Sa kaniya lang 'to, siyempre.

Hindi ko rin namang naranasang magsabay-sabay ng mga chicks. One at a time lang para hindi mag-trending sa social media at para hindi niya ako isumpa o ipakulam.

Pero no'ng high school ako't naghiwalay na kami ni Marie na araw-gabi walang panty, medyo naranasan ko ring maging pakboy.

Send to many palagi ang mga messages ko. Tatlo yata ang sinubukan kong ligawan noon. May isang chinita, may isa namang morena at ang isa'y mukhang may ibang lahi. Akala ko kasi ang astig n'on kapag maraming nakikipag-usap sa 'king mga bebot.

Medyo mahirap i-badyet ang oras no'n. May pagkakataon ngang na-wrong send pa ako roon sa isa.

Ulul, ginusto mo iyan, eh.

Kaya no'ng nabalitaan kong may nagkasuntukan sa labas ng school campus dahil sa selosan, utang na labas, tinigilan ko talaga 'yong tatlong babae.

Hindi ko pinangarap mabasag ang mukha ko dahil lang sa nasangkot ako sa isyu, lalo na ang selosan.

Naging tambay na lang ako palagi kasama ang barkada pagkatapos ng klase. Napasama pa nga ako sa mga ulupong na kasali sa isang fraternity (hindi ko na babanggitin).

Sumali rin ako roon kasi naimpluwensyahan ako. Pero kahit ganoon, hindi naman ako nagpabaya sa pag-aaral ko. Graduating student na rin ako no'n, eh.

Hanggang sa tinalikuran ko iyon no'ng nag-kolehiyo na ako.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon