Huling Relaks

866 114 39
                                    

Nag-celebrate kami ng Pasko nang magkasama. Pumunta rin kami kina Dadde at Mama niya kasi gusto naming mag-celebrate taun-taon kasama ang mga pamilya namin kasi iyon na nga lang ang pagkakataong maging buo kami.

Hindi na nga lang talagang buong-buo dahil nabawasan na ng miyembro pero ang importante ay kaming mga alive and kicking pa.

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo roon sa Relaks 23 na ako'y nagkaroon ng COVID bago ako umuwi kay Adria noong nasa Taguig ako (March/April 2021).

Sa awa naman ni Lord, ubo-ubo lang naman ang dinanas ko pero alalang-alala sa akin ang bata no'n. Nag-isolate ako sa bahay ng pinsan ko kasi hindi rin naman ako puwedeng umuwi sa amin nang may sakit ako.

Mabuti na lang din kasi mabilis ding nawala ang sintomas at hindi rin naman ako inabot nang ganoong katagal bago makauwi.

Kapag masama talagang damo, hindi basta-bastang natitigok.

Praning na praning si Adria at si Mama dati (hanggang ngayon) kasi nga chain smoker ako kaya mas madali raw akong kakapitan ng sakit.

Palagi nga akong pinaiinom ng baytamins, salabat, Strepsils at kung ano-ano pang damo para raw lumakas ang resistensya ko.

Hanggang ngayon iyon, ha?

O 'di ba? Lab na lab talaga nila ako.

Iyong tatay ko nama'y pinagsabihan akong bawas-bawasan ko na ang pagyoyosi ko. Coming from him talaga na simula kolehiyo'y naninigarilyo na rin.

Nabawasan na naman talaga lalo no'ng pagkatapos kong magkaroon ng COVID. Medyo bumalik na nga lang kasi pakiramdam ko'y nanghihina ako kapag wala no'n.

Kaya pagkatapos mismo ng Paskobago mag-New Year (2022)todo date talaga kami ng bata.

Sulit na sulit ang bakasyon.

Akyat ng Tagaytay, punta sa Liliw, Laguna pati na rin sa Maynila.

May kinatagpo siyang kaibigan doon tapos ako nama'y may kinatagpo ring babae.

Hindi ko babae iyon, siyempre. Kakilala iyon ng katropa kong may kontak sa mga nagbebenta ng mga legit na alahas, mga p're.

Alam n'yo na naman siguro kung ano ang tinutukoy ko.

Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Adria ang tungkol doon dahil ayaw kong mabisto ang surpresa.

Pagkatapos no'n, sinundo ko na siya roon sa restawran kung saan sila naroon ng kaibigan niyang babae.

Tapos parang wala lang nangyari.

Itinago ko muna siyempre sa kasulok-sulukan ang shining, shimmering, splendid na bagay para hindi niya makita.

Tanghali pa lang ng December 31 nandoon na kami sa bahay ng Mama niya. Hindi nga nakapunta roon ang erptas ko pati si Tita Louise at Peppa Pig kasi naroon sila sa partido ni Tita. Doon daw muna nila sasalubungin ang Bagong Taon.

Ayos lang naman sa akin kasi masaya rin namang kasama ang pangalawa kong pamilya.

Naroon sina Mama, Tita, Tito at mga pinsan niyang lalaki.

Wala nga lang ang Ate niya kasi nilalagnat daw kaya hindi makauuwi galing Quezon City. Tinamaan pa nga ng COVID kung kailang New Year na New Year.

Biniro ko pa nga ang ermats niya no'n, "Ma, iinom tayo mamaya, ha?"

Tumawa naman iyon at sinabi pang, "Hindi ako umiinom."

Alam ko naman iyon. Hanggang red wine lang naman ang kayang inumin ni Mama sa juice na healthy.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon