Relaks 18

347 94 19
                                    

Malapit nang mag-Pasko no'n kaya sa tingin ko'y magandang timing para hilinging kausapin niya ako.

Ang tahimik niya sa kabilang linya. Hinihintay niya lang sigurong magsalita ako.

Kinumusta ko siya. Iyon ang bungad ko sa kaniya. Hindi nga bagay ang boses ko no'n kasi masyadong brusko. Siberian Husky pa, amputa.

Hindi ganoon ang boses ko kapag masaya kaming nagkakausap dati.

Aray ku naman!

Ang lamig ng sagot niya sa akin no'n. Okay lang daw siya tapos itinanong pa kung bakit ako napatawag kasi busy raw siya.

Siyempre, hindi ko sasabihing naalarma ako roon sa bago niyang manliligaw na mas mukha pang babae ang kutis kaysa sa kaniya dahil sa sobrang puti.

Ayaw naman ni Adria sa mga sobrang mapuputing lalaki. Gusto niya 'yong mga manly lang parang... ako. Siyempre, buhatin ko na ulit ang bangko ko.

At alam kong hindi lang siya sa itsura bumabase. Kahit pa mapogian iyon sa iba, alam kong ugali ang importante sa kaniya.

Kaya nga kahit paganito-ganito ako, napagtiisan niya ako. Alam niya kasing hinding-hindi ko gagawin sa kaniya ang dalawang bagay na kinatatakutan niyamambababae at mananakit sa pisikal na paraan.

Tinanong ko siya kung puwede ko ba siyang sunduin para magkausap kami sa personal pero umayaw siya. Hindi pa raw siya handa.

Naintindihan ko naman. Alam ko namang hindi madali para sa kaniya ang harapin ako.

Humingi ako ng sorry. Sinabi kong hindi na ako magsasalita o magpapaliwanag basta gagawin ko na lang.

Nasungalngal na naman ako nang magtanong siya, "Alin ang gagawin mo? Para saan pa?"

Nag-isip ako ng mga ilang segundo. Putangina, Axe, ayusin mo ang isasagot mo.

"Wala na ba ako?" tanong ko sa kaniya no'n.

Malabo man ang tanong na iyon, alam kong alam niya kung ano ang ipinupunto ko.

Hindi siya sumagot. Kung wala nang natitirang kahit kaunting pag-asa, hindi na niya para sagutin ang tawag ko. Hindi na niya para pag-aksayahan pa ako ng oras.

Napabuntong-hininga ako. Napahilamos pa ako sa mukha.

Hindi ako eksperto sa salitaan. Iyon ang isa sa mga hindi ko ipinagmamalaki sa sarili ko. Hirap akong daanin sa salita ang mga nasa isipan ko.

Hindi ako magaling sa ganoon. Ang dali lang naman sanang sabihing, "Mahal kita. Puwede bang tanggapin mo ulit ako?"

Pero hindi kasi ako ganoon. Mas madali para sa akin kung kaharap ko siya ng mga oras na iyon kasi sa itsura at tingin ko pa lang, alam kong mararamdaman niya kung ano ang gusto kong mangyari.

Kasi iyon palagi ang sinasabi niya sa akin dati. Sa tingin ko pa lang, naiintindihan na niya ako. Ngumiti lang ako, nababasa na niya ang gusto kong ipahiwatig.

Manahimik lang ako, alam na niyang may bumabagabag sa akin.

Iniba ko na lang tuloy ang usapan no'n. Kinumusta ko si Mama niya, kung ano'ng mga ginawa niya sa loob ng tatlong buwan, kung ano'ng mga pinagkakaabalahan niya... basta nakiusyoso ako.

Sinagot naman niya nang maayos. Pero kulang-kulang ang mga kuwento niya. Hindi yata siya komportable kaya hindi na ako nagtanong pa.

Nagbilin na lang akong mag-iingat sila palagi. Na palaging mag-lock ng gate, pinto at screen pati mga bintana lalo na kapag gabi na.

Nabanggit ko rin sa kaniyang nakita ko 'yong isang photo collage niya at sobrang ikli ng buhok niya roon. Bumagay naman.

Para nga lang may pumisil sa dibdib ko nang makita iyon.

Kalmado (A Stand-alone Novel)On viuen les histories. Descobreix ara