Relaks 14

371 97 36
                                    

Ang good boy ko, ah?

Mabuti na lang din at pumorma ako no'n kasi hindi ko rin akalaing mapapasabak pala ako sa meeting the whole pemily.

Nabigla ako, mga tsonggos!

Hindi ko lang ipinahalata kay Adria kasi ang diyahe naman. Kahihiwalay lang namin tatlong linggo lang ang nakalilipas tapos bigla ba naman akong ipakikilala sa nanay at ate niya, kasama pa ang asawa nito at ang anak nilang ipinaglihi kay Peppa Pig sa sobrang kyut. Nandoon din ang pinsan niyang lalaki na kasing edaran ko lang.

Sabi na, eh. Pinsan lang. Muntik ko pang mapag-isipan nang kung ano-ano. 

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa Vikings sa may Mall of Asia. Akalain mo nga namang doon din nila naisipang pumunta?

Hindi umubra ang pagiging kupal ko no'ng mga oras na iyon.

Inilabas ko lahat ng "po" at "opo" ko sa sistema ko. Ipinakita ko rin ang charming charming ko kahit may itinatago akong sakit.

Sakit no'ng iniwan ako ng anak ninyo, Mama.

'de, seryosong usapan. Iyong bigat ng dibdib ko dahil sa mga nangyari ng mga nakaraang buwan, parang medyo umalwan.

Wala namang sinabi si Adria na boypren niya ako o ex na pero ramdam ko 'yong sigla sa boses niya no'ng ipinakilala niya ako isa-isa sa pamilya niya.

Graduation niya pero siya pa ang may surpresa sa akin.

Hindi ko naisipang bumili ng kahit ano para sa kaniya. Hindi ako nakaisip ng pakulo. Hindi ko rin kasi inaakalang magkakausap kami at magkakausap pa.

Nakangiti naman ang nanay niya pero parang tagusan sa kaluluwa ko ang tingin nito. Para bang ginugutay-gutay na ang pagkatao ko sa isipan.

Nagsimula na rin ang interbyu sa akin. Na-hot seat talaga ako.

Hindi lang ako ginisa kung 'di pinakuluan pa. Ang daming itinanong ng nanay niya lalo na ang ate niyang medyo spokening dolyar. Napasabak din tuloy ako sa inglesan.

Tahimik lang si Adria sa tabi ko. Pinabayaan niya akong sumagot sa lahat. Minsan tumatawa o ngumingiti siya pero utang na labas, hindi man lang ako b-in-uild up.

Pero papayag ba naman akong maging taong halaman? Siyempre, hindi. Binabato ko rin sila ng mga katanungan para matantiya ko rin sila. Para makilala ko rin kahit papaano.

Nagpakitang gilas din ako. Hindi ako papayag na hindi ko maiangat ang bangko ko sa hindi mayabang na paraan.

Sinabi ko rin na kamamatay lang ng nanay ko at mag-isa na lang ako sa bahay. Real talk naman iyon. Hindi ako nagpapaawa. Kailangan kong sabihin sa kanila iyon kung gusto nilang kilalanin ang magiging bagong miyembro ng pamilya nila.

Ow right.

Hindi ko nga lang sinabing nagsama kami ni Adria ng mga ilang buwan doon kasi siguradong ekis na ako sa pamilya niya. Tapos maba-bad shot pa ang bata kung sakali.

Eh nagtanong na 'yong asawa ng ate niya kung boypren na ako ni Adria.

Napatingin ako sa bata. Hinayaan kong siya ang sumagot doon. Kasi kung ako ang tatanungin, wala namang nagbago.

Naghiwalay lang pero wala naman akong sinabing pumayag akong makipagkalas.

"Nililigawan pa lang ako niyan," natatawa niyang salita bago tinusok 'yong California Maki niya sa pinggan.

Napangisi ako. Napatango-tango na lang ako. At least hindi "ex" ang sinabi kasi sasabunutan ko talaga siya, sizt! Sa kama nga lang.

Hindi na naman nagtanong ang ermats niya. Naging kaswal na lang ang usapan namin. Natutuwa nga ako roon sa asawa ng ate niya kasi mahilig din pala sa mga oto iyon. Ang dami ring alam.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now