Relaks 19

350 84 45
                                    

Hindi ba't sabi kong gusto kong planado ang mga bagay-bagay?

No'ng oras na iyon, wala akong disenteng proposal sa bata. Wala rin akong singsing na nailagay sa daliri niya. Literal na walang kaplano-plano.

Hindi ko rin kasi akalaing mapapa-propose ako habang nagrarambulan kaming dalawa sa banyo roon sa Villa Ibarra.

Sinabi ko naman sa kaniyang babawi ako sa kaniya sa susunod pero imbis na mapangiti, iyak siya nang iyak.

Bakit daw nakahubo kami no'ng sinabi ko iyon? Paano raw niya maipopost sa Peysbuk ang moment na iyon kung para kaming sina Eba at Adan?

Hindi ko rin alam. Para bang sinabi ng anghel sa kaliwang tainga ko na, "Sige na, Axe. Ikasa mo na. Huwag mo nang pakawalan pa."

Pero sabi rin ng demonyo sa kanang tainga ko, "Puwede ka pang umatras kasi wala ka pa namang pruweba na nag-propose ka."

Alam n'yo naman siguro kung gaano ako kaseryoso sa kaniya.

Alam ko ring dati pa lang, ulol na ulol na ako sa kaniya.

Nadadagdagan pa nga taun-taon kaya nga siguro ganito ang naging epekto sa akin.

Basta kapag kasama ko si Adria, parang gumagaan ang lahat.

Oo, dumarating 'yong mga hindi magagandang araw at pangyayari, pero hindi na iyon gaanong mabigat dahil magkasama kaming hinaharap at nireresolba iyon.

Masasabi kong may improvement lalo na nang sinubukan naming sumama sa isang Christian community sa may Sta. Rosa, Laguna.

Huwag ninyo akong tawanan. Legit 'to.

Ayaw ko pa nga no'ng umpisa dahil puro mga seryoso ang tao roon at pakiramdam ko'y maa-out of place ako.

Hindi ako sanay sa ganoong environment at baka lagnatin ako pag-uwi pero naisip kong wala namang masamang subukan.

Isa pa'y gusto ko rin Siyang makilala nang mas mabuti.

Hindi kasi ako palabasa ng bibliya. Matagal na rin akong tumigil magsimba sa Catholic church. Kahit naman nag-aral ako sa isang Catholic school noong high school, hindi pa rin sapat ang kaalaman ko.

Lilinawin ko lang na open ako sa kahit anong relihiyon. Basta kung saan ko Siya mas makikilala, roon ako. Kung saan ako mas mapabubuti, eh 'di sige lang.

Ilang buwan din kaming tuwing Linggo pumupunta roon. Medyo pormal pa nga ang suotan doon. Hindi pupuwedeng white t-shirt lang tapos maong pants.

Kailangan kagalang-galang ang itsura mo.

Na-culture shock pa nga ako no'ng una kasi kinailangan kong kumanta at sumayaw tulad ng ibang naroon. Hindi ko pa man din alam ang lyrics kasi bagong salta ako kaya nakipalakpak na lang muna ako habang pinagmamasdan ang mga taong naroon.

Hindi kasi ganoon ang nakasanayan ko kaya sorry naman.

Tinatawag din akong "Brother" ng mga nakasasalamuha namin. Mga katropa ko lang naman ang tumatawag nang ganoon sa akin pero sa kupal pang paraan.

Doon, ang gagalang talaga ng mga tao.

Nagulat ako. Parang nahihiya pa ako kasi isa akong malaking kasalanan pero nandoon akonakikibagay sa mga taong mukhang respetado at marami nang alam sa salita ni Lord.

Hanggang sa nakapag-adjust na rin ako. Kahit ang lalim mag-ingles ng Pastor doon, naiintindihan ko, men. (Grabe kayo sa akin).

Lahat ng mga preachings doon ay tumatagos sa buong sistema ko. Nabigyang linaw ang mga bagay-bagay sa akin.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon