Relaks 5

495 119 64
                                    

Naging consistent lang ako sa pagpapapogi sa kaniya.

Bukal iyon sa loob ko, siyempre. Araw-araw, walang palya ang pagpapapansin ko sa kaniya. Mapa-chat, text o sa personal, present ako.

Desidido ako, eh. Nagawa ko na ngang mahalikan siya. Malamang sa malamang, kaya ko pang hilutin si Adria.

Akalain mo nga namang limang araw pagkatapos ng mga da moves ko sa Los Baños, siya naman ang nag-aya sa aking bumalik doon. May gusto raw kasi siyang subukang bagong café.

Treat niya raw kasi ako na raw ang gumagastos palagi sa kinakain namin kahit kapag nasa campus kami.

Hindi naman ako nagrereklamo kasi nag-iipon naman talaga ako para mailabas ko naman siya kahit papaano. Saka para may pang-gas at toll kami kasi diyahe naman kung pagtulakin ko siya ng oto sa highway, 'di ba?

Minsan kumi-kickback ako sa erpats ko pero minsan, nakabubunot ako sa sarili kong bulsa galing sa mga extracurricular aktibitis ko.

Tapos ito na nga ang ikinagulat ko. Kotse niya raw ang gagamitin niya tapos ipagmamaneho pa raw niya ako.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa draybing skills niya pero nanlaki talaga mga mata ko roon.

Ano kamo? Ipagmamaneho ako? Hindi ako kinilig, siyempre. Medyo napa-ismayl lang ako tapos kaunting palpitate lang.

Hindi ako pumengol kasi baka biglang bawiin. Sayang naman ang opportunity. Minsan lang sapian ng anghel si Adria, ayaw ko namang basagin ang trip niya.

Pagsakay ko nga sa oto niya, tawang-tawa ako.

Unang beses ko kasing makita interior n'on kasi nga madalas na ginagamit namin sa tuwing aalis kami ay ang oto kong si Kenji.

Pagpasok ko roon, ang bango. Amoy presh na presh.

Pero taena, ang kikay sa loob. Ang dami kong pink na nakikita. Hindi naman daw niya paborito ang kulay na iyon dati pero nagkataong ganoon daw ang iniregalo sa kaniya ng ate niya noong Birthday niya.

Umupo naman ako sa Hello Kitty niyang seat cover na medyo fluffy pa. Masarap naman ang pakiramdam n'on sa puwet.

Pati 'yong headrest pillow, may strawberry na design.

Utang na labas, pati 'yong cover sa kambyo at handbrake, Hello Kitty rin.

Napalingon ako sa kaniya, nagpipigil ng tawa. Nang ma-gets niya ang facial expression ko, sumabog na rin ang tawa niya't nakipag-fist bump pa sa akin.

Ang pangit ko raw sa loob ng kotse niya. Ang brusko ko raw tingnan tapos nakasakay ako sa kikay na oto.

May halong panlalait pa pero hindi naman ako na-offend. Kadalasan kasi, 'yong mga pang-aasar niya eh kabaliktaran sa mga sinasabi niya.

Eh 'di nagsuot na lang ako ng seat belt. Nakita ko pa 'yong rosary na nakasabit sa kaniyang rear-view mirror kaya hinawakan ko iyon bago ako nag-sign of the cross.

Katatapos ko pa lang gawin iyon nang bigla na lamang lumapat ang kamay niya sa kaliwang hita ko.

Napaka-siraulo ko raw. Tawa pa nang tawa. Ano namang nakatatawa roon?

Ayaw niya n'on? Ang religious ko kaya.

Pero seryoso, may halong pang-aasar ang mga aksyon kong iyon pero mayroon naman din talaga akong rosaryo sa loob ng oto ko. Bigay ni Mamme iyon, eh.

Nasa glove box nga lang dahil umiinit ang pakiramdam ko kapag nakikita kong nakasabit iyon sa harapan ko.

'de, biro lang.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Место, где живут истории. Откройте их для себя