Relaks 16

370 96 20
                                    

Nagkaroon kami ng anak.

Mabalahibo nga lang at parang siopao. Ang pangalan niya'y Squishy.

Si Adria ang nakaisip na mag-adopt kami ng pusa para magkaroon naman daw kami ng kasama sa loob ng bahay. Ayos lang naman sa akin kasi animal lover ako.

Ganoon din siya. Kaya nga inalagaan niya ako, eh.

May lahing Persian 'yong inampon namin tapos may lahi ring impakta. Ah, ah, ang gaslaw. Pero ang kyut naman talaga.

Nahanap lang namin iyon sa Peysbuk. Hindi na raw kasi maaalagaan ng may-ari kaya in-adopt namin habang six months pa lang.

Mahirap na kasing mag-alaga nang matanda na. Paladesisyon na 'yong ganoon.

Sa pag-aakala naming hati kami sa obligasyon bilang magulang ni Squishy, ang resulta'y ako na halos lahat ang nag-asikaso.

Kapag nangangalmot na kasi 'yong pusa, ibinibigay na sa akin ng bata.

Kapag umihi at tumae na, sa akin na ipinapasa ang obligasyon. Yucky raw kasi. Ang baho raw.

Aba'y saan ka makaaamoy ng mabangong ihi at tae, aber?

Kapag paliliguan, ako na rin kasi nga takot siyang masugatan. Eh nagwawala 'yong impakta kapag nabibigla sa tubig.

Pero kapag landian na at habulan, ayon, siya na ang in charge doon.

Gustong-gusto niyang pinagmamasdan si Squishy pero takot namang hawakan at kargahin no'ng una.

Hindi ko pala nasabing kaya niya naisipang mag-ampon ng pusa ay dahil pang-alis niya sa stress na nararamdaman niya no'ng ikalimang taon namin bilang mag-boypren at gerlpren.

Umalis kasi siya sa call center na pinagtatrabahuhan niya dahil unti-unti na siyang nagkakasakit. Humina ang kaniyang immune system.

Nagkaroon pa siya ng vertigo kaya hindi na talaga uubra ang ipagpatuloy pa niya ang kaniyang trabaho bilang CSR (Customer Service Representative).

Nag-apply naman siya sa isang private company bilang isang Executive Secretary at tumagal naman siya roon ng mga tatlong buwan.

Iyon nga lang, na-high blood ako. Muntik pa akong mapasugod doon kasi naikuwento niya sa aking hinipuan siya sa puwet ng boss niya.

Pinaalis ko talaga siya roon. Ang tindi ng galit ko, mga tsong. Literal na na-high blood pa ako.

Hindi pupuwede ang ganoong klaseng putangina sa akin. Kung hindi lang ako pinigilan ni Adria, malamang nag-amok na ako roon sa kumpanya. Tinimbrehan pa akong bigatin daw 'yong boss niya. May mga bodyguard at baril pa.

Eh 'di meow. Wala akong baril. Eguls ako.

May araw din naman iyon. Ipinagdasal ko na lang siya kay Papa Jesus.

Pinalagpas ko na lang kahit tumagal ng mga ilang buwan ang pangyayaring iyon sa isipan ko.

Hanggang sa natanggap ulit siya sa isang IELTS Review Center (International English Language Testing System) bilang kanang kamay ng may-ari.

Pero hindi rin siya nagtagal doon kasi may impaktang siniraan siya para lang mapunta ang impaktang iyon sa posisyon niya.

Naikuwento niya sa aking kinausap siya ng babae sa may pantry para insultuhin siya, "Graphic Artist ako. Marami na akong experience at marami akong maiaambag dito sa office kaya ako dapat ang nasa posisyon na iyan." (non-verbatim)

Pero mali ang nakarating doon sa bossing niya. Kesyo si Adria raw ang nag-attitude doon sa babae like what the pak, bruh?

Iyak sa akin ang bata pag-uwi no'n, ah? Habag na habag siya sa sarili.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon