Relaks 21

370 91 14
                                    

Kung mapapansin ninyo, ang librong ito'y hindi lang umiikot sa lab story naming dalawa ni Adria.

Maaaring walang kilig na mararamdaman dito ang isang mambabasa pero sadyang ganito ito dahil ganito kami. Ganito akong magsalita. Ganito akong magkuwento. Ganito akong mag-isip.

Basta ganito ako.

Hindi kasi namin puwedeng dagdagan ng mga mabubulaklak at mala-Wattpad na eksena o linyahan dahil hindi kami ganoon bilang isang kupol.

Ordinaryong nilalang lang din kami tulad ng iba. Umuutot, tumatae, nagsusuka, bumabaho rin ang hininga kapag hindi nag-tutbras tapos halo-halong kalamay ang kinain maghapon, nag-aamoy pawis din lalo na kapag nabilad sa arawan, nagkaka-pimple din paisa-isa... basta sa madaling salitaNORMAL lang kami at walang espesyal sa amin.

Hindi kami goals gaya ng sinasabi ng iba.

May mga humahanga kasi hindi naman din nila alam ang mga behind the scenes. Siyempre, hindi naman kami perpektong tao kaya araw-araw, may mga sumasablay din sa amin.

Sadyang hindi lang lahat ng bagay ay kailangang i-announce lalo na kapag may tampo kami sa bawat isa.

O lalo na kapag ikasasama ng isa sa amin.

Open kami, makuwento kami pero kapag usapang seryosohan at confidential na masyado, amin na lang iyon.

Kaya itong Kalmado, hahaba pa 'to kung talagang hihimay-himayin namin ang mga detalye mula Day 1 hanggang Day ___, basta ayuku nang mag-Math!

Kulang ang isang libro para masabi ko lahat ng mga gusto kong sabihin. Kulang din ang ilang kabanata para ipaliwanag kung gaano ko pinahahalagahan si Adria at kung gaano ko siya kinamamanghaan.

Oo, cheesy iyon para sa inyo pero hindi lang kasi pagpapapogi 'to. Ito 'yong totoo na palagi ko namang ipinararamdam sa kaniya.

At siya rin. Kahit pa sabihin niyang para akong timang, gagu, balahura, balasubas, dimunyu at kung ano-ano pang negatibo, hindi ako na-o-offend doon.

Hindi kawalan ng respeto iyon. Hindi ako nakararamdam ng hiya at hindi ako nababastusan sa ganoon.

Sadyang ganoon lang siyang magsalita kapag naglolokohan kami pero matindi namang magmahal iyon, mga p're.

Wala akong masabi sa kaniya pagdating sa pagiging kaibigan, gerlpren, partner at asawa (mas magiging legal na).

Kahit nga sino pa ang ihilerang babae sa harapan ko, walang-walang sila kay Adria.

Oo, napatitingin pa rin minsan kapag may agaw-eksenang babae (alam at nakikita niya iyon) pero hindi siya nagseselos kasi alam n'yo kung bakit?

ASSURANCE. Mayroon siya palagi niyan.

At kahit mapatingin din siya sa mga Koreano niya, hindi rin ako threatened talaga. Kasi nga alam kong malalim na ang pundasyon ng samahan namin na hindi na lang basta matitibag ng "selos".

Siguro may nagtataka kung bakit no'ng naghiwalay kami, parang ang bilis ding magkabalikan nang wala man lang dramahan o iyakang nangyari katulad ng mga napanonood sa pelikula o nababasa sa mga libro.

Ewan ko. Sadyang ganoon lang talaga kami.

Para bang kung kaya namang idaan na lang sa tinginan, gagawin namin. Kung kaya namang iparamdam sa hawak, haplos, yakap at halik, eh 'di roon kami.

Minsan kasi hindi na kailangan ng mga salita para magkaintindihan kayo. Pero may mga oras na kinakailangan talagang magsalita para ma-address ang isyu ng bawat isa.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now