Relaks 10

402 108 15
                                    

Sikat si Adria sa mga kamag-anak ko.

Ganito kasi iyon. Napagdesisyunan ng nanay kong magpa-party para sa Bortdi ko. Ayaw ko nga sana kasi mas gusto kong perahin na lang kaysa magpakain ng mga patay-gutom na bisita.

'de, biro lang. Sadyang marami lang nag-sha-Sharon Cuneta sa mga kamag-anak namin sa tuwing may okasyon. Daming binabalot bago umuwi, ah?

Saka ang hirap kayang magligpit pagkatapos. Hindi naman kumukuha ng kasambahay sina Mamme noon kasi hindi sila komportableng may ibang kumikilos sa bahay namin.

Siyempre, hindi ko naman hahayaang mapagod nang ganoon ang nanay ko kaya tinutulungan ko sa pag-aasikaso kahit minsan ay gusto ko nang magreklamo.

Nagpa-catering ang ermats ko pero nagluto pa siya ng mga pangmalakasan niyang putahe at dessert. May mga nag-set up ng mga round tables at chairs doon sa garahe hanggang sa garden namin kasi mas malawak doon.

Ang yabang-yabang ni Dadde kasi nag-imbita rin daw siya ng mga kumpare niya at mga ka-monkey business niyang inuman lang naman ang habol.

Kaya pagdating ng mga alas tres ng hapon, nagdagsaan ang mga tao.

Taun-taon naman silang naghahanda para sa akin pero no'ng taon na iyon, ang tinde.

Debut ko raw kasi, mga kaibigan. Twenty is one na kasi ako. Ow right!

Kulang na lang may pa-magician, clown at palaro ako no'n, eh. Ang daming bata. Basta ang daming tao.

Imagine-in ninyo, labindalawang magkakapatid sina Mamme tapos 'yong kay Dadde naman, pito sila.

Ang dami pang mga apo-apo sa side ng nanay ko. Mabuti nga't hindi pa lahat ay makaa-attend dahil nasa ibang bansa ang iba kong mga tiyahin at tiyahin pati pinsan.

Inimbita ko rin ang mga katropa ko kahit medyo labag sa loob ko dahil baka madala nila ang kakupalan nila sa pamamahay namin.

At siyempre, si Adria ang hindi maaaring mawala sa Bortdi parteh ko.

Para akong tatakbo sa eleksyon no'n, mga p're.

Kung sino-sinong kinakausap, nilalapitan at kinakamayan ko per table. Kailangan pantay-pantay ang treatment at baka may magselos o sumama ang loob kapag hindi ko sila pinansin.

Todo yosi naman ako pagkatapos kasi nakakapagod 'yong ginagawa ko. Isipin n'yo nga, Bertdey na Bertdey ko pero parang ako ang naging emcee roon.

Sa tuwing may darating, kailangan kong i-entertain at pakainin.

Ako nga mismo, hindi pa kumakain no'n kahit gutom na gutom na ako. Paano, iisa lang naman ang gusto kong makasabay kumain kaso ang tagal namang dumating.

Gusto ko na nga sanang lantakan 'yong lechon belly pero tiniis ko, puta.

Hindi ko na masyado namalayan ang oras at napagtanto kong pagabi na no'ng lumulubog na talaga ang araw. Pina-shot agad ako ng mga kaibigan ni Dadde kahit wala pang laman ang tiyan ko.

Hindi lang shot kung 'di shotssssssss.

Rambol naman agad ang tiyan ko't dumiretso ako sa CR ng kuwarto ko para ilabas lahat ng sama ng loob ko.

Mayamaya'y narinig kong kumatok si Mamme para magdala nang mabuting balita. Kararating lang daw ni Adria.

Todo hugas muna ako ng puwet at kamay, siyempre. Nag-change awtpit pa nga ako. From black polo shirt to midnight blue naman para maiba.

Nilagyan ko pati ng wax 'yong buhok kong bumabagsak sa mga mata ko para mukhang maginoo kahit demonyo naman talaga.

Nagpabango pa ako ng paborito kong Calvin Klein (hindi ko na matandaan basta presh lang ang amoy) na bigay ng ermats ko.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now