Relaks 4

583 126 48
                                    

Hindi pa kami noong araw na iyon.

Tinampal niya pa nga nang mahina 'yong pisngi ko pagkahalik ko sa kaniya bago siya naglakad papalayo sa akin. Parang gago raw kasi ako.

Anong parang?

Pero ayon nga, sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa Vega (building sa may gate lamang ng U.P. Campus). Mayroon kasi roong branch ng McDo kaya noong bubuksan na niya sana ang pinto, inunahan ko na siya.

"Welcome to McDonald's, Ma'am," pag-aasta kong parang guard. Absent yata si Kuya guard doon kasi walang nagbukas ng pinto para sa amin.

Napatingin siya sa akin dahil doon. Umirap pa pero mayamaya nama'y sumisingkit na lalo ang mga mata niya't tumataas na rin ang sulok ng labi. Napangiti ko rin.

"May atraso ka pa sa akin, ha?" pabulong niyang sabi habang sinasabayan ko siyang pumila sa counter.

Gets ko naman kung ano'ng ibig sabihin no'n. Big deal para sa kaniya ang halik na napaka-wholesome. Ni wala ngang dila iyon.

Pero iniisip ko rin na baka napag-isip-isip niyang ayaw niyang may malisya ang bawat pagsama ko sa kaniya.

Wala naman talaga, ah? Pramis. Chill nga lang ako.

Flexible din naman kasi ako. Puwede akong pang-tropa lang o pang-alam na dis.

Noong mga panahong iyon, nasa pagitan kami ng magkaibigan saka mag-anuhan. Basta 'yong alam ninyong may kakaibang nangyayari sa inyo kahit hindi na aminin pa.

Minsan kasi hindi na kailangan ng mga mabulaklak na salita. May oras na nadadaan na lang iyon sa tinginan at kung paano ninyo tratuhin ang bawat isa.

Hindi naman sa nagkukumpara ako, ha? Pero kay Jane, medyo nadalian ako sa proseso. Seryoso naman din ako sa kaniya noon pero rito kay Adria, medyo hardcore ang pagkaseryoso ko.

Tipong ang dami ko nang pinaplano kahit wala pa man. Mga pang-payb years na ba. Taena.

Kaya nga buntot ako nang buntot sa kaniya, eh.

Kahit pa sabihin niyang hindi siya "ligawin", napapansin ko pa ring bumabali ang leeg ng ibang mga ulupong sa kalsada o kahit kapag nasa campus kami kapag kasama ko siya.

Hindi ako selosong lalaki. Kahit noon pa man, hindi talaga ako ganoon. Hindi pa naman ako tinutubuan ng matinding insecurity sa katawan.

Pero kapag akin, utang na labas, doon kayo tumitig o tumingin sa iba.

Kaya kapag magkasama kami ni Adria at napapansin kong may mga matang alerto, siyempre inuunahan ko na.

Pasimpleng akbay at dikit ako sa kaniya. Hindi naman niya ako itinutulak palayo kaya sinasamantala ko na ang pagkakataon.

Balik tayo roon sa McDo moment namin.

Siyempre ako nagbayad ng inorder niya. Medyo marami nga siyang inorder kaya napasubo ako. Nagtitipid man ako no'n, 'ge lang. Nagutom yata ang bata, eh.

Nagutom din ako kaya ang dami kong inorder para sa sarili kaysa siya ang maisipan kong papakin at kainin.

Ang susot ko nga kasi hindi siya tumabi sa akin sa upuan. Doon siya sa kasalungat na puwesto ko.

Ano kami, others?

Tinanong ko siya kung bakit ayaw niya akong tabihan o tapatan. Sabi ko pa nga, "Diring-diri sa kiss ko kanina, ah?"

Hindi naman mabaho ang hininga ko. Maayos at pantay naman lahat ng ngipin ko. Hindi naman ako pangit saka hindi naman ako dugyot para kadirihan niya.

Umirap siya at nag-make face pa. Para talagang bata, sa loob-loob ko.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon