Relaks 15

387 98 26
                                    

Ang pinakamahirap sa lahat ay ang magba-badyet ka nang wala ka namang iba-badyet.

Kapag usaping pera talaga, aktibong-aktibo ako pati si Adria. Hindi naman kami mabubuhay nang maayos kung wala iyon, eh.

Hindi bale kung nakatira kami sa liblib na bahagi ng bundok. Puwedeng hindi na kailanganin doon ang pera. Puwera na lang may kailangang bilhin sa bayan o kung saan man.

Kaso we need to feed ourselves and we have to pay the bills.

Ay, huwaw, napa-ingles bigla.

Iyong lifestyle na mayroon kami, kinakailangan talaga nang sobrang pera (extra ba). Iyong sobra kaysa roon sa kinikita namin para magkaroon naman kami ng ipon.

Iyon ang main goal, eh. SAVINGS.

Iyong kinikita naman kasi ng erpats ko mula sa mga tenants ng apartment namin ay sa kaniya napupunta at hindi naman rekta sa akin. Pati 'yong sa negosyo niya, labas na ako roon.

Hindi rin naman ako humihingi ng pera kasi kumikita naman ako nang akin. Pero nagbibigay pa rin naman siya ng weekly allowance ko bilang pambawi sa pag-iwan niya sa unico hijo sa bahay.

Hindi na gaanong mabigat ang loob ko sa erpats ko no'n kasi si Adria, palaging ipinaliliwanag sa aking walang magandang idudulot iyon sa akin.

At hindi rin naman talaga ako maramdamin. Oo, madidismaya siguro ako pero hindi ko rin namang maiaalis ang katotohanang wala namang awesome na awesome na nilalang.

Ako nga'y may mga nasabing hindi maganda kay Adria no'n kaya nga umalis siya, eh. Pero pinagbigyan pa rin ako, kaya ano'ng karapatan ko para hindi palipasin ang mga ginagawa ng tatay ko?

Baka paraan din niya iyon para makalimot panandalian sa sakit na nararamdaman niya. O pantapal doon sa butas na iniwan ni Mamme no'ng sumakabilang buhay na ito.

Minsan baluktot talaga mga dahilan at pamamaraan natin.

Sa kagustuhan nating huwag masaktan o umiwas sa mga paksyet sa mundo, napipili natin iyong mga medyo hindi maayos na desisyon.

Pero uulitin ko lang ang sinabi ni Devin Francisco sa librong Pagsinta, "Who am I to judge if I'm not a judger?"

Lahat tayo'y sumasablay sa kahit ano pang paraan. Mayroon at mayroon tayong madidismayang tao dahil hindi naman lahat ay sumasang-ayon sa atin. Mayroon at mayroon tayong makikitang "mali" sa sarili at sa ibang tao.

Isa lang naman ang tama palagi para sa akin at si Adria iyon.

Palagi siyang tama kasi kailan ba siya naging mali?

Dyowk lang. Marunong mag-sorry ang bata, baka akala ninyo!

Ang arte pa ngang mag-sorry sa akin lalo na kapag nahahalata na niyang medyo naiinis na ako. May oras kasi na clumsy talaga siyang kumilos.

Iyon ang madalas kong ireklamo sa kaniya pero sa maayos na paraan naman. Idinadaan ko na lang sa biro para hindi magtampo.

Madalas siyang makabasag ng mga gamit na pinakainiingatan ko noon. Nauuntog siya sa akin nang walang kadahi-dahilan. Bigla na lang niya akong nabebetlugan.

Basta maraming ganoong eksena na minsan ay nakakainis para sa akin lalo na kapag may regla ako.

'de, seryoso. Hindi lang naman kayong mga babae ang may mood swings. Kami ring mga bayag.

Hindi lang halata sa akin pero pumipitik din talaga ang oyots ko lalo na kapag pagod galing trabaho. Mahirap talaga kapag adultery.

Ang pinagkaiba nga lang, mas mabilis ko nang mabawi ang wisyo ko kasi naku-kyut-an talaga ako sa bata. Imbis na mabuwisit, natatawa na lang ako.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon