Relaks 2

882 131 44
                                    

"Hindi ka talaga pang-Wattpad," sabi niya sa akin kanina habang nagkukuwentuhan na naman kami.

Minsan nagtatanong lang si Adria sa akin pero kasama na roon ang ita-type niya para rito sa libro. Madalas naman niya akong i-flex pero kapag nakikita ko ang ibang ipinagsususulat niya tungkol sa akin, para bang gusto kong umalma.

Puro kalokohan ko lang kasi ang nafi-feature. Hindi naman niya nasasabi roon kung gaano ako ka-maginoo.

Isipin n'yo nga. Noong unang beses kaming nag-face to face sa parking lot ng campus namin, Distancia Amigo ako.

Ang kyut kasi, mga p're. Parang ayaw kong lapitan at baka sunggaban ko.

Ang hinahon pa ng boses ko, parang tanga. Hindi ko nga nakilala sarili ko, eh.

Siguro nasa instinct ko nang kailangan kong gawin iyon kasi nga nasanay ako noon kay Jane na kailangang prim and proper kahit gusto nang mag-alpasan ng mga dimunyu sa sistema ko.

Napa-ingles pa ako, "Are you okay? Comfortable ka bang sumama sa 'kin?"

Ang ganda pa ng pagkaka-pronounce ko ng comfortable!

Ngumiti lang siya sa akin tapos nag-aprub. Mukha rin siyang nahihiya. Kahit siguro naman sino, kapag unang beses pa lang nagkasama, makararamdam nang kaunting hiya.

Kaunti lang naman.

Ipinakilala ko muna siyempre 'yong oto kong si Kenji sa kaniya.

Kita ko kung paano magbago ekspresyon sa kaniyang mukha. Umikot pa siya para sipat-sipatin 'yong oto kong bagong car wash.

Diyahe naman kasi kung dugyot, eh may chicabebot akong isasakay na sasakyan ko rin kinalaunan. Ow right!

"Ano'ng makina nito, Kuya?" tanong sa akin ni chinitang Neneng B (magagalit na naman iyon sa akin kasi tinawag ko siyang Neneng B dito).

Ay, utang na labas-pasok!

Tumawa ako no'n. Kinamot ko pa ilong ko kahit hindi makati. "Kuya ba kamo?"

Totoo naman din kasi dalawang taon ang lamang ko sa kaniya.

Lalong nawala iyong mga mata niya sa pagtawa niya. Imbis na ma-turn off nga ako kasi abot hanggang kabilang kanto ang tawang iyon, mas naging komportable sa pakiramdam n'on.

"B16A. Stock," simple kong sagot. Nakiramdam pa ako sa magiging reaksyon niya.

Eh tama nga ako. Umarte siyang kinikilig. Umikot pa siya sa may driver's side para buksan ang pinto at umupo roon. Hinimas-himas pa iyong manibela.

Aruy, may paghimas doon. Ako kaya kailan?

Biro lang. Wholesome ako no'n. Ni hindi nga ako nag-attention pagkakita ko sa kaniya, eh.

"Oh, em, gee! Ang lakas nito for sure. Nasubukan mo nang kumarera?" wika niya sa maliit at medyo matinis na boses. "Hala, paandarin mo na. Testingin na natin 'to, p're!"

Natawa na lang din ako. From Kuya to P're real quickie na quickie.

Hinagis ko sa kaniya 'yong susing nakasabit sa may sinturunan ng pantalon ko. Nasalo naman niya agad. Naastigan ako sa simpleng astahan niyang iyon. Ewan din kung bakit.

Ako naman, todo sipat din sa itsura niya.

Kung siya, manghang-mangha kay Kenji. Ako naman, sa kaniya.

Simple lang ng datingan, mga erp. Naka-as long as sleeve pa nga siyang kulay itim no'n na medyo hapit sa katawan niya tapos itinerno lang niya sa denim pants at Keds sneakers.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now