Relaks 13

349 103 28
                                    

Nabuntis ko pala siya tapos tinaguan ako ng anak.

'de, hindi mala-Wattpad ang kuwento ng buhay namin, mga tsong.

Matapos ang gabing iyon, hindi na kami nagkausap pa. Nag-deactivate din ako ng Peysbuk account dahil ayaw kong may makikita akong good news mula sa ibang tao. Naaalibadbaran ako sa ganoon kasi sarado nga ang utak ko.

Ako nagluluksa't basag na basag na tapos makikita kong masaya ang ibang tao? Hindi na, uy.

Nag-text pa rin naman ako kay Adria dalawang araw matapos niya akong iwan sa bahay. Sabi ko'y magde-deactivate muna ako sa Facebook tapos kung handa na siyang makipag-usap, tawagan o i-text niya lang ako.

Wala siyang reply at inaasahan ko na iyon.

Sabi ko nga sa inyo, kaibigan pa rin ako. Hindi man kami maayos bilang mag-boypren at gerlpren, alam ko sa sariling hindi ko siya basta-basta maiaalis sa sistema ko.

Kahit pa alisin niya ako sa buhay niya.

Lumong-lumo ako no'n sa totoo lang. Ni hindi nga ako nakikihalubilo sa mga katropa't pinsan ko. Sa trabaho naman, tahimik lang ako.

Nag-resign na rin ako isang linggo matapos naming mawalan ng koneksyon sa isa't isa. May in-apply-an kasi akong posisyon sa isang sikat na automotive company at mabilisan naman akong natanggap doon.

Sabak nga agad ako, eh.

Wala akong balita tungkol kay Adria kasi hindi naman ako kilala ng nanay niya at bawal pa nga akong pumunta sa kanila.

Hindi ko rin naman para itanong 'yong babae at lalaki niyang kaklase na madalas niyang kasama sa campus. Ayaw ko kasi ng isyu. Ayaw kong ipaalam sa ibang may hindi kami pagkakaunawaan.

Ang masaklap pa, dalawang linggo na lang no'n, ga-graduate na rin ang bata.

Sinubukan ko siyang kontakin sa number niya pero hindi na raw siya yayaman. Mukhang nagpalit pa nga ng number.

Hindi ako mapakali. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Idinaan ko na lang sa toma.

Gabi-gabi pagkauwi ko, alak ang naging sandalan ko.

Literal na pampatulog ko iyon. Hindi puwedeng wala kasi hindi talaga ako makatutulog kahit dalawang oras man lang.

May oras ngang naaalimpungatan ako't kinakapa ko siya sa tabi ko tapos mahihimasmasan na lang ako. Wala na nga pala ang bata sa tabi ko.

Parusa, putangina.

Doon ko naisip na kung mas inayos ko lang ang trato ko sa kaniya, baka hindi nangyari iyon. Kung mas tinatagan ko pa, baka hindi nauwi sa hiwalayan.

May mga iniisip din siya tungkol sa buhay niya at sa kanilang dalawa ng Mama niyang may hindi pagkakaunawaan pero hindi ko napagtuunan ng pansin kasi nakasentro lang ako sa mga pinoproblema ko.

Putangina talaga. Nagsisi talaga ako no'n.

Hindi ko nakita 'yong mga maliliit niyang effort para sa akin. Simula no'ng nasa ospital si Mamme hanggang sa nagsama nga kami sa bahay, hindi ko gaanong napahalagahan iyon.

Emotional support, ika nga. Iyon ang pinakakailangan ko no'n pero ano'ng ginawa ko?

Hinayaan kong umalis. Ni hindi ko pinigilan. Oo nga, natanga ako. Aminado naman ako.

Nag-activate ako saglit sa Peysbuk para makibalita sa kaniya pero nagulat ako dahil hindi ko na siya mahanap. Utang na labas naman, naka-deactivate din.

Wala na akong nagawa kung 'di i-message si Yannie. Iyong kaklase niyang medyo kaclose niya at tinatawag siyang BFF kahit ako naman talaga ang BFF ni Adria.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now