Relaks 7

447 115 44
                                    

Kumusta naman ang tatlo hanggang pitong buwang kasama ko si Adria?

Kalmado as fuck.

Wala akong masabi. Sa sobrang kalmado, minsan hinihiling kong magalit naman siya sa akin para may mapag-usapan kaming medyo challenging. Tipong manunuyo ako nang sobra para makanakaw naman ako nang masarap na halik.

Aruy.

Kapag ibang tao kasi ang nakakita sa amin, hindi n'on iisiping mag-nobyo't nobya kami. Iisipin lang ng mga iyon na magkapatid kami o solid lang na magkatropa.

Walang bahid ng kasalanan ba. Ganoon din kasi ang napuna ng mga kaklase at katropa kong mga ulupong no'ng nalaman nilang may relasyon na kami ni Adria kasi nadulas ako.

"Ulol? Sinagot ka? Bakit?" sabi ni Gino, 'yong kadikit ko sa tropa.

Akala naman nila'y maiinsulto ako pero ang yabang ng mga astahan ko no'n. Ngisi-ngisi lang, amputa. Hindi ko kasi ugaling magsalita at magkuwento sa iba kasi aym a berry praybet person.

Nagugulat na lang minsan sila kapag may bagong balita sa akin.

At big deal para sa kanilang naging gerlpren ko si Adria.

Malamang sa malamang, itsura ang pinagbasehan nila kasi nagsipalakpakan sila't pinayuhan pa akong huwag ko na raw pakawalan at rare papi na raw makakita nang ganoong babae.

Rare talaga. Saan ka nakakita ng gerlpren na dinadaan-daanan lang ako sa cafeteria at doon sa tinatambayan namin sa tabi ng campus kapag vacant niya?

Dahilan niya, "Nahihiya ako sa tropa mo."

Nahiya sa mga kupal pero sa akin, hindi. Napakakamot na lang talaga ako sa hindi makati.

May oras namang nagkakatinginan kami kung saan-saan sa campus tapos kakawayan o sesenyasan ko, ano? Alam n'yo kung ano'ng ibabalik sa akin?

Pakyu na may kyut na ngiti, y'all.

Tapos matatawa na lang ako kasi hindi lang pala ako ang siraulo, gerlpren ko rin pala.

Eh 'di chat naman ako pagkatapos no'n kasi gusto kong mang-asar.

Wag po ati. Virgin ako.

Ganiyang-ganiyan ang tanda kong sinend ko sa kaniya. Ang bilis naman ng reply niya, ah?

OMG. BASTOS MO! (hindi ko na tanda ang iba pang salita basta may kasunod pa iyan)

All caps pa iyon. Tapos linya na niya talaga ang "OMG!" kapag nahihiya siya o 'di kaya nama'y tuwang-tuwa siya sa pangyayari o mismo sa akin.

Pero ang wholesome namin, mga p're. Iyon ang relasyon kong nakatagal ako nang walang kahit kaunting halik sa pisngi o labi.

Sa ulo na nga lang niyang amoy araw dumidikit ang mga labi ko.

'de, mabango talaga siya. Amoy Palmolive na pink ang buhok niya dati.

Ilang buwan na hanggang akbay-akbay lang ako't kaunting yakap kapag naiisipan niyang gawin sa akin iyon.

Kapag ako naman ang gagawa nang walang dahilan, tatawa iyon tapos itutulak ang mukha ko palayo. Tsansing daw ako.

Hustisya, men.

Ang pilyo raw kasi ng itsura ko. Para raw palagi akong may gustong mangyaring kakaiba kapag ngumingiti ako o kapag nanghihingi ako ng yakap at halik.

Seryoso ba? Ako? Mukhang pilyo?

Ang bait ko kaya. Ni wala nga akong naiisip na kamanyakan sa kaniya. Hindi ko naman kaya iniisip kung ano kayang pleybor no'ng mantikilya niya sa labi kaya nami-mink-mink iyon.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now