Relaks 3

683 123 50
                                    

Mga dalawang buwan niya rin akong niligawan.

'de, siyempre ako ang nanligaw. Eh nagpaligaw naman siya. Sa totoo lang, wala akong announcement o heads-up na sinusuyo ko na siya.

Ang naging style ko na lang no'n, palagi akong nagpapakita at nagpapapogi sa kaniya kahit hindi ko naman alam kung epektib.

Kunwari palagi akong nag-aayang mag-roadtrip o 'di kaya naman isinasama ko siya sa tropa namin para makilala niya rin kung sino-sino palagi ang mga nakakasama ko.

Game naman siya palagi. One of the boys siya, eh. Kahit ang liit ng boses niya, 'yong astahan kasi para bang dati siyang lalaki.

Nakukuha na ngang makipag-fist bump sa mga ulupong kaya pati sa akin, ganoon din ang ginagawa.

Inaakbayan ko naman. Ganoon talaga, para close.

Medyo mahirap nga lang dumiskarte sa kaniya ng hatid-sundo dati. May sarili kasi siyang oto kaya kapag inaaya ko siyang lumabas, kailangan pa naming mag-convoy o 'di kaya iiwan muna namin oto niya sa parking lot ng campus bago kami lumarga.

Hindi ko rin siya inaaya sa mga fine dining restawran. Taena, hindi ako bagay sa ganoong lugar at alam ko rin naman kung saan niya trip kumain.

Palagi niya kasing sinasabi, "Kahit saan. Kahit ano."

Eh 'di dinadala ko nga siya kung saan-saan at kung ano-ano rin ang pinakakain ko sa kaniya. Madali naman kasi akong kausap.

Pero madalas kaming pumoodtrip sa kwek-kwek-an at fishball-an. Mahilig kami sa tuhog.

Sa susunod, siya naman ang matutuhog, sa loob-loob ko no'n.

Biro lang. Pero medyo totoo na rin.

Estudyante pa kasi ako no'n at wala pang trabaho para gumastos nang sobrang laki na hindi na makatarungan.

Pero nakukuha ko nang s-um-ideline para may sarili akong pera bukod sa allowance na nanggagaling sa mga magulang ko.

Nagbebenta ako ng mga sapatos galing US (may kontak kasi ang katropa ko) saka natuto na rin akong magbenta ng aftermarket accessories ng Honda at Toyota na pasimuno naman ng pinsan kong nangangarera nang legal.

Mukha kasi akong pera. Hanggang ngayon naman ganoon pa rin.

Para sa akin, hindi totoo 'yong "Money can't buy happiness."

Sobrang saya ko kaya kapag may nahahawakan akong pera. Seryoso. Lalo na no'ng mga oras na dine-date ko na si Adria.

Para kaming magkatropa, sa totoo lang. Hindi kami goals. Real talk lang.

Wala kaming tawagan. Adria at Axe lang. Tapos ang kuwento.

Hindi uso sa amin ang endearment pero nabanggit niya sa aking gusto niya ring maranasang matawag na "Babe".

Utang na labas. Sabi ko nga, sa dinami-raming tawagan bakit baboy pa?

Tawa naman siya nang tawa kahit wala namang nakakatawa.

Hindi kami nagtatanungan kung ano nang status naming dalawa. The fuck na lumalabas kami, este the fact na inaaya ko siyang lumabas at sumasama naman siya sa akin, understood na iyon.

Hindi na kailangan pang himay-himayin ang paliwanag para roon.

Hindi ko sigurado kung masyado ba akong obvious na sa tuwing tinitingnan ko siya, eh parang nakikita ko 'yong mundo ko.

Utot. Ang cheesy naman, mah man!

Pero iyon ang sabi niya sa akin, kakaiba raw akong tumingin sa kaniya.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now