Relaks 17

325 95 16
                                    

Relaks. Bakit kayo nagagalit sa akin?

Kung mababasa siguro ito ng mga taong hindi kami kakilala o hindi aware sa sitwasyon namin ngayon, malamang sa malamang huhusgahan na nila ako.

Kuwento ko na lang din kung ano'ng nangyari kinaumagahan no'n.

Paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Wala na siya roon kasi nasa loob siya ng banyo. Narinig ko pa nga ang lagaslas ng tubig kaya alam kong naliligo siya.

Napansin kong wala na rin pala sina Dadde at 'yong babae. Pagtingin ko sa oras, doon ko lang napagtantong na-late pala ako ng gising.

May trabaho ako no'ng araw na iyon pero hindi ko na ininda. Wala rin naman akong ganang pumasok no'n.

Sunod kong nakita sa may sala ang isang maleta at iba pang mga bag ni Adria. Napahinga na lang ako nang malalim.

Mabuti na rin iyon, isip-isip ko.

Pero pagpunta ko sa may kusina, parang nanlata na lang ako. May iniluto siya para sa akin. Nakahanda na rin 'yong personalized kong tasa, pinggan at kubyertos na iniregalo niya sa akin dati.

Dahil wala akong kagana-gana, bumalik na lang ako sa kuwarto. Balak ko na lang matulog ulit bago pa siya umalis dahil ayaw kong marinig ang kotse niyang papalayo roon sa bahay.

Nagtaklob ako ng unan sa mukha ko nang marinig kong nagbukas ang pinto.

Ilang beses niyang tinapik ang paa ko. At nang mairita ako, bumangon na ako.

Kalmado lang ang boses ko, "Bakit?"

Nakatapis lang siya ng tuwalya. Kitang-kita ko rin ang namumugto niyang mga mata.

"Fours days na akong delayed. Regular naman dumating ang mens ko pero ilang araw na pala akong hindi dinadatnan." (non-verbatim)

Humingi pa siya ng sorry. Hindi raw niya masabi sa akin no'ng mga nakaraang araw kasi alam niyang marami akong iniisip.

Nakiusap din siya kung puwede ko raw siyang samahang bumili ng pregnancy test sa pharmacy. Samahan ko lang daw siya roon tapos didiretso na raw siya pauwi sa kanila.

Wala akong sabi-sabing tumayo para kuhanin ang susi ng oto ko sa kabilang side table.

Wala pa akong hilamos no'n. Wala pang kape. Wala pang kahit ano. Ang gulo pa ng itsura ko.

Pinagbihis ko muna siya at doon na ako sa garahe naghintay. Napasandal na lang ako sa headrest ng upuan ko.

Parang doon ko lang na-absorb ang mga sinabi niya. Delayed? Apat na araw na?

Alam ko namang regular ang buwanang dalaw niya kasi ako pa nga mismo ang nagsasabing malapit na siya ulit toyoin at kailangan ko nang magpaka-good boy ulit.

Iritado kasi siya kapag mayroon, saka maraming cravings.

Inalam ko rin talaga para alam ko kung kailan ang bakasyon ko sa lambingan.

Putangina, mura ko no'n sa isipan.

Napamura ako hindi dahil ayaw ko sa ideyang baka buntis siya kung 'di dahil wala akong kaalam-alam at hindi ko na siya na-monitor no'ng mga nakaraang araw.

Pinasama ko pa ang loob no'ng gabi.

Nagkabuhol-buhol na naman ang mga iniisip ko no'n, mga tsongs. Hindi ako makaramdam ng excitement pero hindi rin ako dismayado.

Bumalik lang ako sa ulirat nang sumakay siya sa passenger seat. Binuhay ko na rin ang makina pati ang air con. Tanda ko pang itinutok ko ang mga aircon vent sa kaniya.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now