Relaks 9

416 105 28
                                    

Hindi naman ako droga pero illegal pa rin ako...

...sa kanila.

No'ng nagtanong si Adria kung ano'ng gusto kong Graduation gift, wala akong materyal na bagay na hiniling kasi bukod sa hindi ako demanding, isa lang talaga ang gusto kong mangyari.

Sinabi kong gusto kong makilala ang Mama niya pero dehins pa rin puwede.

Hindi pa rin daw niya naipapaalam sa ermats niya ang tunay na lagay namin. Nag-offer pa nga ako na puwede namang sabihing bespren niya ako pero tinawanan niya lang ang ideya.

May bespren daw bang kinakabayo siya halos araw-araw?

Napangisi ako. Uy, ebri other day naman kaya!

Pero isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto kong makilala ang nanay niya. Hindi naman nito malalaman na paboritong pagkain ng kaniyang anak ay Jolly na Jolly hotdog pero ayaw kong maramdaman ng bata na iyon lang ang ikinasasaya ko sa relasyon namin.

Gusto ko rin siyempreng makilala ni Mama kung sino ba 'yong palaging nakakasamang lalaki ni Adria.

Kung sino ba ang nag-aalaga sa kaniyang bunso kapag wala sa bahay.

Mapagmahal kaya ako sa mga nanay. Sarili ko ngang ina, tuwang-tuwa sa akin kahit mapadalas akong mapagalitan noong bata hanggang high school.

Kung wala raw ako, walang kabuhay-buhay ang bahay nila ni Dadde.

Kaya kumpiyansa naman akong hindi ako kahiya-hiya sa harapan ng magulang ni Adria.

Pero nirespeto ko pa rin ang kaniyang desisyon dahil hindi naman ako ang masasabon kung sakali, kung 'di siya.

Handa naman akong maghintay hanggang sa kusa na niyang maisipang ipakilala ako't ipagmalaki sa nanay niya.

Sayang nga lang kasi no'ng mismong Graduation ko, kaming apat lang nina Mamme at Dadde ang nakapunta.

Sabi nga ni Dadde sa kaniya, isama na rin ang Mama niya para makilala na rin daw nila pero ang idinahilan na lang niya'y may trabaho at busy raw ito.

Aruuu, hahaba talaga ang ilong niya sa kalilihim niya dati.

Naiintindihan ko naman talaga kung ano'ng pinanggagalingan niya. Marahil istrikta nga talaga ang kaniyang nanay kaya hindi muna talaga ako puwedeng ipakilala lalo na't hindi pa raw siya nakaga-graduate.

Ayos lang din naman sa akin dahil kung papipiliin ako, siyempre gusto ko may trabaho na ako kapag humarap sa ermats niya.

Dagdag pogi points iyon kapag alam nitong kaya ko nang bumuhay ng bata.

Balik tayo sa Graduation ko. Sobrang ganda niya kasi no'ng araw na iyon, mga p're.

Naka-black lace dress siyang above the knee. Long sleeves iyon pero see-through ang mga mangas. Medyo may pa-backless pa nga pero hindi malaswa tingnan.

Taena, ang sexy nga, eh.

Ang kinis. Ang puti. Labahita ooh lala!

Itinerno pa niya iyon sa sapatos niyang may heels (akalain mo nga namang nakapagsuot nang ganoon) para raw hindi siya magmukhang maliit sa tabi ko.

Nakalugay lang din ang kaniyang buhok hanggang baywang na halos. Ewan ko, asset niya yata ang buhok niyang nagba-brown-brown lalo na kapag natamaan ng sinag ng araw o ilaw.

Ang tindi. Graduation ko pero kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko ng mga oras na iyon.

Bumalik lang ako sa ulirat nang lumapit at nakipagkuwentuhan ang mga katropa ko.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon