Prologue

60 3 1
                                    

"Run, Isabella. Don't look back, just continue running." I shout but for the last time she stopped and look at me with a teary eyed.

"I love you." she mouthed.

"Isabella!!!" the three of us shout.

Napabalikwas ako ng bangon habang puno ng pawis ang noo ko. Muli ko siyang napanaginipan. Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Mama nang may nagaalalang tingin.

"Uminom ka muna ng maligamgam na tubig." inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig.

Lumingon ako sa bintana nang humangin ang kurtina ko. Umaga na pala, isa na akong ganap na tao simula nang pumunta ako dito. Sa tulong ng Alpha ay nabawasan ang pagiging bampira ko para mas makasurvive ako dito sa mundo ng mga mortal.

Matapos uminom ng tubig ay ngumiti si Mama at umupo sa tabi ko dito sa kama.

"Lagi ka pa rin bang binabangungot?" mahinahon niyang tanong kaya tumango ako. Hinawakan niya ang ulo ko bago siya tumayo.

"Lumabas ka na riyan at may bisita ka." kumunot ang noo ko.

"Bisita?" nagtataka kong tanong, tumango lang siya at lumabas na ng kwarto. Wala akong nagawa at agad na naghilamos ng mukha ko. Wala akong inaasahang bisita ng ganito kaaga kaya hindi na ako nagabalang mapalit ng damit.

"Ma, what's for breakfast?" naghihikab kong sabi nang makababa ako ng hagdan. Dumiretso ako ng kusina.

"What's with the outfit, Atty. Lioncourt?" napatigil ako nang marinig ang pangaasar na tono sa boses niya.

Nanlalaking mata ko siyang nilingon na nasa kusina at nakaupo sa harap ng dining table namin. Bigla akong nataranta at tiningnan ang suot ko. I'm wearing pajama partner na teletubbies which is kay Cassy dati. Sinuot ko lang ito dahil nang makausap ko siya thru videocall ay pinasuot niya sa akin ito. I forgot na hubarin.

May internet connection na pinalagay si Gio sa Crimson Academy para mas madalas namin makausap si Cassy. Katatapos lang gawin last week.

"A-atty. Diaz, what are you doing here this morning?" kunot noo kong tanong. Ngumisi lang siya at naglapag ng folder sa table.

"I think magkalaban tayo this time." nanlaki ang mata ko at tiningnan agad ang nasa folder.

"No, it can't be. Tatanggihan ko si Miss Alonzo at sasabihing hindi ko na siya madedepensahan sa korte." sabi ko at napahawak ako sa ulo ko nang paluin ng folder ni Belle ang ulo ko.

"Stop being childish. Abogado ka kaya be professional." malamig na sabi niya sabay lakad palabas.

Nilingon ko siya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng bahay namin. Nanghihinang napaupo ako.

"What are your plans, Cassius? She's not your first love. You're my son but please clear your head. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo sa pag-asang siya ang babaeng una mong minahal." payo ni Mama at inaya na ako sa lamesa para kumain.

Natapos kaming kumain ni Mama at nanatili akong tahimik kaya alam kong naninibago siya. Madalas kasi akong magkwento tungkol kay Belle kapag nagaalmusal kami.

"Ma, I'll go ahead." paalam ko sa kanya at tumuloy na ako palabas ng bahay namin.

Dumiretso ako sa kotse ko at bago ito istart ay huminga muna ako ng malalim. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mama. Kahit si Cassy ay pareho ang sinasabi, na hindi siya si Isabella pero sa tuwing nakikita ko si Belle walang ibang ginagawa ang puso ko kundi paniwalain ang sarili na siya at si Isabella ay iisa.

"Bro, thist time mukhang hindi kampi sa iyo ang tadhana." nakatawang sabi ni Ivan, kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa? Abogado rin si Ivan sa firm kung saan ako nagwowork.

"What?" kunot noo kong tanong. Nilingon ko si Daniel na senior ko dito sa firm, umakbay siya sa akin.

"May progress na ba sa inyo ni Atty. Belle?" nakangisi niyang tanong kaya siniko ko siya na mabilis niyang naiwasan.

"Sa reaksyon niya, mukhang wala pa." tawa pa ni Ricky, paralegal sa team ko. Kahit kailan ay mahilig siya sumulpot at makisabat sa usapan ng iba lalo na kapag chismis. May asawa na siya at apat na anak pero kasing 'edad' ko raw siya.

"Manahimik nga kayo, ako na naman ang nakita ninyo." sabi ko at tinalikuran na sila para pumasok sa office ko.

Naupo agad ako sa swivel chair ko at napapikit. Yeah, Cassius hindi siya si Isabella kaya mabuti nang kalimutan mo na siya. Matagal nang patay ang babaeng mahal ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit pero nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong dumilat, nasalubong ko ang malamig at walang emosyon niyang mata na nakatingin sa akin. Walang kumurap o kumibo habang magkatitig kaming dalawa.

Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso na huli kong naramdaman kay Isabella. Natauhan lang ako nang tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

"Anong ginagawa mo?" kunot noo niyang tanong pero hindi ako kumibo at nanatiling nakatitig sa kanya. "Sleeping during work hours? Gusto mong makarating ito sa head?" dugtong niya.

"Why? Isusumbong mo ako?" sabi ko at iniwas na ang mata sa kanya. Umirap naman siya.

"Tss, may meeting mamayang 11 ng umaga." malamig niyang sabi.

"I thought magkalaban tayo?" nagtataka kong tanong.

"Duh, it's for upcoming event of our firm at walang kinalaman dito ang mga kaso natin." nakairap niyang sabi kaya natawa ako.

"Okay, punta ako mamaya." tumango siya at maglalakad na sana palabas nang muli ko siyang tawagin. Nilingon niya ako nang may masamang tingin kaya natawa ako.

"Goodluck sa korte." nakangiti kong sabi, ilang segundo siyang natulala bago tumango at tahimik na lumabas ng opisina ko.

Napangiti na lang ako, whoever you are is I don't care as long as I still chase you.

Matagal na akong naghahanap ng pagibig pero dumating ka. Kahit ayaw mo patuloy kitang hahabulin, Belinda Diaz. I will continue chasing love even if I don't know where it brings me.

******

A/N: All question unanswered sa Crimson Academy ay malalaman natin dito sa Chasing Love.

P.S. May mga flashback din po dito every chapters para malaman kung ano ba ang nangyari sa past.

Chasing Love (CA Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon