Chapter 4 Isabella

20 4 0
                                    

Cassius's POV

Sumenyas ako kay Mrs. Alonzo nang makita siya pagpasok ko sa opisina ko. Naupo ako kaharap niya sa sofa na nandito.

"Mrs. Alonzo, tatapatin na kita. Medyo mahihirapan tayo sa kaso dahil aaminin ko magaling na abogada si Attorney Diaz." bungad ko sa kanya.

"Attorney, ibig niyo po bang sabihin na susuko na tayo? Gusto ko nang makasama at mayakap ang mga anak ko." umiling ako sa naging tanong niya.

"Wala po akong sinabing susuko tayo. Ang sinasabi ko po ay mahihirapan tayo pero lalaban tayo upang makuha ninyo ang custody ng mga bata. Ang gusto ko lang pong sabihin ay kailangan ninyong lakasan ang loob ninyo dahil tiyak akong pati ang mga bata ay maaapektuhan." paliwanag ko sa kanya kaya natahimik siya.

******

"My client wants to be with her children. Isang ina na tinanggalan ng karapatan sa kanyang mga anak dahil sa kakulangan sa pinansyal. Your honor is it rightfully just because of money, mawawalan siya ng karapatang makasama ito? Pera nga ba ang makakapagpasya sa mga bata?" tanong ko habang nakatingiin diretso sa judge ng kaso.

"Your honor, we're not saying that only money can make the children happy but their rights to sustain all their needs. All children have the rights to study, to eat delicious and healthy foods but can the children achieve that if they lack of money." napangisi ako sa sinabi ni Belle, kahit kailan hindi siya nagpapatalo sa akin pagdating sa argument.

"Yeah, pero sapat bang iwanan lang ang mga bata ng pera dahil kinakailangan ng ama magtrabaho? They all kids, they are ten, eight and three years old and need the guidance of their parents." makahulugang sabi ko.

"You're right but who anyone else sustain their needs?" sabi pa ni Belle.

Natapos ang palitan namin ng argument pero nag-usap na kami ni Belle tungkol sa kaso ng dalawa. Yes, we're lawyers but we're not tolerate our clients para lang kumita. Hangga't maaari ay mas gugustuhin namin ang kapayapaan para sa mga kliyente namin.

Naexperience ko na iyan sa Vampire World at ang nangyari ay lumala lang ang problema dahil una pa lang kung nasolusyonan na ay hindi sana lalaki ang problema. Ilang henerasyon na ng mga bampira ang nahirapan dahil sa digmaang ilang taon bago nagwakas.

******

"Sa tingin mo gagana ang plano?" tanong ko sa kanya pero ngumisi lang siya sa akin. Sa aming dalawa ay mas nauna siyang bumuo ng plano at makipagtulungan sa akin.

Napag-usapan kasi namin na mas mahihirapan ang mga anak ng mga kliyente namin kung patuloy lang silang mag-aaway. Buong pamilya ang higit na kailangan ng mga bata kaysa ang pag-aaway ng mag-asawa.

"Trust me." ngisi niya kaya napailing na lang ako bago ngumiti.

Kahit na ilan pa ang magpaalala sa akin na hindi siya si Isabella, hindi ko alam pero habang tumatagal ay nakikita ko ang pagkakapareho ng ugali nila. Ang pinagkaiba lang ay cold si Belle pero si Isabella ay masiyahin. Alam kong mali na pagkomparahin at paniwalain na iisa lang sila, baka kasi hindi lang ako ang masaktan dahil umaasa ako kundi pati siya.

"Cassius..." inangat ko ang ulo mula sa binabasa ng tawagin ako ni Vincent. Tumaas ang kilay ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Anong kailangan mo?" taas kilay kong tanong. Napalingon ako sa tabi ko ng tahimik na umupo si Gio.

"Woah, bakit tahimik ka na naman?" puna ni Vincent dito pero hindi siya pinansin ng isa.

"What's wrong?" tanong ko. Ilang buwan na ako dito sa Crimson Academy at naging kaibigan ko na ang dalawang ito o si Vincent lang dahil madalas di mamansin si Gio.

Sa ilang buwan ko nang pagkakakilala sa kanila ay kabisado ko na ang ugali nila. Kahit tahimik at madalas walang imik si Gio ay alam kong maaasahan siyang kaibigan. Kabaligtaran ni Vincent na napakaingay pero willing siyang makinig kapag may hinaing ka.

Masaya akong magkaroon ng kaibigan dito at mas mapapadali ang misyon ko. Misyon na tuluyang mapalapit sa Dark Knight upang maging kakampi oras na malaman ko ang ibtensyon niya. Alam kong si Gio siya at gustuhin ko mang sabihin kung sino ako ay di maaari. Papalpak lang ang plano ng Alpha at baka magulo ang propesiya.

"Scarlet got a new boyfriend and guess who?" natawa kami sa pinagmumukmok ni Gio. Gio is over protective with his siblings.

"Who?" sabay naming tanong ni Vincent.

"Simone Valacari." napanganga kami sa sinabi niya at maya maya lang ay tumawa kami ni Vincent.

"Seriously? Si Simone napaibig ang mailap na si Scarlet?" natatawang tanong ni Vincent pero sinamaan siya ng tingin ni Gio kaya natahimik siya.

Kahit ako ay hindi lubos maisip na posible pala iyon. Malaki ang pagkakaiba ng ugali ng dalawa kaya ang hirap paniwalaan na magkasundo sila. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit problemado siya.

"Eh, ikaw anong sasabihin mo?" tanong ko kay Vincent, ngumisi si Vincent bago tumikhim at magsalita.

"I have a new girlfriend." halos umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Who is it this time?" tanong ni Gio na mukhang nakarekober na dahil sa nalaman niyang may boyfriend na ang ate niya.

"Levana Bloodfern..." ngisi niya kaya nagulat kami.

"Lagot ka kay Headmistress Helana kapag sinaktan mo si Lev." babala ko pero nginisihan niya ako na parang nagsasabing hindi siya natatakot. Napailing na lang kami ni Gio dahil hindi namin alam kung kailan siya magmamature.

"Excuse me." nilingon namin ang babaeng lumapit sa amin. Maganda siya, matangkad at may bilugan ngunit maliit na mata.

"Hi, what can we do for you?" naglahad ng kamay si Vincent dito pero binatukan namin siya ni Gio. Kasasabi lang niya sa amin na may girlfriend siya tapos mabilis maghanap ng iba.

"Aray, grabe kayo. I was just being friendly." depensa ni Vincent.

"Ahmm, can I ask where is the office of Headmistress Helana?" tanong niya.

"Transferee ka?" ako na ang nagtanong dahil baka mainip pa ang babae kung hihintayin ko pa ang dalawa kong kasama na sumagot ng matino. Isang tipid magsalita at isang maloko.

Tumango siya kaya tumayo ako.

"Samahan na kita dahil medyo malayo ang office niya." sabi ko.

"We're vampires, right?" takang tanong niya kaya nanlalaki ang mata kong tumango.

"Naku, Cassius. Iba ka rin dumiskarte, galawang hokage." binatukan ko si Vincent kaya natawa ang babae.

"By the way, I'm Isabella Watson." nilahad niya ang kamay sa akin na agad kong tinanggap.

"Cassius... Cassius Bloodrose." pakilala ko na tinawanan ng dalawa kong kaibigan.

"Nice meeting you, Cassius." nakangiti niyang sabi.

Chasing Love (CA Spin-off)Kde žijí příběhy. Začni objevovat