Chapter 15 The Curse

11 4 0
                                    

Isabella's POV

"When we thought you're dead, nasira ang pagkakaibigan namin. Nagsisihan kaming tatlo kung sino nga ba ang may kasalanan. Mas higit naming sinisi si Vincent dahil inakala namin na hinayaan ka niyang mamatay dahil iniisip niyang ikaw ang hadlang sa mission namin laban sa Emperor." panimula ni Cassius, nanatili lang akong nakatingin sa kanya at nakikinig.

"Then my mother we thought is dead. Sumabay pang kinailangang bumalik ng Clemente ni Cassius. Nagulo na ang lahat pati ang isip ko. Galit na galit kaming dalawa kay Vincent kaya umalis at biglang nawala ng ilang taon si Vincent.

"Pagkabalik niya ay hindi na namin siya makilala. Yeah, we know he's still the same but something's different na kahit si Trix ay alam na may mali sa pinsan niya. He's aloof at everyone. Five years ago, dumating sa Crimson Academy si Cassy. He's making friends with her. Ang alam ng lahat ay si Cassy lang ang anak ni tito Alu pero may kambal pala siya at hindi namin inakala na si Cassius pala." mahabang sabi naman ni Gio kaya siya ang binalingan ko.

"Then?" sabi ko na sinasabing ipagpatuloy nila. Tumango lang ako at hinayaang makinig sa nga kwento nila.

Hindi ko inakalang sa tagal na panahong ako ay nawala, marami na ang nangyari. Inakala din nilang patay si Lady Feronia pero naging bihag lang pala siya ng masamang Emperor. Dumating si Cassy at nakuha ni Vincent ang loob niya without knowing na may pakay pala ito sa kanya. Hindi ako makapaniwalang minsang sumama sa kampon ng kasamaan si Vincent na napakabait at palaging nakangiti.

Marami talaga ang pwedeng mangyari lalo na sa oras na inakala mo ay mag-isa ka na lang at walang makapitan. Alam ko na kahit pa nagtraydor siya ay isa pa rin soyang mabuting bampira at hindi niya deserve ang mamatay.

"This is all my fault. He save me dahil wala akong lakas para lumaban. Mahina ako at naging pabigat sa kanya kaya siya namatay. Mabuti siyang kaibigan at ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga kaibigan. Ginawa niya ang lahat para protektahan ang mga mahalaga sa kanya." nakayukong sabi ni Cassy at hinawakan ko ang kamay niya.

"Wala kang kasalanan. Maaring hanggang doon na lang ang buhay niya dahil alam niyang nagawa niya ang dapat niyang gawin. Nadala ka sa Crimson Academy dahil sa kanya. Tapos na ang mission niya at alam kong masaya siya dahil ligtas ka." nakangiti kong sabi.

"Nahulog ako sa bangin, hindi dahil binitawan niya ako. Nahulog ako dahil pinutol ko ang tali. I sacrificed myself because I know na may mahalaga pa kayong dapat gawin. At nagawa niyo nga, natalo niyong dalawa ang kasamaan." dugtong ko pa kaya sabay na tumingin sa akin si Gio at Cassius.

"Nalaman na namin kay Vincent bago siya mamatay na pinutol mo ang tali pero ano nga ba ang nangyari sa'yo after that?" tanong ni Cassius. Natulala ako at di alam kung dapat ko bang sabihin lahat ng naranasan ko.

Ayoko maging unfair sa kanila dahil kwinento nila ang lahat sa akin pero kapag sinabi ko ay baka mas lalo silang mapahamak. Ang pagbalik ko nga dito ay alam kong ikakapahamak nila. Wala akong balak na magtagal dito dahil aalis din ako at lalayo upang maprotektahan sila.

"May kinalaman ba ang grupo ng itim na bampira dito?" nagulat akong lumingon kay Gio sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Napalingon ako kay  Cassius nang hawakan niya ang kamay ko.

"Belle, sabihin mo sa amin kung ano ang nangyari? We want to help pero paano kung hindi mo sasabihin ang lahat? Maiintindihan ka namin, maiintindihan kita. Sino ang mga nilalang na tinutukoy mo sa akin na gumugulo sa iyo?" mababakas sa mga mata ko ang takot at pangamba kaya umiling ako at napayuko. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa takot.

"You don't need to know, I don't want to be unfair but mapapahamak lang kayo at ang buong Vampire World. Let me solve my own problem." sabi ko at tumayo pero napaupo rin nang pigilan ako ni Cassius at saktong dating din ni tita Ana, dala ang juice at sandwich na ginawa niya. Sa tingin ko hinayaan niya munang magusap-usap kami bago siya dumating.

"I don't f*cking care kahit pa mamatay ako, maprotektahan lang kita. Hindi ako papayag na sa pagkakataong ito ay muli akong mabigo protektahan ka." madiing sabi ni Cassius pero umiling lang ako.

"Ayoko nga sabi na ipahamak ka. Kung iyon lang ang gusto ko sana matagal na kitang pinatay." napapalakas na ang boses ko kaya nagugulat silang tumingin sa akin , umiwas ako ng tingin.

"Belle..." akmang hahawakan ni Cassius ang kamay ko pero umiwas ako.

"You don't understand. You don't know what I'm going through the past years. The pain, loneliness and sadness that I'm feeling that time." mahina at umiiyak kong sabi.

"That's why I'm here now. I'm willing to help you and comfort you. Hindi ka na nag-iisa, mahal ko." malambing at puno ng pagmamahal na sabi niya. Napahinto ako nang makaramdam ng kakaiba sa katawan ko.

Napaupo ako at maya maya lang ay sumuka ako ng dugo na nakapagpataranta sa kanila. Tumayo si Cassius at mababakas sa kanya ang pag-aalala. Napahawak ako sa sikmura dahil sa tindi ng kirot na nararamdaman ko.

Parang bumabaligtad ang sikmura ko at wala rin tigil ang pagsuka ko ng dugo.

"Isabella..." may halong pag-aalalang sabi ni Cassius.

Naramdaman kong may humawak sa tiyan ko at leeg. Nakita ko ang seryosong mukha ni Trix.

"She's cursed." seryosong sabi niya.

"WHAT?" malakas na sigaw ni Cassius.

"I don't know kung ano ito pero sigurado akong sumpa ito. Tanging ang Alpha lang ang makakapagpaliwanag ng lahat."

"Pero umalis ang Alpha at walang nakakaalam kung nasaan siya."

"Si Dad at Mom, sigurado akong alam nila ang nangyayari."

"Dadalhin natin siya sa Crimson Academy?"

Hindi ko na maintindihan kung sino ang nagsasalita basta ang alam ko nahihirapan na ako. Masakit na ang nararamdaman ko at patuloy ang pagsuka ng dugo. May nakalagay na planggana sa harap ko kung saan ako sumusuka.

"We have no other choice, hindi ko hahayaang mahirapan ang babaeng mahal ko."

Chasing Love (CA Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon