Chapter 16 The Antidote

14 3 0
                                    

Cassius' POV

Hindi ko akalain na ang pagbabalik ko dito sa Crimson Academy ay magiging ganito ang dahilan. Nilingon ko si Isabella na nakapasan sa likod ko at walang malay. Kampante akong ayos lang siya kahit na siya ay nanghihina dahil nararamdaman ko ang kanyang paghinga.

"Let's go?" sabi ni Gio na buhat ang anak nila at tumango kami bago naglakad papasok ng gate ng CA. Kasama na namin si Matt at Trix. Iniwan namin si Mama kay Auntie at kampante kaming walamg masamang mangyayari habang wala kami.

Pagpasok sa loob ng Academy ay napalingon sa amin ang mga estudyanteng busy sa kung anong ginagawa. Sumalubong sa amin si Elvy at Benj na kapwa headmaster na dito.

"Natanggap namin ang mensahe ninyo. Naghihintay na sila." sabi ni Elvy kaya naglakad na kami papunta sa Haven.

"Wow, siya ba si Isabella? Totoo ngang buhay pa siya." rinig kong bulong ni Benj kay Matt.

Malapit na kami sa Haven nang matanaw namin ang mag-asawang si Lev at Tres.

"Akin na si Chase, dadalhin ko muna kung nasaan si Bliss at Sean." tumango si Cassy at Gio kay Lev at binigay na nila ang anak.

Pumasok na kami sa loob at nakitang kumpleto nga sila. Ang mga magulang at kapatid ni Gio, at ang mga headmaster.

"We heard the problem." sabi ni Master Zach at sinenyas na ihiga ko muna si Isabella sa kamang nakaayos sa gitna. Tinulungan naman ako niGio pero nang nakahiga na siya ay nagulat kami ng muli siyang sumuka ng dugo. At dahil mabilis kaming bampira ay agad nakakuha ng plangganasi Benj.

"Seryosong bagay ito at kapag hindi naagapan, tiyak kong hindi maganda ang mangyayari." nilingon namin si Lady Feronia sa sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" kunot noo kong tanong.

"Kapag nagpatuloy ang pagsuka niya ng dugo ay baka ikamatay niya." gulat akong tumingin sa Lady.

"Tita, pakiusap tulungan niyo po siya. Tulungan niyo ang babaeng mahal ko na huwag na ulit mawala sa piling ko." umiiyak kong sabi habang nakaluhod sa harap niya.

"Tumayo ka, Cassius. Hindi ako ang makakagamot sa kanya." nagtataka ko siyang tiningnan.

"Sino po?"

"Ang nagsumpa sa kanya." sabi niya at hinawakan ang kamay ni Isabella.

"Sino ang nagsumpa sa kanya?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ko alam pero ramdam ko ang itim na kapangyarihan na lumulukob sa kanya. Malakas siya at hindi basta-bastang bampira." sabi pa ni Lady Feronia.

"Mom, posible bang ito ang sinasabing mga itim na bampirang pinadala non ng Emperor?" tanong ni Gio sa ina kaya siya ang binalingan nito.

"Hindi ko alam pero posible. Kailangan niyo siyang hanapin dahil siya lamang ang antidote sa sumpa." kumuyom ang kamao ko at tiningnan si Isabella, nanghihina siya pero tumigil siya sa pagsuka ng dugo ngayon.

"Kung sinoman siya bakit niya ito gagawin kay Isabella? Hindi ba niya alam na patay na ang Emperor? Kaya bakit niya pa kailangan gawin ito?" sabi ni Scarlet.

"Paghihiganti, iyan lang ang tanging dahilan nila para gawin ang lahat ng ito." nilingon namin si headmistress Elle.

"Paghihiganti? Bakit si Isabella? Wala siya nang panahon ng digmaan." sabi ko.

"Exactly, she is an open target. Do you really think na siya ang target? Siya lamang ang kaya nilang kontrolin dahil siya ang matagal na nilang hawak. Niligtas nila sa kamatayan si Isabella upang gamitin." natahimik kami sa sinabi ni headmistress.

"Kung ganon tama nga kami, posible na sila ang nagtago sa kanya. Pero sino ang pwedeng gumawa nito?" tanong ni Gio.

"Hindi siya ordinaryong itim na bampira, malakas at makapangyarihan siya. Hindi basta sumpa ang ginawad nila kay Isabella. Isa itong malakas na sumpa na kahit sinong pinakamalakas na bampira ay hindi ito malulunasan." sabi ni Lady Feronia.

"How can we find him or her if we didn't know who she or he?" tanong ko.

"There's only way to find out." napalingon kami kay headmaster Cole.

"Ano po? Sabihin niyo sa akin at lahat gagawin ko mahanap ko lang ang lunas." confident na sabi ko.

"Sa Alvantin, talk again to Caleb and Cristoff." sabi ni Master Zach.

"Alam po nila kung saan matatagpuan ang nagsumpa kay Isabella?" tanong ng kapatid ko.

"No, alam lang nila kung saan niyo matatagpuan ang pinakamakapangyarihang nilalang sa Vampire World." nagulat kami sa sinabi ni Lady Feronia.

"The most powerful creature? Pero ano ang alam niya at posible bang makaharap namin siya?" tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang sumagot at tiningnan ako na parang dapat alam ko na ang sagot sa tanong ko.

I should've know that, he's not called powerful creature with nothing.

******

N

agsimula kaming maglakbay papuntang Alvantin at mabilis lang kaming nakarating, hindi katulad nang huli naming punta na dumaan pa kami sa ibang bayan. Kasama ko sila Gio, Cassy, Matt at Tres upang puntahan si Caleb at Cristoff. Kaming lima lang ang pinadala dahil hindi naman daw kami mapapalaban. Isa pa walang magbabantay sa mga bata kung lahat ng kaibigan namin kasama.

"Sigurado ba ang mga headmaster at master Zach na hindi tayo mapapalaban? Makakaharap natin ang makapangyarihang nilalang sa mundo natin afterall." sabi ni Tres pero ilang minuto nang walang nagsasalita nang sagutin siya ni Gio.

"I trust my dad and the headmasters. I think makakausap naman natin sila nang maayos ngayon st mabilis." sabi niya.

"Yun ay kung di mo pagaganahin ang init ng ulo mo." nakairap na sabi ni Cassy na tinawanan ni Tres at nailing na lang si Matt habang ako ay seryoso lang na naglalakad. Napanguso naman ang kaibigan ko na kinangiwi ko.

Hindi bagay!

"Hey, foul yun." dun ako natawa sa naging reaksyon ni Gio dahil pinarinig ko talaga ang nasa isip ko sa kanya.

"Yan kuya, happy ka lang. Huwag ka masyadong seryoso, alam kong makakahanap tayo ng solusyon sa nangyari kay Belle. May tiwala siya sa'yo." napabuntong hininga ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Alam kong may tiwala si Belle sa akin kaya mas nakakapagalala. Mas pinili niyang mahirapan kaysa mapahamak ako." malamig kong sabi at sabay sabay silang lumingon sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Matt.

"Nabanggit niya di ba na kung gusto niya akong masaktan sana pinatay niya na ako? Sinabi rin niya sa akin na tinatakot nila siya at pinipilit gawin ang hindi niya gusto. Tingin ko inutusan nila si Belle na patayin niya ako pero hindi niya ginawa kaya ginawan nila siya ng sumpa. Kaya ngayon hindi ako susuko para iligtas siya." determinado kong sabi, nakita ko ang proud na ngiti ng kapatid ko sa akin.

"How sweet of the love you two." kinikilig pang sabi niya at nginitian naman siya ng asawa.

"Don't forget our love story, love. I'm more than willing to sacrifice my life for you too." nakangiting sabi ni Gio sa asawa na namumula na.

"Yieehh, of course love. And I also willing to sacrifice my life for you and we did that." sabi pa ni Cassy.

"Oo na, ginawa niyo na pareho. Tara na, Matt bigla ko tuloy namiss si Lev." sabi ni Tres at umakbay pa kay Matt.

"Yeah, they're so cheesy. Trix and I doesn't want that kind of cheesiness." sang-ayon ni Matt.

"Kunwari ka pa, Matt. If we know kapag kayong dalawa na lang ay puro din kayo bolahan. You doesn't want a PDA." sabi ni Gio na kinatawa namin pero dumila lang ang dalawa at bigla na lang din sila sabay na nawala. Ginamit na nila ang vampire speed nila papuntang Alvantin kaya nagtinginan kaming tatlo bago humabol sa dalawa.

I think we need to be fast. My love needs me.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now