Chapter 7 Love

13 4 0
                                    

Belle's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sinubukan kong igalaw ang braso ko pero may nakadagan dito. Nakita kong nakadagan ang ulo ni Cassius sa braso ko.

Dito siya natulog sa baba ng kama? Nilibot ko ang tingin at nakitang guest room ito ng bahay nila Cassius.

"Cassius..." tinawag ko siya kaya dahan-dahan niyang inangat ang ulo at tiningnan ako. Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang noo ko.

"May sinat ka pa ng konti. Diyan ka lang, nagluto ako ng lugaw." natawa ako kaya nilingon niya ako na nakakunot noo. "Bakit?" umiling ako.

"Wala, sabi mo nagluto ka. Kailan ka pa natutong magluto? Buti kung hindi palpak iyan." pang-aasar ko pero sinamaan niya ako ng tingin bago siya nailing. Pinitik niya ang noo ko bago tumakbo palabas ng bahay.

Pasaway. Pero napangiti na lang ako. Ilang minuto lang ang hinintay ko nang makita siyang pumapasok ng kwarto.

"Nagpaturo talaga ako kay Mama na magluto kahit pa pinagtawanan ako ni Cassy." sabi niya at sinubuan ako, napangiti ako dahil masarap nga ang luto niya at kuha ang timpla ni tita Ana.

"Nilagnat ba ako?" tanong ko sa kanya habang sinusubuan niya ako.

"Oo, dahil puro ka trabaho masyado ka nang nastress." sermon pa niya sa akin.

"Teka, sabi mo pinagtawanan ka ni Cassy. Dito sila natulog?" tanong ko kaya tumango siya. Ewan ko ba kahit alam kong kaya ko naman kumain mag-isa ay nagpasubo pa rin ako.

"Oo, may business lang si Gio dito. Umalis sila nila Mama para ipasyal dito si Chase. You know, hindi naman dito lumaki ang bata." tumango na lang ako, sa ibang bansa nga pala sila nakatira.

"Bakit di ka sumama?" tanong ko.

"Tapos iiwan kita mag-isa dito sa bahay? No thanks, I prefer to be here with you alone than to leave you alone." napangiti ako sa sinabi niya.

"Kikiligin na ba ako sa sinabi mo?" tanong ko.

"Depende kung mahal mo na ako." natawa kami pareho sa naging sagot niya.

"Bakit? Mahal mo na rin ba ako? Ako at hindi si Isabella?" nagulat ako ng biglang mag-iba ang timpla ng mukha niya.

Binaba niya ang kutsara bago tumingin sa mata ko at nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Ang tanga mo, Belle. Sinira mo ang mood niya.

"Ubos na pala ang lugaw, uminom ka na ng tubig at inumin ang gamot mo tapos magbihis ka na. Yung damit mo nilabhan ni Mama nasa sofa na." tinuro niya ang sofa sa paanan ng kama. Nandun nga ang damit kong suot kahapon.

Tiningnan ko siya hanggang makalabas siya at inuntog ko ang ulo sa headboard ng kama. Tinigil ko rin ng sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili sa pagbanggit sa pangalan ni Isabella o malulungkot dahil apektado pa rin siya ng past.

Kahit medyo nahihilo ako ay pinilit kong tumayo upang magbihis. Nang makabihis ay lumabas na rin ako ng kwarto. Kumapit ako sa hagdan nang muling makaramdam ng hilo. Hinanap ko si Cassius pero wala siya sa kitchen at living room.

Pumunta ako sa pool area at nakita siyang nakaupo sa gutter ng pool at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako at naupo sa tabi niya, hindi pa nga yata niya ako napansin sa lalim ng iniisip.

"Sorry..." nakayuko kong sabi. Nilingon niya ako pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Saan?" nagtatakang tanong niya.

"I don't know... Maybe I said something I didn't need to say. Me and my sinful mouth." tinampal ko ang bibig pero hinawakan niya ang kamay ko.

"You don't do anything wrong. Ako ang masyadong mainarte. I'm sorry..." sabi niya kaya napatitig ako sa kanya at ganun din siya.

"Isabella..." lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakangiti siyang lumapit pero mas napatitig ako sa pula niyang mata.

"Bakit?" nakangiti kong tanong.

"Gusto mong sumama?" tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Saan?" ngumiti lang siya at nilahad ang kamay sa akin.

Walang pagdadalawang isip na inabot ko ang kamay at sumama sa kanya. Magkahawak kamay na tumakbo kami ng mabilis. Yung hindi kayang mahabol nang isang ordinaryong tao.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating kami sa pamilihan ng buong Zagan. Masyadong makulay ang paligid at maraming nakakaengganyong bilhin. Lumapit kami sa matandang babae na may tindang iba't ibang accesories.

"Bakit lumabas pa tayo? Marami namang ganito sa loob ng CA." sabi ko matapos niya akong sabihan na pumili ng isa.

"Ayoko sa loob ng Academy. Maraming asungot sa date natin." sabi niya, kumunot ang noo ko.

"Date? Nagdadate tayo?" tanong ko pero labas ang ngipin sa pagkakangiti siyang tumango.

Matapos niya akobg ibili ng kwintas ay pumunta kami samay batis sa gubat kung saan ang boundary ng mundo namin sa mundo ng mga mortal.

"Dito madalas magkita ang lolo at lola ko kapag nagkikita sila." kumunot ang noo ko.

"Magulang ni tito Leo?" umiling siya sa akin.

"Sa iyo ko lang ito sasabihin at sana wala nang iba pang makaalam ng sikreto ko." nilingon ko siya. "I'm adopted. Nasa mundo ng mga mortal ang tunay kong mga magulang." nagulat ako sa sinabi niya.

"Isa silang mortal?" umiling siya.

"Tao ang nanay ko at kalahating bampira at tao ang tunay kong ama." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Pero... Paano?" ngumiti lang siya at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Pareho kaming napatitig sa bilog na buwan.

"Isabella, bata pa lang ako ay wala nang ipinaintindi sila Mama at Papa sa akin kung hindi kailangan kong tuparin ang aking mission. Nandito ako para sa isang mission."

"Mission?" tumango siya.

"Ang makasama ng Dark Knight upang iligtas ang mundo ng mga bampira mula sa Emperor. Dati handa akong mamatay sa pwedeng kahinatnan nito pero nang dumating ka sa buhay ko natakot na akong mamatay. Gusto ko pang mabuhay upang makasama ka." hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Mahal kita, Isabella Watson. Pwede ba kita maging kasintahan?"

Pakiramdam ko ay huminto ang paligid sa mga binitawan niyang salita. Napatingin ako sa isang banda at nakita ang malamig na tingin ni Gio. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon.

"Isabella, may sasabihin ako. Mahal kita." naalala kong nagulat pa ako sa sinabi niya. "Pero hindi sapat iyon para mas piliin kita kaysa sa kaibigan ko. Mahal nga kita pero alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay may hinihintay akong bumalik. Mas mahal ko siya kaya patawad." natuñala lang ako sa kanya hanggang sa mawala siya s paningin ko.

"Alam kong mahal mo si Gio kaya hindi kita pipiliting mahalin ako. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko. Hindi din kita mahal dahil mate kita kundi yun ang naramdaman ng puso ko." nabalik ang tingin ko sa kanya sa sinabi niya. May halong lungkot sa kanyang mata, tumayo siya at naglakad na palayo pero hindi ko alam na nung oras na iyon ay sumikip ang dibdib ko.

Chasing Love (CA Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon