Chapter 11 Awaken

12 4 0
                                    

Belle's POV

Gising na gising ang diwa ko at di man lang ako dinalaw ng antok. Nilingon ko si Cassius na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Tanging kumot lang ang nakatakip sa aming katawan.

Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ito. Siguro iniisip ko na baka ito na ang huling beses na magkikita kami. Ayoko na siyang mahirapan at masaktan.

Hindi ko pinansin kahit na may luhang tumutulo sa pisngi ko. Nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Ang una naming pagkikita hanggang sa huli. Ang mga ngiti at mga mata niyang paborito ko, pula man o itim.

Matapos ng klase ko ay agad akong lumabas upang puntahan si Cassius. Sabi niya hihintayin niya ako.

Napahinto ako nang makita ko siyang may kausap na babae. Ang sweet nila at hinahawakan pa ng babae ang braso niya pero hinahayaan lang niya ito. Pumula ang mata ko habang nakakuyom ang kamao. Nilabas ko rin ang pangil ko at anumang sandali ay pwede na akong manganggat.

Pasugod na ako sa kanila nang may kamay na humawak sa balikat ko.

"Easyhan mo, si Elvy lang iyan. Tropa ni Lev at Trix."  sabi ni Vincent at lumapit sa dalawa, hindi ko man lang napansin na kasama na pala nila si Trix at Lev.

"Hanggang ngayon ba na hindi mo pa nililinaw sa kanya ang lahat na hindi mo na ako gusto?" nilingon ko si Gio na nagsalita. Umiling ako.

"Hindi siya maniniwala." sandaling natawa siya.

"Saan ba kasi nagmana ng kaduwagan at katangahan ang kaibigan ko?" napatingin ako kay Cassius at nakatingin na pala siya sa amin.

"Huwag mo akong tanungin, kayo ang magkaibigan. Baka sa iyo nagmana." natawa siya sa sinabi ko pero maya-maya lang ay nagseryoso na siya.

"Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan na babae at si Cassius ang pinakamatalik kong kaibigan na lalaki. Hindi ko kayang makitang pinapahirapan niyo ang inyong mga sarili. Magpakatotoo na kayo bago mahuli ang lahat." huling sabi niya at naglakad na palayo.

Nakita kong nakatingin pa rin si Cassius pero may halong lungkot sa mga mata niya. Lalapitan ko sana pero bigla siyang tumalikod sa akin.

"Tara, tawagin natin si Gio." sabi ni Vincent at inakbayan siya. Umalis na pala ang tatlong babae na kausap nila.

"Saan?" tanong ni Cassius.

"Sa dati..." by means dati ibig sabihin magsasanay kami sa gubat ng CA.

Kaya nagsanay kami doon pero ang hindi namin alam, yun na pala ang huling beses na makikita ko sila. Sana sinabi ko na ang nararamdaman ko. Sana ipinaramdam ko sa kanya at sana masaya akong lilisan sa mundo.

Yun ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko habang bumabagsak ako sa bangin.

Tumayo ako at agad na nagbihis, nilingon ko siya sa huling sandali bago tuluyang lumabas ng kwarto. Malayo sa kanya, malayo sa lalaking mahal ko at malayo sa mga nagmamahal sa akin.

Dumiretso ako sa parking ng condo building ko. Pagkasakay sa kotse ay agad akong sumubsob sa manibela at umiyak nang umiyak. Inangat ko ang ulo nang may kumatok mula sa bintana.

Walang gana akong lumabas ng kotse at nadatnan siya.

"Ano ba ang kailangan niyo?" walang gana kong sabi.

"Handa ka na bang maging kaanib ng grupo namin?" nakangisi niyang tanong.

"Ni minsan hindi ko ninais na maging isa sa mga itim na bampira." madiin kong sabi kaya ngumisi siya.

"Tama ako, naaalala mo na ang lahat." nakangisi niyang sabi at maya maya lang ay may itim na pulbura siyang hinipan papunta sa akin dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.

******

Nagising ako nang maramdaman ko ang hapdi sa kanan kong pisngi. Sinamaan ko ang lalaking nakamaskara na itim at siyang sumampal sa akin.

"Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Ngayong naaalala ko na ang lahat at hindi niyo na ako mapapasunod, papatayin niyo na ba ako?" buong tapang kong sabi. Kung ito na ang huling buhay ko ay alam kong handa na ako.

Naiparamdam ko kay Cassius ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala na ang pamilya ko dahil pinatay na nilang lahat kaya wala na akong pagsisihan kapag namatay ako.

"Huwag kang masyadong magmadali. Maaari ka pa naming magamit." alam ko sa likod ng itim niyang maskara ay ang malademonyo niyang ngiti.

"Hindi ko gagawin ang gusto ninyo. Hindi ko papatayin ang lalaking mahal ko." madiin kong sabi pero hinawakan niya ang baba ko.

Nanghihina na ang tuhod ko at ang buong kalamnan. Pinapakiramdaman ko ang sarili pero ramdam kong wala ang lakas ko bilang bampira. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa akin pero sigurado ako simula nang magising ako ay wala ang lakas at kakayahan ko.

"Sinabi ko bang ikaw pa ang gagawa? Kung pwede namang bihagin ka at siya ang kusang pupunta upang iligtas ka. Oras na dumating siya? Madali ko na lang siyang patayin." sabi niya hababg tumatawa ng malademonyo. Nagkuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"Gagawin niyo akong pain?" galit kong sabi.

"Exactly. Matalino ka rin pala? Akala ko uto-uto ka rin tulad ng lalaking mahal mo." kung hindi lang mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay ko ay sinapak ko na siya. Wala siyang karapatan magsalita nang ganyan kay Cassius.

"Bakit niyo siya gustong patayin? Sino ba talaga kayo? Kung kabilang kayo sa mga itim na bampira, bakit siya ang target?" nagtataka lang ako kasi alam ko dapat mas higit silang magalit kay Gio dahil siya ang Dark Knight.

Tumawa siya nang tumawa sa hindi ko malamang dahilan. Nang huminto siya sa pagtawa ay nanlilisik ang matang tumingin sa akin.

"Hindi mo ba nabalitaan ang nangyaring digmaan, limang taon na ang nakakalipas?" kumunot ang noo ko, parang may narinig akong pinag-usapan isang beses si Gio at Cassius tungkol sa digmaan.

Nagkaroon na ba ng digmaan sa Crimson Academy? Natalo ba nila ang Emperor? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit sila pero bakit kay Cassius? Bakit gusto nilang patayin si Cassius? Ang alam ko ang Dark Knight at ang itinakda ang makakatalo sa mga itim na bampira.

"Kinuha ka na namin dahil alam kong darating ang oras na magagamit ka namin pero hindi namin nabalitaan ang biglang digmaan sa Crimson Academy. Ang Dark Knight na si Giovanni Crimson at ang itinakda, ang lalaking mahal mo na si Cassius Bloodrose o Lioncourt." I shocked by his statement. I can't believe it.

Chasing Love (CA Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon