Chapter 5 Pain

16 4 0
                                    

Belle's POV

Matapos namin pag-usapan ni Cassius ang plano para sa mga kliyente namin ay dumiretso kami sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit muli na naman niya ako napapayag na sumama. Siguro dahil gusto ko makita ulit si tita Ana, namiss ko na rin kasi siya. Tinuring ko na rin siyang Mama dahil napakabait niya sa akin.

Pagpasok namin ay halata ang gulat din ni Cassius nang makita ang bisita na nasa living room.

"Tito..." may batang bigla na lang tumakbo sa kanya. Nagtaka ako dahil parang isang buwan pa lang ng huli silang bumisita dito pero bakit ang bilis lumaki ng bata? Napailing na lang ako, siguro mabilis lang lumaki sa panahon ngayon ang mga bata.

"Chase, ang laki mo na." tumawa lang ang bata.

"Hi," bati ng kapatid ni Cassius na si Cassy yata. Naiilang na ngumiti ako sa kanya. Nagulat ako ng iangkla niya ang braso sa akin.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Cassius sa kapatid kaya nagkatinginan ang mag-asawa.

"Belle, maaari bang samahan mo muna ako sa kusina upang maghanda ng merienda?" tumango ako sa sinabi ni tita Ana kaya sabay na kaming naglakad sa kusina.

"Tita, ano pong niluluto ninyo?" tanong ko sa kanya.

"Nagluluto ako ng ginataan dahil paborito ito ni Cassius." hindi ko alam pero parang gusto ko nang matutunan ang pagluluto nito.

Habang naghahalo ng ginataan na nakasalang sa kalan ay biglang sumakit ang ulo ko. Umalis saglit si tita Ana para puntahan si Chase na nasa kwarto para maglaro.

"Ganun na ba kaseryoso ang nangyayari?" nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Cassius.

Alam ko ay nagpunta sila sa garden upang mag-usap kaya malayo sila at imposibleng marinig sila mula dito sa kusina. Pero napakalinaw ng boses nila sa pandinig ko.

"Oo, kaya kuya gusto ka namin balaan sa posibleng paghahasik ng kasamaan dito." boses naman ni Cassy ang narinig ko.

"Akala ko ba natalo na natin ang Emperor kaya sino ang posibleng kalaban natin?" tanong pa ni Cassius, nalilito ako sa usapan nila.

"Hindi rin namin alam pero siguradong mas mahirap ito dahil walang nakakakilala sa bagong kalaban. Ang kailangan ay maging alisto. Cassius, nung nagpunta tayo sa opisina ni Belle... Sigurado ako na may nanggaling doon na itim na bampira at pabalik-balik siya, ilang beses na iyong nagpunta doon. Bantayan mo si Belle dahil may kutob din ako na siya si Isabella. Maaaring may kinalaman ang mga itim na bampira sa nangyari sa kanya." sabi ng asawa ni Cassy.

Di ko alam pero muli na namang sumakit ang dibdib ko sa kaalaman na lahat sila ay iniisip na ibang tao ako. Naalala ko na tinawag din akong Isabella ni Cassius nang unang beses niya akong makita. Nilapitan lang ba niya ako dahil akala niya ako ang hinahanap niya? Sino ba talaga si Isabella sa buhay ni Cassius? Ganun ba siya kaimportante sa kanya?

Napaso ako nang hindi sinasadyang mahawakan ko ang kaldero dahil naalala ko ang sinabi nilang itim na bampira. Do really vampire exists? Hinahanap nila ang mga itim na bampira?

"Belle, what happened?" nabalik ako sa kasaluluyan nang marinig ko ang nagaalalang boses ni tita Ana. Iniisip ko kasi kung saan ko narinig ang salitang itim na bampira.

Tiningnan ko ang daliring may paso at namumula pero wala akong naramdaman na kahit ano.

"Ayos lang po ako, tita." sagot ko at pinagpatuloy ang paghahalo ng ginataan.

"Sandali lang." sabi ni tita at lumabas muli ng kusina.

"Belle..." nagulat naman ako sa pagtawag ni Cassius. Ang bilis naman niya dito.

"Bakit?" tanong ko pero hindi siya sumagot at kinuha lang ang daliri kong may paso. Sakto namang pagpasok ni tita na may dalang first aid kit. Kinuha ito ni Cassius.

Seryoso lang siyang nakatingin sa daliri ko habang nilalagyan niya ng ointment. Napatitig ako sa kanya at di ko alam kung bakit tumulo bigla ang luha ko. Para bang may naguudyok sa loob ko na sinasabing parang miss na miss ko na siya kahit pa araw-araw kaming nagkikita.

"Dapat lagi kang mag-iingat, paano na lang kapag wala ako? Ingatan mo rin ang sarili mo, Belle. Gusto kitang ingatan at protektahan pero hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ako. Darating ang araw at kailangan mong mag-isa." hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko sa binitawan niyang salita.

Nang hindi ako sumagot ay inangat niya ang seryosong mukha pero napatigil siya ng makita ang mga luhang tumulo sa mata ko.

"Ganun ba kasakit kaya ka naiyak?" lalo akong humagulgol sa tanong niya kaya niyakap niya ako. Hinayaan ko siya at pakiramdam ko ito na ang pinakakomportableng pwesto sa lahat. Sinandal ko pa ang ulo ko sa dibdib niya.

Patuloy lang akong umiiyak habang patuloy niyang hinahagod ang likuran ko.

"Sshhh, don't cry. I'm here. Don't worry, gagaling din iyan." umiling ako sa sinabi niya.

"No, my pain will be forever my pain." bulong ko sa kanya at di ko namalayan na bumibigat na ang talukap ng mata ko.

Huli ko na lang naramdaman ng punasan niya ang luha ko at halikan ang mga mata ko tsaka ko naramdamang umangat ako sa ere na parang binuhat.

"No, your pain is also my pain so please don't be in pain." bulong niya sa akin bago ako tuluyang nakatulog.

******

"Sino po kayo?" tanong ko sa matandang nakita ko na nagluluto.

Lumingon siya sa akin at ngumiti, pinunasan niya ang kamay niya bago naglakad palapit sa akin.

"Gising ka na pala iha. Ako si Segovia pero lola Seg na lang tawag mo sa akin. Nakita kita sa gubat na walang malay kaya kita inuwi. Anong pangalan mo?" nakangiti niyang sabi. Nilibot ko ang tingin sa paligid.

Maliit na kubo lang ito at may maliit na Tv sa sala. Konting lingon ay ang kusina at may maliit na lamesa. Sumakit ang ulo ko sa pagalala kung sino ako.

"H-hindi ko po alam." mahina kong bulong pero tinapik niya ang balikat ko  at ngumiti.

"Kung ganon nakalimot ka? Siguro dahil tumama ang ulo mo kaya nagkaamnesia ka. Ako na lang magpapangalan muna sa iyo. Simula ngayon, Belinda Diaz na ang pangalan mo. Belle ang itatawag ko sa'yo." napangiti ako sa sinabi niya at tumango.

Ilang buwan na ako nakatira sa kubo kasama si lola Seg at masasabi kong sobrang saya ko. Pinaramdam niya sa akin na tunay niya akong apo. Kaya kahit di ko maalala ang pagkatao ko o sino ang pamilya ko ay hindi ko na inabala pa ang sarili. Masaya ako bilang Belinda Diaz kaya mabubuhay ako bilang Belle.

Pumapasok ako sa isang pampublikong paaralan sa kolehiyo malapit sa amin. Pagkauwi ko ay hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Maraming kalalakihan ang nasa kubo namin.

"Bigyan niyo pa ng oras ang bata. Hindi pa sapat ang lakas niya para kalabanin ang sarili niyang lahi. Pamilya at kaibigan." sabi ni lola na nagpaguho ng mundo ko. All this time alam niya kung sino ako.

Chasing Love (CA Spin-off)Where stories live. Discover now